Maria Ozawa: Ang Babaeng Nagpaasa

7

December 30, 2011 by theairprince

Bago basahin, isang paalala muna mula sa MTRCB…

Inilagay ko ito alinsunod sa patakaran ng MTRCB. Kinuhanan ko pa ito ng permiso sa NTC, DTI, PNP, BFAD, at kung saan-saang ahensya ng gobyerno. Naka tax-mapped rin ang Kakabakaba Ka Ba? ayon sa batas ng BIR. Pinabakunahan ko pa sa RITM ito para sigurado. Mahirap na.😀

Hey boys...

Napabalita kamakailan na si Maria Ozawa, isang tanyag na Japanese pornstar, ay diumano’y nasa ating bansa. Di niyo siya kilala? Paki-Google niyo lang po. Dumating DAW si Binibining Ozawa noong December 22 ayon sa kanyang status sa Facebook account. Di matukoy kung saang bahagi ng Pinas namamalagi si Maria Ozawa: kung siya ba ay nasa isa sa mga gusali ng Sogo, nasa Baywalk ba, nasa Babuyan Islands, nasa tuktok ng Mt. Pinatubo, or nasa Puerto Princesa Underground River. Ngunit maaaring nasa kathang-isip lang natin siya, kinukulit ang ating imahinasyon. Nabaliw lalo ang sankalalakihan nang diumano’y nagkomento muli si Binibining Ozawa na siya ay bumili ng Globe sim at naghahanap ng mga Pinoy na kanyang isasalang sa isang audition para sa isang porn film. Parang audition lang ng Pilipinas Got Talent, X Factor, at Pinoy Big Brother (pun intended). At naglipana ang mga volunteers na tila mas hihigitan pa ang dami ng mga volunteers sa Red Cross.

Dinugo ako sa lalim ng Tagalog.

Angelica Panganiban & Maria Ozawa: separated at birth?

Sino nga ba si Maria Ozawa?

Una kong natuklasan si Maria Ozawa mula sa aking mga haliparot na blockmates noong college na naguumpukan sa harapan ng isang computer monitor. Syempre, kahit kasinghigpit na ng CIA ng Amerika ang security ng network sa school, di mapigilan na may nagaganap na kalakaran ng mga porn. Nasa hidden folder or di kaya nasa folder na may secret name ang mga videos. Upang makakuha ka ng kopya, dapat madiskarte ka. At dahil lalong illegal pag binuksan mo at pinanuod sa loob ng lab, ilalabas lang ang USB at CTRL+C/CTRL+X tapos CTRL+S na kaagad. Walang sinabi ang mga drug mules sa China sa kalakaran.

At napanuod ko si Binibining Ozawa. Namumukhaan ko sa kanya si Angelica Panganiban. Kulang na lang sumigaw ng mga ala-Rubi kontrabida lines habang nakikipagsiping si Maria Ozawa. Kung tutuusin may similarities din sila: parehas silang mahilig sa banana split. :p

Kung ang America ay may Sasha Grey, ang Asia naman ay merong Maria Ozawa. What if kung mag-star sila sa iisang film. Panigurado taob ang tandem nila Vilma Santos at Nora Aunor (teka bat sila naisip ko???).

Sa dami ng pinapatulan nila, napapaisip ako: di kaya may STD or HIV AIDS na sila? Kasing luwag na ba sila ng kalsada pag Mahal na Araw o ng garter ng luma kong salawal?

Oh balik tayo sa usapan.

Nakita ko sa Facebook news feed ko about Maria’s arrival here sa Pilipinas through one of my contact’s post. Tinignan ko yung mismong page kung saan nanggaling yung balita. “Hello Philippines” daw sabi ni Maria. At sumunod ang mga nakakaulol at nakakawindang na comments tulad ng nasa ibaba.

Babala: Naglipana ang mga manyak.

Ewan ko pero habang nababasa ko ang mga comments, di ko mapigilang mainis imbis na magalak sa pagdating ni Ozawa. Sorry pero parang yung iba na nagpopost parang uhaw na uhaw sa sex. Hindi ako magpapakahipokrito. Nanunuod ako ng porn at likas sa kalalakihan ang makaramdam ng tawag ng laman bukod sa flag ceremony. In short, ma-el ako… maligaya. May psychological explanation naman na ang isa sa pangangailangan ng tao ang sexual needs. Pero sa aking nasaksi ay tila mga asong nauulol sa isang piraso ng karne. Parang ugaling kanto lang na parang nakainom tapos aambushin ang isang dalagang dumaan. Yung iba kung makapag-Ingles parang signal na choppy na ang hirap i-comprehend. There’s a fine line between being maligaya at being manyak. Kaya sa bandang huli, natawa na lang ako. Tawang gorilla lang.

Ang mga kalalakihan ay naglaway. Parang sinumpong ng dysmenorrhea ang kababaihan. Paniguradong nagiinit na naman ang mga puwitan ng mga arsobispo. At ang mga beki ay dedma galore lang. PAK

At hindi nagtapos ang Maria Ozawa craze. After couple of days, nagpost na naman si Maria Ozawa. Bumili daw siya ng Globe sim.  Sounds fishy. Siguro kung nalaman to ni Manny Pangilinan for sure pati si Ozawa ay bilhin na niya. At di lang yon, may audition daw para sa mga Pinoy para sa susunod niyang porn film. At mismong tiniweet ng ANC ha.

ANC tweeted this. Seriously? I hear some 'UHHHH'.

After few hours, GMA 7 refuted the rumors. I hear some 'AWWWW'.

Parang auditions lang ng PBB, X Factor, at PGT.

Paging Katrina Halili and Maricar Reyes, what can you say about this? O.O

Di ko mawari paano kung ibinalita ito over TV Patrol or 24 Oras. Baka maubo sina Korina Sanchez at Mike Enriquez. Excuse me pow.

But on the other hand, GMA 7 refuted the rumors. KJ? I think they have a point. In the first place, madali mauto ang tao sa mga fake accounts. Basta may pangalan na ng artista, finofollow na sa Twitter or inaadd sa Facebook. Parang bumibili ka ng something na hindi mo alam kung registered yung tindahan. Andaming napapahamak at nanghahamak sa social media sites. Yan ang downfall. Daming naglipanang posers at fake accounts. Good thing GMA 7 did this since they are known for their Think Before You Click campaign. Kaso ang nangyayari ay Click Before You Think. *facepalm*

And I think majority are now booing, cursing, making dirty fingers, and mooning their computer/laptop screens.

Isa lang ang leksyon dapat nating matutunan mula sa pangayayaring ito:

THINK BEFORE YOU LICK ay este CLICK!😀

Hot like Mexico, rejoice!

7 thoughts on “Maria Ozawa: Ang Babaeng Nagpaasa

  1. bagotilyo says:

    sino si maria ozawa??? lalalala

    hehehe…

    hindi ako bsta lick ng lick este click ng click… salamt sa paalala ..hehehe

    • theairprince says:

      Di mo kilala si Maria Ozawa? Saang bato ka nagtatago? Tsampalin kita eh. Joke haha!

      Uu mahirap na, baka kilikili ni Mahal ang ma-lick mo ay este ma-click mo. :))

      Salamat sa pagbabasa, san’y may napulot kang aral. May quiz bukas about this. Don’t forget to study this. :))

  2. Kawawang mga manyak… na-deflate mga ano nila.

    And hi, there! Nice blog you got here.🙂

    • theairprince says:

      Yeah, kawawa talaga kami AY ESTE sila. Tsk Tsk haha!

      Thank you for reading and visiting my blog site🙂 There are more to come so stay tuned (parang TV show lang haha)🙂

  3. elyu says:

    Tapos Ctrl+V, hindi Ctrl+S. Ctrl+V para sa Paste. Yung Ctrl+S sa Save.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: