Zombadings 1: Patayin sa Shokot si Remington

Leave a comment

August 22, 2011 by theairprince


“Ruler na lang ang straight sa mundo. Minsan, nabebend pa.”

Lumipas na ang Cinemalaya 7 hype nitong nakalipas na July at hindi pa rin ako nakakanuod maski isang pelikula. Gayunpaman, hindi nawala ang interes ko sa mga indie films. Kung tutuusin, mas marami pang magagandang pelikula sa indie category kesa sa mainstream. Nakakasawa na ang mga pelikulang  patweetums, love story cheesiness na halos pwede na ipalaman sa tinapay, at mga comedy na minsan pilit.

Noong August 15 ay nakapanuod ako ng special screening ng Zombadings 1: Patayin sa Shokot si Remington sa Robinson’s Galleria Cinema 5 (BTW, it was my first time to go there). Take note: special screening. Yabang lang no? Biro lang. Hindi ko pinalampas ang pagkakataon na mapanuod ko (kahit muntik na lumagpas ang sinasakyan kong MRT train bago ako makababa sa Ortigas station) bago ang nationwide release nito on August 31. Nanuod ako kasama sina Rob at Will at may nakilala ring new friends. Salamat pala sa imbitasyon, guys. Sa labas pa lang ng sinehan, dama mo na ang spirit ng Zombadings.

Hannah (played by Lauren Young), Jigs (played by Kerbie Zamora), and Remington (played by Mart Escudero). Ano kaya ang nagpagulat sa kanila?

Nagluluksa si Dora the Explorer adult version dahil namayapa na si Boots.

Sa teaser pa lang, natatawa na ako. Baklang-bakla, ika nga. Habang hinihintay ko ang petsa ng movie release, paulit-ulit kong pinapanuod ang teaser hanggang sa paulit-ulit rin akong humahalakhak. Try niyo panuorin lalo na sa last part. Sa title pa lang, alam mo na ang premise ng pelikula. And again, nakakatawa na.

Ang pelikulang ito ay umiikot sa buhay ng isang probinsyanong binatilyong si Remington na walang magawa kundi lumaklak ng alak. Until one day, isang araw, nadiscover niya na unti-unti na siyang nagiging isang juding. Syempre, nahirapan ang lolo, ay este ang lola niyo. Dahil sa isang sumpa, kinakailangan matuto si Remington sa kanyang sinapit habang patuloy niyang tinutuklas ang solusyon.

And by the way, proud ako sa film na ‘to dahil shinoot ito sa Lucban, Quezon! Proud Quezonero ata ako🙂.

Bromance. Uso ngayon yan.


Oo. Ang pelikulang ito ay tungkol sa mga bading. Obvious ba? Nilalarawan nito ang katayuan/lagay ng mga bading sa ating lipunan sa katawa-tawang paraan. Very campy. Most of us naman natatawa sa mga bakla particularly mga ‘parloristang bakla’ dahil sila na rin mismo ang gumagawa ng rason para tayo ay maaliw at matawa. Sa kanilang pananamit, ugali, pananalita, at kultura, halos pwede na sila bumuo ng sariling planeta. Naglevel-up na ang federation.

Pero may ibang anggulo rin na gusto ipakita ang indie film na ito. Marami pa rin ang natatakot at hindi matanggap ang mga bading na misan ay umaabot pa sa di-makatarungang pamamaraan. Sabi nga sa pelikula, madami pa ang ‘nababakla’ sa katotohanan. Do you know na ang ‘bakla’ ay ibig sabihin ay ‘takot’? Ok, talasalitaan time. At dahil dyan, naging instrumento si Remington upang malutas ang patuloy na diskriminasyon laban sa mga gurlaloos.

Nakakatawa talaga yung Zombadings. Every moment, tawa kami ng tawa ng mga kasama ko lalo na yung mga nasa tabi namin. Kulang na lang eh makipagkompetensiya kami sa palakasan ng tawa. Iba yung mga hirit at pagkapilosopo ng mga tauhan. Siguro humingi sila ng tips kay Vice Ganda. Maraming mga nakakatawang eksena. Kung ikukwento ko, di sapat itong blog entry dahil sa dami at baka hindi niyo na panuorin dahil inispoil ko na.

Ganyan ang reaksyon pag hindi mahulaan ang Pinoy Henyo word. Kulang na lang murahin ang TV.

"Huwag niyong tawaging 'bakla' ang anak ko! Dahil ako ang 'bakla'!"

May kaunting problema lang ako sa movie. Una, sana maayos ang pagkakasync ng subtitles pag nagsasalita ng Bekimon language yung mga characters. Pero ayos lang kasi naiintindihan namin. Wait, am I capable of understanding the language without reading the subtitles in the first place? Shit. I just got Bekitongue😀.

Although maganda ang location setups, sana refined ang production design. kung gagawa ng lapida, sana gawing makatotohanan.

Finally, I felt na masyadong naemphasize ang gag factor sa simula hanggang sa paparating sa climax. Pagdating sa climax, nakakabitin. Parang premature ejaculation. What a term😀. In short, minadali. And parang unclear ang concept about gay zombie outbreak. Kung pupwede nga, tanggalin na lang ang zombies. Enough na yung story about sumpa kay Remington. Nevertheless, at least nasobrahan kami ng kakatawa sa umbisa.

Headline: Kapre, nakipagsiping sa isang lalake.

Para sa akin, magaling si Mart Escudero sa pagganap bilang si Remington. Di ko aakalain na mahusay siya sa movie na ito. Naniniwala ako na isa itong breakthrough para sa kanya, taliwas sa mga nagawa niya sa telebisyon. Sorry GMA 7 pero masyado kayong nagfofocus sa iilang stars kaya yung iba napipilitang umalis sa inyo (lagi kayo nagpapaStarStruck tapos nasasayang lang yung mga may potential). Kaya si Mart, kahit lumipat, gumaling at nahasa ang talento. All he need is better exposure.

At syempre, hindi magiging katawa-tawa kung hindi rin sa mga co-actors niya lalo na si Roderick Paulate at Eugene Domingo. At kasama rin yung sidekick ni Ms Janice de Belen. Nakakatawa siya, promise.

The most heart-warming moment of the film ay yung father-and-son-moment nila John Regala at Mart.

Ipapalabas simula August 31 mula Batanes hanggang Jolo (kung meron man silang mga sinehan) ang Zombadings 1: Patayin sa Shokot si Remington. Mula sa direksyon ni Jade Castro, produksyon ng Origin8media Corp, at panulat nila Raymond Lee (Anak, Tanging Yaman), Jade Castro (Endo, My Big Love), and Michiko Yamamoto (Magnifico, Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros). Nood na dahil kung hindi, isa kang bakla! Joke lang.

Narealize ko na may similarity kami ni Remington… makalat ang kwarto at nagagalit ang ermats.

AWARD!

Hot like Mexico, rejoice!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: