Ampao pala ah

4

August 12, 2011 by theairprince

“Matatanda na ang Dragon Boat Team, parang ampao na, magresign na lang sila.”

~ Col. Jeff Tamayo, Philippine Olympic Committee Executive Director

Teka ano nga ba ang ampaw/ampao. Eto yun:

Madalas mong makikita sa mga sari-sari store or sa mga tindahan sa bangketa ang ampaw. Matamis at crispy (pero hindi juicy ah). Pwedeng panghimagas or simpleng merienda. Inahalintulad ni Jeff Tamayo ang Philippine Dragon Boat Team sa ampao o rice puffs:  makapal lang sa labas pero puro hangin lang ang laman sa loob.

But I think it should be the other way around.

I’m sure hindi lang ako ang nainis sa nangyari.

Hindi man pinalad ang Team Azkals laban sa Kuwait during the 2nd leg of FIFA 2016 Asian qualifiers pero unang linggo pa lang ng August, nakabawi naman ang Philippine Dragon Boat Team sa 10th World Dragon Boat Racing Championships sa Tampa, Florida. They won 5 gold medals and 2 silver medals. Siyempre natuwa tayo dahil karangalan para sa ating bansa ang kanilang pagkapanalo.

And now this:

Ganyan ba dapat umasta ang isang sports official sa kabila ng karangalan at pagkapanalo ng PDBT ng 5 gold at 2 silver medals? I have to stressed the medals part. Hindi biro ang makakuha ng 7 medalya lalo na sa international championship, at lalo na kung walang masyadong suporta mula sa gobyerno. Mahirap ang dragon boat sport. Pero mas mahirap ang magtiyaga sa kung anong meron ka o manlimos ng tulong para lang makapagtraining or lumaban para sa karangalan ng bansa.

Regarding the steroids issue: kung may duda sa mga atleta ng PDBT sa paggamit ng steroids, bakit hindi ipasuri sila ng POC? Sila mismo ang nagmomonitor ng time trial kaya tungkulin nila na malaman ang kondisyon ng mga players kahit ang medical condition. And besides, nahihirapan nga bumili ng pangsaing, steroids pa kaya.

At bakit kailangan magtaka kung masyado mabilis ang PDBT during time trial kumpara sa ibang bansa? Hindi ba advantage na rin yun? So kailangan kapantay or hindi aabot sa standard records ang kakayahan ng ating kuponan? Yung totoo, gayahan ng score? Nagsports pa.

Maraming problema ang ating bansa. Kasing dami ng alon sa Manila Bay. Sa dami ng inaalalahanan ng ating gobyerno, isa na ang sports development sa least priority ng ating bansa. Kaya ganoon na lamang kaliit ang suportang pinansyal sa ating mga atleta at soon-to-be-atleta. Dahil diyan, nagtyatiyaga na lang sila or nagawa sila ng paraan para lang makapagtraining or sumali sa mga competitions. Minsan, umaasa sila sa mga donasyon mula sa mga pribadong sector. Naaawa ako sa kalagayan ng ating mga athletes lalo na yung mga nagtitiis sa lumang training equipments… pero bilib ako dahil di alintana sa kanila kahit kapos sa allowance or hindi kasingsopistikado ang mga pasilidad at kagamitan gaya sa ibang bansa. Yes, counted yung mga improvised barbels na gawa sa 2 lata na nilagyan ng semento or kahit yung mga improvised boxing bag na gawa sa sako. At least, hindi nawawala ang disiplina.

Or dahil kaya sa sports politics. Gusto ng PDBT na magkaroon sila ng sariling association under Philippine Sports Commission at Philippine Olympic Committee para maging formal at makakuha rin sila ng suporta at insentibo mula sa gobyerno. Eh ang rekomendasyon ng International Olympic Committee via POC na mag-register sila under the existing Philippine Canoeing and Kayaking Federation. Yun nga lang ay sa dami ng proseso at debate na pinagdadaanan ng PDBT, nakabinbin ang kanilang kinabukasan at pag-asang kilalanin ng pormal ng POC at PSC. Masyadong na-red tape ang kuponan ng dragon boat. Hindi rin natin masisi ang IOC; sila ang kumikilala sa mga sports at nagbibigay ng patakaran at polisiya sa mga kinatawan nito. (Click here to find out why PDBT isn’t part of our national team.)

Mr. Tamayo’s statement was a clear indication of crab mentality. Nanalo na nga para sa bansa, binabatikos pa ng kakapwa. Uulitin ko: mahirap ma-achieve ang 5 gold at 2 silver medals. Tapos sasabihin ng ampao sila?  And on TV pa? Itong pagkapanalo ng Philippine Dragon Boat Team ang tanging nagsisilbing inspirasyon natin sa kabila ng kahirapan at dami ng problema ng Pilipinas. Kaya never say na magresign sila. Ipagreresign mo ang mga taong nagdala ng karangalan at tagumpay? Nasobrahan ka ata sa pinapapak mong ampao, dear Mr. Tamayo. You may have said your apology pero it’s too late to apologize *to the tune of Apologize by One Republic*.

Kaya ayun, yung mga nasa kongreso naisipan magdonate ng cash incentive para sa PDBT. Pero sana, hindi mapulitika ito.

Pero hindi ako ready kung magkaroon ng sexy billboards ang Philippine Dragon Boat Team. Ay oo nga pala, bawal na pala maglagay. Tsk Tsk😀
Congratulations, Philippine Dragon Boat Team! Patunay na kayo ang ehemplo ng lahing Pinoy. Kahit malakas ang alon, tuloy pa rin ang karera’t pagsagwan.🙂

Hot like Mexico, rejoice!

4 thoughts on “Ampao pala ah

  1. Bea says:

    Ayun, nahanap ko rin. Kala ko nag-iba ka ng blog kasi yung front page mo static. Hehe. Anyhoo, I’m submitting this blog tomorrow for something. Surprise na lang.🙂 Post ko details tomorrow na rin.

  2. qwertyatty says:

    very well said, Kuya Tones…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: