Kikoy Kit #1

2

August 23, 2011 by theairprince

Mahirap maging pogi. Mas mahirap i-maintain ang kapogian. Pero pinakamahirap ang maging hindi pogi. Saklap lang.

Since I’m already working, I attend events, at kahit nagcocommute lang, I have to look, smell, and feel good. Taste good? Pwede rin. So I try to invest on stuff that helps me to be more presentable. Kesa sa magpaload ako tapos wala namang makatext, gagastusin ko na lang sa pagpapapogi. Joke.

Kaya last time after I paid my bills, I went to a supermarket para makabili ng essential stuff for my kikoy kit. I spent a lot of time, not money, in reading the info, comparing, and magpakabola sa advertisements before I decided to buy these things. Kulang na lang mapagkamalan akong shoplifter ng mga saleslady dahil pabalik-balik ako sa mga product shelves at hindi mapakali kung anong bibilhin.

Gusto ko sana mag-blog kaagad pero I have to try them first. So I waited for a week to see the results.


First up, Nivea Essential Care Lip Balm. Dati, gumagamit ako ng Chapstick na cherry yung flavor. Kulang na lang gawin kong candy ‘yon dahil ambango. Gumamit na rin ako ng Nivea na strawberry yung flavor which is kinda awkward kasi mukha akong naglagay ng lipstick at pwede na isali sa cast ng Memoirs of a Geisha. Mas malala yung isang lip gloss from my sister na lasang Sprite pero pag ginamit mo, super kintab at pwede ka ng manalamin sa labi ko. Nakakabading. So I looked for something neutral and ‘unisexual’ (what a term), yung tipong pag naghalukat yung chix sa bag mo at aksidenteng nakita ‘to, at least hindi ka sasabihan ng “OMG Bakit strawberry pa ang gamit mong lip balm?”

Ang gusto ko sa nabili ko is super simple lang siya and mabango rin.Smells like teen spirit. Joke. The smell reminds me of vanilla. It contains beeswax at shea butter (pronounced as /shi/). Few swipes and you’re ready to kiss. Hindi siya masebo na parang nakipaghalikan ka sa kumain ng bulalo. Plus, it’s effective since hindi na masyado nagkacrack yung labi ko. Ayos.


Next is Bench Fix Professional Hairlastic: Wicked and Twisted. Fan ako ng Bench Fix hair products lalo na yung Clay Doh Molding Clay at yung Stick na medyo challenging dahil halos maubos mo ang regular shampoo para mawala yung product sa buhok. Bumili ako para masubukan and astig tignan. Mukhang yoyo.


It has moderate hold and shine. Ayoko ng masyadong matigas dahil baka makapatay ako ng isang libong butiki at pwede na akong sumapi sa goth cult. Ayoko rin ng masyadong makintab or wet look. Konting product lang ang kelangan. Medyo naweweirduhan ako sa una kasi para siyang Elmer’s glue pag nilagay mo sa kamay tapos ipapahid. Pero after ilang seconds, nagiging invisible naman yung white substance, basta tamang application ang kelangan. Plus factor din sa akin yung mabangong amoy.

Dahil naintriga ako sa advertisement ng Vaseline for Men facial wash ni Jericho Rosales, bumili ako para masubukan at makita kung magiging kamukha ko siya. Sad to say, nagmukha akong Walls of Jericho nung ginamit ko na. Joke. I usually use Dove bar and Pond’s with activated carbon (again, girls’ stuff but it works for me) pero this time I try something new. Bumili muna ako ng sachet para pag pumalpak, hindi masayang tulad nung bumili ako ng L’Oreal for Men na moisturizing toner na malaki tapos nasayang kasi nagkabreakouts ako.

Konting product, bumubula na. Matindi pa sa power ng mga sabong panlaba. Hindi siya irritating na katulad ng katabi mong kulit ng kulit (HALA SINO KATABI MO?). Plus, it’s infused with vitamins and minerals. Yung totoo, Centrum na facial wash? Nabawasan yung oilness ng mukha ko and very refreshing gamitin. And I noticed nabawasan din yung blemishes ko when I tried using this product.


Ok. Sinubukan ko ring maging si Derek Ramsey thru Belo for Men products. Bumili ako ng small sized Oil Control Toner nila. After few days, naging kamukha ko na nga si Ramsey… Elizabeth Ramsey😀.

Anyway, I read articles on the internet about proper regimen for facial care and I found out the basic facial care steps: Cleanse-Tone-Moisturize. Kaya gusto ko masubukan yung proper regimen. I’ve got the perfect facial wash so I looked for the best toner that would work for me. I tried using Pond’s toner (pambabae na naman) and Master’s Toner pero they failed. Medyo nagdududa ako dito sa Belo for Men toner kaya I just bought a small bottle. Medyo masarap yung feeling pag in-apply mo na siya sa face. May menthol feeling. Hindi rin siya irritating. After applying, kita mong madumi yung cotton.


As for the moisturizing part, I bought Vaseline for Men MENface Anti-Spot Whitening Moisturizer. Once again, small samples muna. At di nga ako nagsisi sa pagbili ng kaunting product. After ilang days, nagkapimples ako. It failed.

Maganda sana yung moisturizer kasi hindi siya sticky-feeling pag ginamit, hindi naman siya matapang. Pero I swear dinagsa ako ng blemishes. Nagprotesta sa kung ano daw ginamit ko. Maybe I need another moisturizer that will work for me.

Nung tinigil ko yung moisturizer, nagng normal ang kondisyon ng face ko, well, except for those pimples na medyo stubborn. Lagot kayo sa akin pag nakabili ako ng spot treatment.


Bumili na rin ako ng deodorant na AXE Dark Temptation. Na-tempt kasi ako bumili nung minsang naamoy ko yung kabarkada ko. Sabi ko “Wow pare, ambango ng kili-kili mo. Parang tsokolate.” Tapos sabi niya “Oo pare, naglagay kasi ako ng Cadbury sa kili-kili ko.” I bet mababawasan ng sales ang Cadbury after reading this sentence.

I love deodorants na hindi masyado matapang yung amoy at hindi nag-iiwan ng stains sa damit (which is embarrassing). I love Old Spice (yung parang blue gel) pero hindi ako makakita sa market. So I settled to my next favorite which is AXE. Aminin na natin: nakakadagdag pogi points ang AXE. Ako nadagdagan ako ng .5 lang.

And hindi ko lang gusto is antagal matuyo kaya minsan tinututok ko sa bintilador. Kaya ako nalelate sa trabaho dahil dito😀.

So that’s it. Sana ay may napulot kayong aral sa aking product review. Wala naman masama kung bumili ka ng moisturizers or creams or kahit ano pang pwedeng isalpak sa mukha at katawan, as long as you feel confident and it works fine on you. Medyo nakakaduda na sa lalake pag bumili na ng foundation, concealer, blush-on, eyeshadow palette (with specific shades), at mascara.

Tandaan: Kahit pangit, idaan na lang sa magandang kutis, mabangong amoy, at malinis na katawan. Haha.

Hot like Mexico, rejoice!

2 thoughts on “Kikoy Kit #1

  1. Marc says:

    Yung Vaseline Men effective naman saken, pero it takes 3 weeks to see the result, I try yung Pond’s Pinkish White Glow, grabe tinadtad ako ng breakouts!

    • theairprince says:

      It really depends on every product you choose. If it works, stick to it. If it doesn’t, why continue to use it?

      Kaya I recommend buying in small samples para hindi sayang if ever it’s ineffective.🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: