Chicken Adobo

5

August 30, 2011 by theairprince

Naalala ko nung nasa elementary pa ako, isa sa favorite subjects ko ang Sibika at Kultura.

At isa sa mga pinag-aralan namin noon (and I’m pretty sure lahat tayo) ay ang mga pambansang sagisag.

Nandyan ang pambansang watawat, awit (“Lupang Hinirang”, hindi “Bayang Magiliw”), bayani (Jose Rizal), bulaklak (Sampaguita), prutas (mangga, at hindi ako mahilig dyan), hayop (Ako, joke. Ang kalabaw, bow), at kung anu-ano pa.

Pwede rin natin isama sina Allan K bilang pambansang ilong , si Diego as pambansang bading, at si Vice Ganda bilang pambansang kabayo. (Hindi ako nag-imbento. Matagal ng umiikot ang birong iyan.)

Pero ano nga ba ang pambansang ulam? Likas na sa ating mga Pinoy ang mahilig kumain. At dahil napaibig tayo sa pagkain, sagana tayo sa iba’t-ibang putahe. Sa dami ng isla ang Pilipinas, madami tayong masasarap at malinamnam na ulam, mapa high tide o low tide man. Kaya hindi na nakakapagtataka kung may pagtatalo sa kung ano ba talaga ang pambansang ulam o pagkain. Ayon sa mga nababasa ko, andyan ang sinigang, adobo, at lechon. Hindi rin nagpapatalo ang tuyo. Ang asin, pwede kaya?

Ok. Isinulat ko lang yan para may intro. Daming satsat, no?Last week, nagluto ako ng adobo, adobong manok particularly. Ang nagturo sa akin kung paano magluto ng adobo ay ang aking erpats. Isa yan sa mga natutunan kong lutuin noong nasa high school pa ako dahil kailangan kong matuto. Wala kaming househelper (ang shala ng tawag) since high school pa ako or kung meron man, hindi nagtatagal. Kaya thankful ako na marunong ako magluto.

I can cook all kinds of adobo pero I’m going to share my simple adobong manok recipe.

So here are the ingredients:
► 1 kilo whole chicken, washed and cut into smaller pieces (para madaling paghati-hatiin per serving).


►vinegar (kalahating tasa), soy sauce (1/4 ng tasa), and chicken bouillon cubes (we only need one, tabi mo yung isa). Hindi po ako biniyaran ng Datu Puti for this.

►chopped onion and minced garlic. Hindi naman ako naiyak habang hinihiwa ko ang sibuyas.

And now the procedure:

1) Heat pan. Put some small amount of cooking oil. Then put the garlic and onions and wait until they’re sauteed well. Huwag sunugin dahil mahirap magbalat ulit ng sibuyas at bawang. Sayang sa oras.


2) Ilagay ang mga manok at sangkutsahin. Ano ba ang English ng sangkutsa? I think it’s sauté. Sangkutsahin ang manok para hindi maging malansa ang karne at para maluto ng maigi. Ayaw mo maging dinuguan ang adobo mo.


3) Hinaan ang apoy at takpan. Hayaan mong magtubig ang karne (ito yung juices na galing sa manok). Pwede kang makipagkwentuhan sa kasama mo basta huwag ka magFacebook habang hinihintay mo ito. Baka masunog pa yung niluluto mo.


4) Regularly check the meat. Dapat wala ka na makikitang dugo or hilaw na part. When the chicken is kinda tender, you may proceed to the next step…


5) Lagyan mo na ng soy sauce…


6) And then vinegar…


7) And for extra chicken flavor, you may add a chicken broth cube + 1/2 cup of water. Option mo lang. Pwede mo ring lagyan ng laurel leaves para bumango yung adobo. You may add black pepper. No salt needed at baka magkakidney stones ka pa.


8) In this case, may natira akong onion and garlic so I put them to add more flavor and aroma. Put the lid and let it simmer for about 10 minutes or until the sauce boils. Huwag na huwag niyo munang hahaluin pagkalagay ng suka at toyo, or else pagsisisihan mo na sa bandang huli at papalayasin ka dahil palpak ang adobo mo. Kapag kumulo ng todo, pwede niyong haluin.


10) Let it cook until the meat are extra tender and the sauce becomes kinda thick. Pero some prefer it kinda dry, yung tipong i-gigisa yung karne ulit tapos paunti-unting nilalagyan ng sarsa hanggang sa magmantika. Basta ang mahalaga lasang adobo ang niluluto niyo.

And there you have it, ladies and gentlemaniacs, my own version of Adobong Manok/Chicken Adobo. Too bad hindi ko man lang nagawan ng food presentation for this blog entry since dumating na yung mga parents ko for dinner and I didn’t have time for food platting and photographing.

I think this is easy and I recommend this for those who want to try and learn how to cook. Wala namang mahirap dito. Hindi ka naman manghoholdap for the ingredients. The challenge here is how to achieve that distinctive adobo taste: not that too sour but not that too salty. And pwede ka mag-experiment. You can add potatoes, pineapple chinks for some extra sweetness, or even hard-boiled eggs para complete chicken package talaga.

Hot like Mexico, rejoice!

5 thoughts on “Chicken Adobo

  1. aylablahs says:

    Hindi ko witchikeribelles ang chicken adobo pero since may cooking lessons ka pala dito sa blog mo ay may I back-read to find something na betchabygollywow!

  2. bagotilyo says:

    nakakagutom ang post na ito…. hahaha…

    makakain n nga muna ng dinner :p

  3. Jimmy D. Rama Jr. says:

    i love it, Chicken Adobo

  4. Mark says:

    Ung Sangkutsahin , Parboil yun sa english🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: