Maroon 5 feat Christina Aguilera “Moves Like Jagger” Music Video

Leave a comment

August 11, 2011 by theairprince

Nakakaadik ‘tong kantang ‘to. At least hindi droga ang kinaaadikan ko, di ba? Pero I love sniffing pentel pens. Haha😀

Nadiscover ko yung song sa sister ko nung pinapatugtog niya. Catchy yung sipol. I asked the title and immediately searched the song on the internet. Then I got hooked. Lagi kong pinapatugtog ang “Moves Like Jagger” dito sa kwarto pati na rin sa work. Sa opisina, pag pupunta ako sa CR para jumingle, eto ang lagi kong sinisipol. Paulit-ulit hanggang sa napapatingin na sa akin yung mga tao.

Kung si Pepe Smith ang Mick Jagger ng Pilipinas, ano kaya ang title naman? Ayoko na ituloy, baka kasuhan ako ng CBCP at ipasara ‘tong blog ko. Haha.

Last August 8, its official music video was released on E! but I was able to watch it on their official YouTube channel. It was directed by Jonas Åkerlund (the one who also directed “Telephone” and “Paparazzi” by Lady Gaga, “Hold It Against Me” by Britney Spears, and some Madonna music videos).

Isa lang masasabi ko about the music video: langhiyang Adam Levine, ikaw na ang ubod ng sexy! Umaapaw ka ng sex appeal. Makamove like Jagger nga ako para magka-abs ako, and since mahilig ako mag-topless, magsusuot ako ng low-rise jeans hanggang sa makita na ang buttcrack at ‘karog’ ko. Pardon my words. Magja…Jagger ako araw-araw😀.

And napansin ko lang during Christina Aguilera’s moment habang kumakanta siya: lagi siya tumitingin sa gilid. Ewan ko kung ano nakain niya😀. Pero ‘wow’ pa rin. Ganda niya🙂.

Overall, maganda yung song, maganda rin yung music video. Kahit ikaw, gusto mo magparticipate sa dance showdown. It’s your choice kung anong dance steps ang gagawin mo or kung magtotopless ka rin😀.

Here are some screencaps. Paalala: patnubay ng magulang ang kelangan😀.

And here’s the video:


Music video by Maroon 5 performing Moves Like Jagger. (C) 2011 A&M/Octone Records.

Hot like Mexico, rejoice!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: