Dennis Reyes: The Man Who Always Smiles

3

December 4, 2011 by theairprince

Hindi ako makapaniwala. Ambilis ng mga pangyayari. Nagbukas ako ng Facebook ko kaninang 4 PM at isang nakakalungkot na balita ang aking nalaman. Wala na si Sir Dennis…

Hindi ko mapigilang lumuha at maging matamlay. At magulat. Hindi ko inaakala na isang iglap ay nawala na ang isa sa pinakamamahal na propesor sa APC.

Hindi ko naging professor si Sir Dennis Reyes kailanman dahil ako ay isang AB Multimedia Arts student (he’s the program director of SoCSIT).Nakilala ko lamang siya ng bahagya hanggang sa nagkaroon ako ng pagkakataon na makausap at makatrabaho siya.

Di ko inaasahan na ang aking unang sabak sa career ng photography ay sa CSIT (wala pang School of CSIT nun) mula sa paanyaya ni Joyce Gutierrez at ng kanyang JPCS officers. That was 2007; CSIT Week 2007. First-ever project ko nun ay ang Mr. CSIT 2007. Kinuha akong photographer ng pageant promotion. Pero may isa pang hiling si Joyce nun na kung maaari ay kuhanan ko rin ang mga officers pati ang advisers nila na si Sir Dennis at Ms. Rhea Valbuena. Mas kinabahan ako dahil mga professors from ibang course ay pipicturan ko.

And the rest was a grateful history. Naging suki ako sa mga CSIT pageants at sumunod na rin ang mga oportunidad sa ibang courses. But the best part was working with people and being acknowledged by them. At naramdaman ko yun kay Sir Dennis. Biruin niyo ginawaran ako bilang ‘honorary CSIT member’? I’m so blessed and honored. Kaya everytime na pinag-uusapan kung paano ako nagsimula bilang photographer, hindi ko kinakalimutan kung saan ako nagsimula at sino ang mga taong tumulong sa akin.

Di ko man naging professor siya pero alam kong mapalad ako na makilala siya. Alam kong may kapansin-pansin sa kanya: ang pagngiti. At kahit hindi mo man siya kilala ng lubusan, basta’t makasalubong mo siya sa corridors o elevator ng APC, ngumiti lang at bumati sa’yo ay paniguradong gaganda ang takbo ng iyong araw. Gumagaan ang pakiramdam kapag ngumingiti siya sa iyo. Nakakawala ng bad vibes.

Pinatunayan ni Sir Dennis na hindi hadlang ang katayuan ng isang nilalang sa pakikipagkapwa tao. Kahit hindi ka niya naging estudyante o nagmula ka sa ibang course, basta binati mo siya ng ‘Good Morning, Sir’ ay masusuklian ka ng  pagbati. Minsan, siya na mismo ang bumabati sa iyo. Wala nang sasarap pa sa pagbati sa iyo ng ‘magandang araw’.

He is a man of dedication, professionalism, and hardwork. Hands on siya magtrabaho. Even to student activities, as much as he can talagang aattend siya ng events/programs para manuod at sumuporta. He is not a boss but a leader who inspires. At hindi natin dapat kalimutan na malaki rin ang nagawa at nagampanan ni Sir Dennis para sa school particularly sa IT education. Being one of the 4 Center of Excellence in IT won’t be possible without him.

3 bagay ang makikilala mo kay Sir Dennis: ang kanyang Herbie na Volkswagen na laging nakaparada sa parking lot ng school; ang kanyang mga ngiti; at ang kanyang kabaitan.

People’s admiration is a guarantee of Sir Dennis Reyes’ heart of gold. His willingness, sincerity, and kindness made him lovable. Wala akong naririnig na negative about him. Kaya hindi ako nagtataka kung bakit ganoon ang pagmamahal at paghanga sa kanya. Mapagmahal siya sa kanyang pamilya at sa kanyang trabaho kaya nasusuklian siya ng mas higit pa sa kanyang ibinibigay. At kahit marami ang pumupuri sa kanya, he stays humble.

Natuwa ako kasi yung drawing ko ginawa mong profile picture mo sa Facebook tapos kinulayan mo pa. But so sad at the same time dahil ito ang huling profile picture mo

His life becomes an inspiration. His legacy will continue. His infectious smile will forever linger. A great servant of God. Thank you for everything, Sir Dennis Reyes. Sobrang nagpapasalamat po ako sa inyo. You were able to touch everyone’s lives and I’m very fortunate to be one of them.

Teacher… mentor… adviser… colleague… friend… father… inspiration… The Man Who Always Smilesyou will always be remembered and loved.

*All photos are from his Facebook account.

Hot like Mexico, rejoice!

3 thoughts on “Dennis Reyes: The Man Who Always Smiles

  1. mike says:

    What happened? Pano siya namatay?

  2. Bea says:

    I received the text message from Dr. Tan yesterday and I couldn’t react immediately. I was deeply shocked. Honestly, I can’t believe it. Dennis has always been a formidable force. When he sets his mind to doing something, it gets done and there are a lot of nigh impossible things he made possible. In my mind, he is infallible. So really. It’s just really shocking.

  3. roy says:

    heart attack i think

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: