The Missing Alice, behind the scenes

2

September 4, 2011 by theairprince

Sa wakas, pwede ko na i-post ito. Nabigyan na ako ng go-signal.

Last July 31, a month ago, naging bahagi ako ng napakasaya at napakaglamorosong fashion pictorial ng aking bagong friend na si April Japzon. Ito ay kanyang Finals project para sa kanyang Styling class under veteran supermodel Ms. Marina Benipayo (correct if I’m wrong, April) since nag-aaral siya sa School of Fashion and Arts.

Inimbitahan niya ako sa project niya ilang buwan na ang nakalipas. Willing ako tumulong since gusto ko rin makita at maging kabahagi ng pictorial (dahil isa akong training fashion photographer). Pero di ko inaasahang gagawin niya akong extra model. Nagulat ako pero hindi ako nagdalawang isip. Umoo kaagad ako. Binigyan niya ako ng ideas kung ano ang mangyayari at ano ang dapat dalhin. Mas lalo ako naexcite na magsusuot ang mga models ng designer clothes, at ako ay mapalad na makakasuot ng creation ni Mr. Gerry Katigbak. I was in cloud 9.

Pinaghandaan ko talaga ng husto ang pictorial. At dahil marami ang makakakita, ayoko rin mapahiya. Plus, pangarap ko maging model. Sa awa naman ng Maykapal, hindi ako masyado binisita ng mga pimples at naging malusog para sa pictorial. Nanghiram pa ako ng boots. At nanindigan ako sa turo ni Tyra Banks. Kaya nagpractice ako ng tinatawag na ‘smize’ habang nakaharap sa salamin.

Sa baba ay makikita niyo ang video ng behind the scenes ng pictorial namin.

At hindi ko pinalampas ang pagkakataong kumuha ng pictures. Alam kong hindi ko pa maaaring ilathala ang mga photos hangga’t wala pang pahintulot. Pwede kong ilabas after ng project presentation niya.

Pansamantalang binulabog ni Miss Hairstylist na si Boggy Diaz (left) ang malapugad na kinky hair ng aking apo na si Miel (right) para sa pictorial. No wonder na hanggang titig na lang si Tweety Bird.


Lights courtesy of Cinerent (kung nais niyo pong alamin ang contact details, hindi po ako ang tamang taong mapapagtanungan). Ansaya at sarap ng feeling pag nakakakita ka ng mga ilaw at ng mismong production set, lalo na pag kabilang ka sa models. Kung nasanay ako bilang isang photographer, this time isa ako sa kukuhanan. Don’t worry, hindi ako naging primo ballerina. Naging ballerina lang naman ako.


Ito ang makeup baggage ni Muriel Vega Perez (kaanu-ano niya si Vega ng Street Fighter?).  Kung tutuusin, hindi lang kit or baggage. Masasabi kong isang mobile makeup room ang dala niya. Pag bukas nito, animo’y may lumitaw na parlor sa harapan mo. Kumpletong-kumpleto. May ilaw pa. Sa susunod, may dressing room na kasama. Sayang wala akong litrato na kasama siya. Super kwela at nakakatawa si Muriel. Kung hindi ako nagkakamali, isa siyang registered nurse pero sumasideline siya as makeup artist din. At hindi basta-bastang makeup artist si Muriel: nakapagtrabaho at nafeature na siya sa mga magazine and production pictorials. (Tama na ang bola haha.)


Ito ang mga damit na susuotin para sa project ni April. Take note: designer clothes. Di basta-basta na damit. Nagmula ang mga damit kina Alodia Cecilia Sales, Pablo Cabahug, Chris Diaz, at sa mga sikat na sina THE Mama Renee Salud, Veejay Floresca (of the finalists of Project Runway Philippines, season 1. Ang ganda ng creations niya, pramis.) and si Puey Quiñones. Ang sinuot kong damit ay gawa naman ni Gerry Katigbak, isa rin sa mga hinahangaang fashion designers dito sa Pilipinas. Kaya halong excitement at kaba ang naramdaman ko dahil magsusuot ako ng isang designer menswear. Masaya dahil first-time at kinakabahan kung mabibigyan ko ng hustisya ang damit. Mahirap makulong. Joke.


Si Miel habang kinukuhanan ng picture ni Master Raecen Dimacali (both of them are my schoolmates). Parehong bilib ako sa kanila. Magaling magmodel at magproject si Miel. Top Model material. Si Raecen naman magaling kumuha ng litrato. Top Photographer material. Ako?


Ako at si Miel habang nagpapahinga. In fairness ang ganda ng lip color niya. Anong name? Chicken Curry Yellow? Sino manufacturer? Si Aling Maybelline ba? Ako naman ay gumamit ng sebo mula sa LM… Lucky Me Supreme La Paz Batchoy. Di lang makintab, may lasa pa.


Accesories courtesy of Mickey See. Yes, see the accessories by Mickey See. Wow, it rhymes. Andaya, bakit wala akong accessories? Sana kahit pwet ng baso pinasuot sa akin. Joke.


Shoot was done at Dancing Machine Philippines Studio near Uniwide Parañaque. Isa siyang ballet and dance school na nagtatago sa isang subdivision sa Parañaque. Noong una, nahirapan akong hanapin yung lokasyon ng pictorial at muntik na akong lapain ng asong tumatahol (natural, alanganing tumitilaok) sa kapitbahay. Aside from ballet paintings sa studio, nakita ko tong ballerina figurine na mukhang santo. Kulang na lang suotan ng damit at kabitan ng halo at aras. Medyo nakakatakot yung itsura ng figurine. Baka mamaya gumalaw.


Blocking (positioning and testing kung maganda ang itsura sa picture) by Raecen with Jasmine (seating, left) and Rubie (standing, right). Or baka may nakita silang ipis.


It was Rubie’s time to shine. Galing ah. Suot ni Rubie ang kulay Ruby na damit. Gawin itong tongue twister. Repeat until fade. Teka, pwede rin siyang si Rubi, ang bidang kontrabida.


Oh ha, oh ha. May label pa talaga ang damit ko. At natuwa ako dahil tama ang spelling ng palayaw ko. Hindi ako kumitil ng buhay, sa wakas. Dapat ay kukuhanan kami ng picture sa pintuan (hence, ‘door scene’) ngunit nagbago ang plano. Buti na lang hindi natuloy. Mahirap kuhanan ang mukhang pinto sa pinto. (Nilait na naman ang sarili.)


Pakiramdam ko humawak ako ng pilak (hindi talaga ginto, no?) nung nasa kamay ko na yung damit na susuotin ko. Dahil proud ako, kinuhanan ko yung label ng damit. Sana balang araw, afford ko na bumili ng mga damit na katulad niyan. Mas maganda kung magdonate kayo sa akin. Yung totoo, evacuee?


Astig tong coat-of-arms/insignia/whatever-you-may-call-it. Reminds me of Bench. And gusto ko yung texture ng damit. Bagay sa mga mamalimig na klima tulad ng opisinang wagas na wagas ang airconditioning.


Sa wakas, may makeup na ako courtesy of Muriel. Medyo naiinsecure ako habang minemakeupan niya ako kasi baka iniisip niya, nagmamake-up ba siya ng mukha o ng mukha ng buwan. May craters eh. (Nilait ang sarili.) Pero ang galing. Nawala ang mga marka. Hindi na ako mukhang buwan. Mukha na akong Jupiter. Salamat Muriel, RN.


At eto na nga. At dahil may pagka “Alice in Wonderland” ang tema ng shoot, ibinigay sa akin ni April ang karakter na White Rabbit. Ewan ko ba kung dahil ipinanganak ako sa Year of the Rabbit o mukha akong kuneho. Gayupaman, hindi naman literal na Alice in Wonderland. Isang inspiration lamang at isang fashion interpretation ang pictorial. Kaya wala akong tenga ng isang kuneho at naniniwala ang stylist na kaya ko i-feel ang personality ni White Rabbit. Kengkoy. Makulit. Muntanga minsan. Pero lovable.


Syempre di mawawala ang paborito kong pose: ang papogi pose. Di ko na pala kelangan ng rabbit ears. May rabbit nose naman ako. Leche, ang ganda talaga ng coat.


At kung inyong mapapansin at mapupuna, white stocking lang ang suot ko sa pambaba. Nakabrief lang ako sa pang-ilalim. Kung nakatayo, mukha namang palda kaya walang bahala. Pag nakaupo na ako, yun lang. Felix Bakat na. Ika nga ni Muriel… “Santolan Station, Santolan Station”. Pero cool nga eh, mukha akong aabay sa Royal Wedding. Kulang na lang ng unan, singsing, at aras, ringbearer na ako. And by the way, nais ko pong pasalamatan si ginoong Mech Serva sa brown boots na aking sinuot. Sarap mag boots. Pakiramdam ko isa akong cowboy na macho dancer. Salamat, Mech. I love you pare. Haha.


Change attire si Marii. Siya ang pinakastar at pinakakawawa(?) dahil sa dami ng wardrobe layouts.


Parang graceful flamingo na sasayaw ng Swan Lake. Galing ni Marii. Napakagraceful at effortless ng poses niya. And may pagkahawig siya kay Ina Raymundo.


Habang nagpapahinga at hinahanda ang susunod ni eksena. Mga bandang hapon na yan.


Antagal daw mamili ng damit si Marii kaya naimbyerna si saleslady. Joke. Ito ang shot ng model with the stylist para sa layout ng project. Syempre, di magpapatalo si soon-to-be Liz Uy. (Uy April, kunin mo akong Vince Uy ah. Ginawa mo na kasing Marc Nicdao si Raecen eh.)


Sinisigurado nila April, Raecen, at Ethan kung nakakuha sila ng magandang shot. At teka. Ethan, pose ba yan o makati ba pwet mo?


My anak, Lei, and Miel. Hands down to Lei’s support. Siya ang tagadocument ng mga nangyayaring kababalaghan sa pictorial. Siya ang tumulong at kumontak sa akin nung ako ay naliligaw sa kalsada habang papunta sa location.


Si April at Raecen with his totem-face expression. Bow ako sa inyong dalawa.


At syempre… hindi mawawala ang asaran at harutan sa likod ng pictorial. Meet the EaPril loveteam. Parang binisayang April lang. Mukhang mag-asawa: yung tipong kailangang magtanim ng palay si Eathan para lang sa wedding gown ni April. Kasalukuyang nilalanggam ako habang tinatype ito. Bigyan niyo ak ng Baygon. Gagawin kong pabango.


Ang finale. Namangha ako sa ganda ni Marii at sa damit niya na mala-wedding gown (uy, walang malisya sa paghanga ko ah). Bongga yung gown na tipong pwedeng ipantapat sa wedding dress ni Kate Middleton. Mahaba ang train, tipong aabot ng EDSA at pwedeng sumakay ang mga abay. Di ko lang nakuhanan ng picture na nasa ilalim si April.

Too bad wala akong picture habang kinukuhanan ako. Pero imagine kung gaano ako kainspired at masaya habang naging bahagi ako ng photoshoot. Salamat talaga, April. Salamat din sa mga nakasalamuha ko. Sa uulitin.

Ilalagay ko sa ibang blog entry ang finished product dahil ayokong magreklamo kayo sa tagal ng pagload at haba ng blog entry na ito. Here’s the link of the photos! ^_^

Hot like Mexico, rejoice!

2 thoughts on “The Missing Alice, behind the scenes

  1. Rubie Ganzon says:

    Toney! Rubie here! Ngayon ko lang nakita yung photo ko na kinuha mo sakin. Ang candid! Like ko! Kaya mo ba isend sakin yung Hi-Res copy? gagawin ko sanang FB cover photo🙂

    • theairprince says:

      Hello Rubie! Buti naalala mo pa ako and how were you able to see this blog? Galing🙂 Sure sure, wait yung email add mo ba is yung Gmail mo? And alin sa mga photo yung isesend ko?🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: