Final Exams, ating eksaminin

4

August 31, 2011 by theairprince

PAKSHET! FINALS NA NAMAN!

Marami akong namimiss na mga bagay-bagay sa college life. Kahit ikaw namimiss ko. Joke. At isa sa mga namimiss ko ay ang Finals Week. Di kayo nagkakamali sa nabasa niyo. I know I sound crazy. Bakit ko gugustuhin ang isang bagay na nagpadusa sa akin noong nag-aaral pa ako? Tulad ng madlang college students, naranasan ko ring mahirapan sa Finals Week. Hell week, ika nga. Halos maubos ang kilay ko ka pagsusunog, masuka sa mga kape’t energy drink na iniinom ko para lang hindi makatulog (which apparently, wa epek minsan), mapagalitan ako ng mga magulang ko dahil gabi na ako umuuwi dahil sa mga projects (na most of the time hindi na talaga yun ang nangyayari), at magmukhang zombie dahil sa stress na dulot ng end of term. Isama mo na rin ang mga walang katapusang deadlines at ubusan ng pera sa mga walang katapusang projects.

But comparing it to the situation outside school, it’s more different. Working is like an never-ending Finals Week. Di tulad ng Finals, you have to impress your boss infinitely unless you get fired (I hope we all in the workforce don’t resort to this). Everyday has countless deadlines. Attendance do really count. Presentations are more critical (and there’s no redefense). And unlike when you fail at your subject and you can retake the course, you cannot afford to fail your job lalo na mataas ang expectations ng society sa labor population at mataas rin ang unemployment rate. Kaya think na maswerte pa rin ang students. And oh, we don’t have the privilege of class suspensions except kung masama na talaga ang panahon and the admin orders a suspension.

At hindi makukumpleto ang Finals Week kung wala ang mga written examinations. Mas malulupit ang written exams pagka Finals kesa sa mga assignments at quizzes. Malawak ang coverage (imagine combining all quizzes into one big test). It comprises a big percentage bulk of class rating (kaya minsan nalalaman na kung pasado o bagsak). At mas mahirap kumopya lalo na pag iba ang proctor ninyo😀.

Pero ano nga ba ang nilalaman ng isang Finals Week test paper? Anu-ano ba ang makikita natin? At saan banda tayo nahihirapan? Halina’t talakayin natin.

Direction: Read carefully. No erasures, please. Joke.

Test I. Identification

Ito ang kadalasang unang bumubulaga sa atin sa written exams. Aalamin ang salitang tinutukoy ng kahulugan. Ang pinakasikat na format ng uri ng pagsusulit na ito ay ‘________’ + meaning ng hinahanap ng salita. Pero may ibang forms ng identification tulad ng complete the word (parang Wheel of Fortune-style; bubuuin mo yung letters, which is somehow easy dahil binibigyan ka na ng hints), fill-in-the-blanks (parang identification pero mas marami ang sasagutan na missing words sa isang statement item/number), or definition (kabaliktaran; given yung key term pero ikaw ang magsusulat ng meaning, which is kinda hard.) Anumang style ng identification, most of the students would agree na ito ang kadalasang nilalaktawan para sagutin ang mga susunod na parts ng exams, at madalas na hindi rin naiiwanang blanko😛.

Test II.True or False

Dito inaalam ng exam taker kung totoo, baluktot, or gawa-gawa lang ng professor mo ang statement. Kung sumasang-ayon ka sa sinasabi, isusulat mo ang “True”. Kung hindi naman, “False”. Kung di mo alam, di kita matutulungan diyan. Minsan ‘T’ or ‘F’ ang isinusulat pero mas prone to sa dayaan dahil ang “T” pwede maging “F” (lagyan lang ng isang guhit). Meron ding modified true or false na kung saan kapag di ka sumasang-ayon, kailangang hanapin mo ang mali at/o baguhin ang statement. Kadalasang napapagtitripan itong part ngexam, kung maaari daw frue at tralse na lang daw ang isasagot para wala ng problema.

Test III. Multiple Choice

Ito ang pinakasikat sa lahat. Binubuo ito ng mga tanong at sa bawat mga tanong may 2 or higit pa na set of answer choices. Kailangang pillin ang tamang sagot sa pamamagitan ng pagmarka (pabilog/pa-ekis/pakwadrado/o paoctagon kung masayadong OC yung prof) o pagsulat ng letra.   Ito ang mas prefer ng mag-aaral at ng mga test takers. Madaling itong sagutan maliban kung kasing dami ng butil ng bigas ang number of items. Madaling malalaman ang score after checking. At minsan, madali makipagkopyahan sa ganitong uri ng exam maliban kung magkaiba ang test set ng katabi mo. Nakakalito din ang multiple choice test dahil parang lahat ng choices, posible maging tamang sagot, at lalo na yung mga none/all of the above na minsan akala mo yun ang correct answer. Minsan ang student ay nagrerely sa kanyang pattern instinct kung di masagutan almost ng mga items. May sinusundang pattern, kunwari ‘A-B-A-B’ or ‘lahat A’ and so on.

Test IV. Matching Type

Laman nito ang set of defined terms, usually in 2 columns, at kailangang pagtugmain ang dalawang may parehas na katangian, either by connect the dots or by letter. Kalat in random style ang mga dapat mong idugtong sa karugtong niya. Minsan nakakainis ang matching type of tests dahil may naiiwang/kulang ng choice kaya napapaisip ka kung tama na ba ang mga sagot mo (ikaw mismo ang maglalagay ng tamang sagot or posibleng 2 ang sagot sa isang item).

Test V. Enumeration

Ito ang isa mga pasakit sa ulo ng mga mag-aaral. Ililista mo ang mga hinihinging sagot. Kunwari, ilista ang mga pangalan ng 7 dwarfs ni Snow White o 10 Utos ng Diyos (in Latin form). Minsan, pampatagal rin ito at mahirap kumompya (kailangan mabilisang pagsilip o kaya malinaw ang pagsasabi ng sagot kahit sa pabulong na boses). Kaya kailangang memorized  na memorized mo ang list kaya may iba na gumagamit ng mnemonics para madaling maalala ang pinag-aralan (example: Every Good Boys Does Fine at FACE para sa pitch letters sa music).

Test VI. Illustration

Ang bahaging ito ay para sa mga sagot na kailangang iguhit (flowcharts, diagrams, drawings, etc). Kunwari, iguhit ang business cycle diagram, ang salaysay kung paano binaril si Rizal, o ang reproductive system🙂. Minsan, idinadaan na rin sa pagandahan ng drawing para dagdag points. Yung tipong may shadow at shading pa kahit stick figure lang.

Test VII. Essay

Dito mo ipapaliwanag ang hinihinging punto. Maaaring objective (humihingi ng facts) or subjective (humihingi ng iyong palagay o opinion) ang essays. Kadalasang matatagpuan ito sa kadulu-duluhan ng test papers. Kailangan ng malinaw at direct-to-the point na sagot, at isama mo na rin ang maayos na penmanship. Mahirap ata magbasa ng sulat na mukhang kinalaykay ng manok. Yung totoo, heiroglyphics? Minsan pag walang masagot na matino ay dinadaan na lamang sa pagandahan, pabonggahan, at pahabaan ng sagot na kulang na lang ay maging garden ang test paper sa dami ng mabubulaklak na salita at kailangan mo pa ng extra paper. May ibang essay na humihingi ng sapat na bilang ng salita? Wow, naka MS Word ka pala. As if mabibilang pa.

Test VIII. Problem Solving

Syempre, di mawawala ito lalo na sa mga exams ng Math-related subjects. Ito ang parang essay ng mathematics, except puro calculations, formulas, at numbers. Binubuo ito ng mga questions in the form of problems na naghahanap ng value/s. Minsan matatawa ka sa mga problem sets, tipong alamin mo kung gaano kabilis ang takbo ni Juan, may kwento pa, at aalamin mo ang distansya ng kanyang tinakbo, in meters. Kung pupwede lang sagutin na ‘super bilis’. Kailangan mo ring ipakita ang proseso ng pagsagot mo para malaman kung papaano nakuha ang value at hindi inimbento basta-basta. At minsan… kelangan mong i-prove ang sagot mo. Tapos mali pala no? Ulit ka na naman hanggang sa hindi mo na maintindihan yung sinusulat mo at humihingi ka pa ng extra scratch sheet.

So ayan ang mga usual na types of tests na nakikita natin sa mga written examinations. Sa likod ng dusa at pasakit ng mga tanong na hindi masagot, may natututunan tayo. Nalalaman natin kung saan tayo magaling at saan tayo mahina. Natututunan natin na kailangan tayong magreview at mag-aral pa lalo.

Basta laging tatandaan na basahing maigi ang panuto. Ano ang panuto? Direction/Instruction. Malay mo dapat kumpleto ang pangalan ng instructor/professor mo (kasama dapat ang middle name), all caps ang bawat letra ng sagot mo, or dapat violet ang tinta ng panulat mo.  Or bawal pala mag-erasures. Minsan, ang maliliit na detalye ng exams ay may malaking bearing sa score mo. Naranasan ko na yan: instead na bilugan ang letra ng tamang sagot, binilugan ko ang buong sagot.

Mag-aral at magreview para hindi mahirapan sa final exams. Gumawa ng system kung papaano maalala ang mga pinag-aralan. Huwag ka gumawa ng kodigo. Mahirap ang mahuli at magkaroon ng kaso. Mahiya ka naman sa balat mo.

At siyempre, huwag kalimutang magdasal.🙂

Good luck sa final exams. Sa mga papasa, congratulations! Sa mga hindi pinalad, see you next term, joke😀. Now, pass your papers! Finished or not finished!

Hot like Mexico, rejoice!

4 thoughts on “Final Exams, ating eksaminin

  1. anon says:

    hi tatanong ko lang sana kung saan mo nakuha ang image mo sa matching type. yung sa tv5? thanks!

  2. theairprince says:

    Eto po: http://fc06.deviantart.net/fs43/i/2009/102/0/a/TV5_Matching_Type_by_darthkix.jpg

    Uy huwag niyo po ako i-copyright ah. Di ko po sinabing sa akin yung image.🙂

  3. anon says:

    hahahaha.. hindi naman kasi parang kilala ko kung sino gumawa nyan kaya ko natanong. kala ko sikat na sya. btw nice ang blog mo🙂

    • theairprince says:

      Hay, akala ko mapapasakorte ako at ang aking blog🙂 At least naverify at naklaro po natin na wala akong inaangkin na pics dito sa particular na post (nakalimutan ko lang dahil antok na antok ako habang isinusulat ito kaya nakaligdaan).

      Wow, salamat po sa papuri ^_^ At dahil dyan, may libre po kayong kiss mula sa akin… Kiss of Death :))

      Joke lamang po🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: