Ako’y nagbabalik

1

November 8, 2011 by theairprince

“I just stared to the future, and it winked at me.”

Ano daw? Kahit ako di ko naintindihan pinagsasabi-sabi ko. It just came across my mind.

Isa pang English, kakalbuhin ko na sarili ko.

Anyway. HELLO! I’M BACK! Did you miss me? I hope so. Nakakamiss mag blog lalo na pag marami kang nais sabihin at ikwento (at lalo na pag may nagbabagang chismis ka. Joke). Hindi ko naibatid sa inyo ang aking biglaan at matagal na pagkawala dahil sa dami at bigat ng mga sunud-sunod na pangyayari. Sa madaling salita, I was busy.

Medyo nakakapanibago. Matagal-tagal akong hindi nakapagblog. Huling update ko ata eh tungkol kay Shamcey Supsup. Buong October ay wala akong nailagay dito. Maraming beses ako nagtangka ngunit ako’y nabigo. At eto na naman ang palaliman ng Tagalog.

Bakit ngayon lang? Kung ikukwento ko lahat ng pangyayari noong nakalipas na araw ay baka hinihiyawan ka na ng galit mong nanay sa baba, o masunog ang sinasaing mo, o kasalukuyang gumugunaw na ang mundo. Ikukwento ko na lang sa inyo kung bakit biglang nanahimik ang aking blog.

And this shall be my first entry for the month of November…

 

Hindi ko pala nasabi na ako’y kasalukuyang nagtatrabaho sa isang BPO company sa Alabang. Kung kayo ay masugit na tagasubaybay ng aking buhay, nabanggit ko noon ang tungkol sa first job ko as animation builder. It was a great experience pero kailangan kong maghanap ng trabaho na full-time since ako ay isang freelancer lang doon. Di sapat ang aking kinikita. Unexpected na dumating sa akin itong pagkakataon. Month-long ang naging training ko doon bilang graphic artist. Ang challenge para sa akin ay ang oras ng pasok. Night shift ako. Parang call center. Imagine niyo na kung kailan pauwi ang karamihan ay ako naman ay papasok naman and vice versa. Mahirap sa umpisa pero di nagtagal ay nasanay na ang katawan at diwa ko. After all, dapat lang na masanay ako dahil sanay ako sa gabi. Remember, call boy ako. Joke🙂.

After an intense month of training,  ako ay naging hired. October 10. Panay status ko noon dahil di ko matago ang tuwa at pasasalamat ko noon. Nagkapirmahan na ng contract at binigyan na kami ng sarili naming ATM accounts. Ilang beses kong tinatanong ang sarili ko kung totoo ba ang mga nagaganap. My first official full-time job. And my first ATM card. At sa unang araw ko sa kompanya ay napa-overtime ako.

Pero hindi rin naiwasan na nagkaproblema along the way. Sinusubukan talaga ako ng Maykapal. 2 weeks after ay nagkaroon ng force resignation/end of contract sa mga employees. Nagpanic ako kasama ang mga officemates ko. Kung ihahalintulad sa graph ang excitement namin, from point A to point B aybiglang bagsak ang kaligayahan namin. Lalo na ako dahil inakala ko na magiging OK na ang lahat. A week before the scheduled office report, andaming gumugulo sa isipan ko. Isa na dun ang paghahanap ng panibagong trabaho. Nakakafrustrate dahil kaka-hire pa lang sa amin tapos tatanggalin kami. Iniisip ko na magpaPasko tapos ako biglang mawawalan ng trabaho. Napaaga ang Mahal na Araw para sa akin.

Subalit ako’y hired pa rin. Salamat, Lord. At kasama ko pa rin ang mga ka-batch ko. Though I feel bad sa mga natanggal. Medyo madami rin ang sapilitang tinanggal. Naintindihan ko naman kung bakit ganoon ang nangyayari. Since malapit na magwakas ang taon ay bumababa na ang production rate kaya kailangang magbawas ng human resource ang company. Ang di ko lang maintindihan ay bakit nag-mass hiring sila noong September tapos sabay ganito ang nangyari nitong October.

Pero sa kabila ng magandang balita ay may condition pa rin. Sana ay dumagsa pa rin ang mga gawain para di mapilitang magbawas ulit ng tao. Kaya sana ay tuluy-tuloy pa rin ang trabaho para may pambili na ako ng hamon at Keso de Bola para sa Pasko🙂.

By the way. Share ko sa inyo ang nakakatawang experience ko sa ATM. Since first time ko nga magkaroon ng ATM card, mukha akong tanga sa paggamit. Buti na lang mahaba ang pila at kasama ko ang mga kaibigan ko para obserbahan kung paano gumamit. At dahil sa excitement ko, napasobra ako sa pagtulak sa card. Nagpanic ako na parang si Mr. Bean. Akala ko nilamon na ng makina ang card ko. Buti na lang hindi. And yes, nalasap ko rin ang paghihirap ko sa bandang huli. Pero pangako ko sa sarili ko na hindi ko wawaldasin ang pera ko. Ipon-ipon muna. Kaya isang libo muna inilabas ko. Mahirap na baka maholdap ako.

 

Hot like Mexico, rejoice!

One thought on “Ako’y nagbabalik

  1. Bagotilyo says:

    hahhaa.. welcome back sa blog world ..

    kakabalik ko lng din ulit.

    theres always a first time..

    haha nakakarelate ako nung perstaym ko mgka ATM card.😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: