Kung Anu-anong Post #1

2

November 17, 2011 by theairprince

Ito napapala ko kapag wala akong magawa at sawang-sawa na ako sa kakarefresh ng Facebook: kung anu-ano ang pinupuntahan kong websites (aside from You…tube).

Anyway, narito ang mga random finds ko na worth checking:

Walang masama kung mahal mo ang iyong ginagawa. Passion drives us further. But what if super duper umaapaw ka sa passion? Is there such a thing called arts orgasm? Ok, tama na. Rated PG na.

Ikaw na, Beyonce! Akala natin hanggang mundo lang ang powers niya pero nagkamali tayo. Sinakop na niya ang buong kalawakan. Yung totoo, nagpopromote sa outer space? Kung ganoon lang din ang plano niya, sana shinoot yung music video sa Mars or sa Neptune para kabog lang. And ang gandang wake up call diba? Mas magandang panggising kesa sa alarm clock (na ilang beses mong pinapatay pero matutulog ka rin ulit) or sa sigaw ng galit mong nanay. Garantisado na di lang maganda ang gising mo kundi maganda ka rin. Yan ang ganap kaya sabay-sabay tayo mag “Who run the world?” with matching pitik-pitik shoulders.

Got this from my friend Mike Bueza. Para ito sa mga kapwa ko ABMA, particularly those typography enthusiasts, and extra particularly sa mga OC sa spacing ng bawat titik. Practice the science of kerning and patience by adjusting the spaces between the letters. Para sa mga designers, spaces matters. It can earn you million bucks or can even start a World War. Joke lang.

Gusto mo ba maging DJ? Idol niyo ba si David Guetta? Pwes, pakielam ko. Charot. Found this from Tumblr. Super cool nito. Made by Andre Mitchell, it resembles a tenori-on (kung kilala mo si Little Boots, I’m sure magiging familiar ka rito). Sorry hindi ko ma-embed yung mismong grid (just click the link). You just click any of the squares then it will create a unique tone. Actually you can create a sound that can be used for house tracks.

Stay tune for my another batch of link finds.

Hot like Mexico, rejoice!

2 thoughts on “Kung Anu-anong Post #1

  1. Bagotilyo says:

    palong palo si beyonce..whahaha

    • theairprince says:

      Imagine mo. Habang nasa MRT ka tapos biglang nagsalita sa PA si Beyonce for you. Paglabas mo ng MRT tapos naglalakad ka sa kalsada lumabas si Beyonce sa LED billboard tapos nagsasalita siya for you. Tapos nagring yung phone mo sabay si Beyonce pala yung caller. Ano mararamdaman mo?

      Panic. LOL

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: