New Thinking. New Possibilities.

6

June 3, 2012 by theairprince

My instant inspiration during my interview

Muntik ko ng kalimutang ikwento sa inyo. Bago pa man abutin ng isang dekada o milenyo, ako ay nagagalak na ibahagi sa inyo ang isang napakagandang balita. Mas maganda pa sa iyo. Charot.😛

Last May, ako ay mapalad na natanggap sa Hyundai Asia Resources Inc. bilang isang graphic artist.  Matapos ang ilang buwan ng job hunting at kakabakabang job interviews, hindi ko inakala na matatanggap sa isa sa 4 na kompanyang inaplayan ko. Sa wakas, sinagot ang aking mga dasal, may napala ang aking kapaguran, at hindi nasayang ang tinta ng printer sa kakaprint ng resume at portfolio. Pakiramdam ko para akong nagtagumpay sa isang laban o kaya nanalo sa lotto. *Insert Dulce’s Ako ay Nagwagi music here*.

Noong nakaraang Christmas ay di ako masaya. Pakiramdam ko nga undas noon eh. Sapilitan akong tinanggal ng kompanyang pinasukan ko noon. At bago kayo mag-isip ng kung anu-ano, hindi po ako natanggal dahil sa pagiging pasaway. May breeding ako kahit mukha akong gago. Nagkataon kasing mababa ang production kaya kinailangang magbawas ng empleyado. At isa ako dun. Medyo masaklap kasi kakatanggap sa akin noong October tapos biglang inalis after a month. Saktong Christmas season pa. Tanggap ko na sana yung sinapit ko kaso yung separation pay ko ay napakaliit. Kasama na dun yung remaining sweldo na hindi ko pa nakukuha ah! Pambayad ko lang ng 2 buwan ng internet bills! Pambihira.

Kasama sa New Year’s resolutions ko na maghahanap ako ng trabahong ikaliligaya ko at yung makatarungan (talagang bitter ako, no?). Nakakafrustrate kasi yung pakiramdam na wala kang trabaho. Feeling ko wala akong purpose. Marami akong gustong gawin kaso wala akong trabaho. Idagdag mo pa ang family pressure. Nakakawindang. Pero nagsumikap ako. Tuwing umaga kinukuha ko yung mga  dyaryo ng ate ko para tumingin sa classified ads. Nagbababad ako sa Jobstreet para makahanap ng openings. Nagpadala ako ng emails sa iba’t ibang kompanya. Sa  madaling salita, naging trabaho ko nun ang paghahanap ng trabaho. Di man ako kumita ng salapi (napagastos pa nga eh), madami naman akong natutunan. Natutunan kong dapat kumain ng almusal bago sumabak sa interview at i-Google Map ang lokasyon ng company.

5 kompanya mula sa iba’t ibang industriya ang tumawag sa akin. May kompanya ng unan/kama/foam. Meron ding kompanya ng libro at school supplies. May isang international school (read as ‘inernershernerl skel’). Meron namang nagmula sa automotive industry. At isang retailing brand ng British fashion. Maliban sa pangalawa kong  binanggit, lahat ay pinuntahan ko for interviews at initial examinations.

Umasa ako natatawagan nila ako muli kung matatanggap na ako. Nakaabang ako. Humiling sa langit. After isang linggo, tumawag sa akin yung car company na inapplyan ko. Balik daw ako for technical exam. Pumunta naman ako. Halos abutin ako ng kalahating araw sa exam ko. Pinagawan ako ng mock design layouts. Aminin ko na nakakakaba dahil hindi ako sanay sa mga bagay na may kaugnay sa mga kotse. Hindi nga ako marunong magmaneho eh. Pero ayun pinagtyagaan ko yung exam kahit halos mahilo ako sa gutom. Matapos ang technical exam, hintayin ko yung tawag for another interview. Interview ulit? Hindi na ako makaangal dahil ayoko naman pakawalan ang pagkakataon. Ilang linggo akong dumaan sa mga interviews ng future bosses ko at ng HR director. Masaya na nakakakaba na parang natatae.

At isang hapon nakatanggap ako ng isang mensahe mula sa HR. Pinapabalik ako dahil ang aking application ay aprubado. Sa sobrang galak ko eh hindi ko na natapos basahin yung text message. Malay natin joke time lang pala. Pero totoo. Tanggap ako. So pumunta ako sa scheduled meeting at pinabasa sa akin ang kontrata. Pinaliwanang sa akin ang magiging status ko as probationary employee (6 months pa ang regularization). Pati benefits inexpain sa akin. Parang network contract signing lang ang pakiramdam ko nung araw na iyon, kaya mula pagsakay ng elevator pababa hanggang sa pagsakay ng bus sa Ayala ay nakangiting aso ako. Kulang na lang sumayaw ako ng buong kahabaan ng Ayala Avenue.

Hanggang ngayon ramdam ko yung saya. Kasi akala ko nun mabibigo ako muli. I was close on giving up. Pero dahil sa sipag, tiyaga, determinasyon, at dasal, nakamit ko ang matagal ko ng inaasam-asam. Dramatic pero totoo. Ganyan ang realidad ng buhay. Mahirap pero dapat kayanin. Walang mangyayari kung hindi susubukin. Gaya nga ng mga salita sa larawan na nasa ibabaw: Never Stop. Sugod…. laban… huwag uurong. Dahil ang umuurong lang ay utong. Joke. But it rhymes, diba?

Nalaman ko na matagal na palang bukas ang posisyon. Since January this year pa. Out of 30+ applicants, ako yung natanggap. Actually, second choice pala ako. May mas nauna na pala silang napili kaso nagbackout dahil may counter-offer yung applicant sa ibang company. So ako yung pinili. Guess who kung sino yung applicant na yun. CLOSE FRIEND AT SCHOOLMATE KO PA. It’s a small world after all!

Di man naging ok yung technical exam ko (aminado naman ako na I didn’t give my best dahil stressed out ako), ang naging edge ko is yung portfolio ko. Kaya dear fellow ABMA students, no matter how magaling at marunong kayo sa inyong mga larangan, kung wala kayong portfolio na maipapakita, mahhirapan kayo. Syempre dapat yung maganang portfolo. Yung mapapaamze yung interviewer niyo. Yung tipong mapapaNGANGA, like this -> :O

 

May 16 ang aking unang araw bilang kabahagi ng HARI. Ako pala ay under ng Creative Services Group ng Marketing Operations Department. Kasing-init ng kape sa umaga ang pagtanggap sa akin. Buti di naman ako napaso. Hot kasi ako. Charot. Kulang na lang magpapiyesta sa akin ang aking mga katrabaho. I felt very welcome. Masaya sila at wild din. Saktong sakto talaga sa akin. Sa sobrang tuwa nila sa akin, yung supervisor ko sinabak ako kaagad sa dealer shoot kinabukasan. First overtime ko yun. Pumunta kami ng location ng 7 am at umuwi ng 3 am kinabukasan. Ok lang dahil nasanay naman ako noong nasa college pa lang ako.

So far, so good. Nag-eenjoy ako sa aking newfound career kahit halos araw-araw ay overtime ako. Hindi ko nanasisilayan ang araw tuwing ako ay umuuwi. Pero ok lang, bayad naman ang overtime ko. At kasama ko naman ang aking newfound friends. Naks.

MOD family: Ako, Kuya Mel, Pre, Dan, Kat, Peter, Arbs, birthday girl Nikki, Ms Vhie, Jo, Ms Eds, Kraig, and Lordie

Lord, salamat sa lahat. Inaalay ko ang tagumpay ko sa inyo. Salamat sa mga sumoporta at nag-alay ng dasal (parang mamamatay no?) para ako ay bigyan ng lakas ng loob at inspiration para makamit ko ito. Salamat sa mga kaibigan ko na laging nagpapaalala na kahit ano mangyari ay huwag pa rin akong susuko. Salamat sa aking pamilya na nagtiwala sa aking kakayahan at nagbigay ng munting tulong para matustusan ang aking pangangailan para sa mga job applications ko. Salamat din sa aking bagong pamilya, ang HARI. Nakita niyo ang aking kakayahan at determinasyon. Salamat din sa Bench Fix Salon sa swabe kong gupit.😛

Maraming salamat sa inyong lahat! Always remember, with new thinking, there are new possibilities. Maisinggit lang ang slogan ng Hyundai. Hehe. Stay tuned for my new career journey. Ang tumutok, mananalo ng kotse mula sa Hyundai. Joke😛

Hot like Mexico, rejoice!

6 thoughts on “New Thinking. New Possibilities.

  1. Manul-nulat ng Bayan says:

    congrats po….

  2. enya says:

    airprince! wagas ka :))) ngayon lang ako nagtiyagang magbasa ng blogs and infairness, nattawa ako!! congrats sayo!🙂

  3. Maye says:

    Grabe kuya. Nakkainispire nmn :)) ako din kasi nagjojobhunting ako. Katulad din po ng ngyare saino. Nagexam ako tapos ilang beses pinabalik para sa interview. Pero hanngang ngaun d padin sila tumtwag kung anung result ng final interview ko. Tingin ko, 2nd choice lang din po ko. Pero i’m still hoping padin po.

    • theairprince says:

      Hello Maye! Sorry if it took me just now to reply to your message. Anyway… how was your job hunting? Do you have work na? Well it’s the reality of finding a job. NakakaStress Drilon pero along the way you’ll learn a lot. I hope at this time meron ka ng work. If wala pa, just try harder and prayer will help. Tiwala lang sa sarili.🙂

      • maye says:

        Hello kuya! Finally meron na kong job. magoonemonth nadin kaya lang mejo nagdadalawang isip pa ko sa trabaho na to. ahahaha. nakakainis kase ung boss eh. di ko lang feel. hayyy. anyway,thankyou sa advice! :)) ^^

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: