Azkals vs. Kuwait match

2

August 5, 2011 by theairprince

The moment that I had been waiting for. Sa wakas, nakanuod na rin ako ng live match ng Team Azkals! Di lang yun, first time ko makanuod ng live sports event. Dapat sana nung Team Azkals – Sri Lanka match last July 7 kaso naubusan na kami ng tickets. I owe my friend Glendale (ang isa sa pinaka Azkal fan sa APC). Kung hindi sa kanya, hindi ko mae-experience ang football craze: ang mag-cheer, mag-boo, at tumawa sa mga laughtrip ng laro.

The game was scheduled last July 28 (Thursday). Hindi ako makakapunta nun sa MR & MS CSIT 2011 pageant since nakapagpabili na ako ng ticket nun. Pero I still sent my best wishes to the contestants and organizers of the event. Yung totoo, kasal? I had work that day pero buti na lang natapos ko yung trabaho ko bago ako naka-alis sa office. I left at around 4 PM (nakanuod pa ako ng Tangled bago umalis, sorry ako na ang late) then rode MRT from Buendia to EDSA-Taft. Good decision since pakiramdam ko traffic ang buong kahabaan ng Gil Puyat. Then I rode LRT to Vito Cruz. Super siksikan! Pakiramdam ko kumapit sa akin ang mikrobyo ng bawat passengers. Haha!

As I was heading Harrison Plaza, inabutan ako ng ulan! I didn’t bring an umbrella; just left it at office since hindi pwede sa loob ng Rizal Memorial Stadium. Tinakbo ko from Pablo Ocampo to McDonalds ng Harrison Plaza habang naulan. Walang patawad ang ulan, pati salawal ko basa. Wagas.

Tignan niyo na lang yung mga susunod na pictures para sa buong kwento. Ia-upload ko sa susunod yung video (I did shoot using a digicam, sabi ni Miki, documentation nga daw).

Finally, I got my P 200 ticket from Glendale. Ito ang pinakamabentang ticket (aside from 300) hindi dahil sa mura pero… you’re about to find out why. Bilib ako kay Glendale. Nakaantabay na siya sa Glorietta 5 the day na nagrelease ng tickets (She bought 7). After 1 or 2 hours, sold out na ang lower-priced tickets.

I was dripping wet when I finally arrived. Parang nagsuot ako ng hindi-masyadong-napigang-mga-binanlaw-na-damit. Kumain muna kami sa Jolibee habang ako’y nagpipiga ng tubig sa mga damit ko. Buti na lang may dala akong tsinelas at spare clothes nun. Pero nagpalit na lang ako ng tsinelas. Feel ko ang wet look.

Bago mag-6 PM, umalis na kami. Usapan was 4 PM pero anong oras na. Buti na lang at medyo tuyo na ako niyan. Me and Jellie demonstrating our wacky faces. Too bad I wasn’t able to buy face paints. Ang mahal kasi. Niloloko ako na sana Boysen ang ginamit namin. Baka naman after the game, di na matanggal sa mga mukha namin. Ano kami, bubong ang mga mukha namin? Waterproof?

The whole stretch of Adriatico street (beside Harrison Plaza) was full of people. I love the energy. Everyone was for Azkals. Mapamayaman o mahirap, boy, girl, bakla, tomboy, butiki, baboy, tsanak, unggoy (ako yun!)… nagkaka-isa para sa Team Azkals. Pero syempre, di mawawala ang mga tindero’t tindera. Sayang ang pagkakataong kumita😀. Ay eto pala, habang papunta kami sa venue at busy kami ni Jellie sa chikahan, may batang beki na dumaan at ang sabi: “Tumabi kayo, dadaan ang reyna!”With matching pamaypay effect. Diva on the making! HAHA!

BTW, dapat si Mao yung isa sa amin kaso nagkasakit. Kaya si Miki (yung gwapo sa kaliwa) na lang yung sumama. In fairness, pumayat ang mokong. Gwaping! Left-Right: Miki, Ching, Glendale, Ritch, Jellie, and Eileen.🙂

Simon Greatwich being interviewed by a ABS CBN news reporter (si Ginger ata) before heading to the stadium. Pinagkakaguluhan siya. The most funny part was when our group decided to leave that area, 2 old ladies ran into the Simon’s interview scene and 1 of them screamed… “Uy, bilisan mo, andito si Phil Youngshusband!”😀

Photo-op in front of an event tarp.

We followed the end of the line before we could enter the premises. Guess what, umabot ang pila hanggang Torre Lorenzo sa may Taft! It was 6:30 PM na at nasa labas pa rin kami (7 PM ang kick-off). Ambagal ng usad ng pila, dinaig ang traffic sa EDSA Guadalupe. Nasa gilid pa kami ng stadium nang kinanta ang Lupang Hinirang. Nung makalampas na kami ng security inspection, takbo kaagad kami sa mga entrances. Parang Amazing Race lang😀.

This was the view when we finally entered the stadium. Napaka-engrande. Ganito pala ang football match, lalo na’t dito mismo sa Pilipinas nangyayari. Plus ang ganda ng view: kita mo yung buildings sa background tapos napakagreen ng pitch, kasing-berde ng utak ko. Haha! Nakalibreng nuod din yung mga nasa buildings, yun lang di nila mararanasan ang audience craze. Para akong batang gigil na gigil sa amusement park nang nakapasok na kami. Alma ko na ang rason kung bakit mabenta yung Php 200 and 300 tickets: mas masaya yung crowd dun. Mas damang-dama mo yung excitement at tension🙂.

Syempre, souvenir photo! For documentation purposes😀

Ewan ko pero napansin namin to (sorry kung blurred yung pic, I only used digicam): yung blue signage from CityLand tower that says IN GOD WE TRUST. That sent a strong message during the game🙂

And it happened. AZKALS’ FIRST GOAL! By Schrock! The crowd went wild (the reason why I didn’t have any photo during that moment dahil busy kami sa kakasigaw). Super nakakakilabot. Doon ko nalaman kung bakit ganoon yun feeling mga napapanuod ko sa TV, sa tuwing may nakakagoal. It was a schrocking experience. Sigaw ako ng sigaw na parang hyena na bekimon. Haha. Napayakap ako kay Eileen. Yung iba umiiyak sa tuwa, yung iba winawagayway yung watawat ng Pilipinas. Parang lahat nanalo sa lotto.

Astig tong si kuya. Dinaig ang Ati-Atihan festival. Pwede siyang endorser ng Boysen paint😀. Almost lahat sa side namin nagpapapicture sa kanya. Yan ang certified Azkal fan, kulang na lang tumahol. WOOF WOOF AWOO! Joke🙂

Then hindi ko ineexpect na makikita ko yung family friend/anak ng dating secretary ng erpats ko (si Janjan, middle, with her relative, Trina). I remember Janjan was asking me where I bought my ticket pero told her na medyo mahihirapan siya since ubusan ang tickets. Luckily, she watched. Sabi ko ‘maybe it was God and your mom’s plan na magkita tayo rito’.

Our group. Feeling ko kami yung pinaka-wild sa side namin. Lalo na si Glendale. Walang binatbat ang vuvuzelas (yung sikat na toroto tuwing may football match). Gamit niya ay ngangabu! Hahaha! Tipong napapatingin yung mga katabi namin sa amin. Pero nakiki Bimby rin sila kay Anton del Rosario. Kamukha kasi ni Bimby. Kaya ayun, the next day, wala akong boses. Naiwan sa Rizal Stadium.

Napaka 80s ng hairdo ko. Parang Rick Astley lang.

At nang nakagoal ang Kuwait… mas dumagdag ang suspense at tension sa stadium. Nakakakaba. Halos tawagin ko na lahat ng santo para lang makagoal ulit pero mahigpit ang laban between Azkals at Kuwait. Medyo may illusion effect pa naman yung side namin: akala namin pasok yung bola at goal na for Kuwait. The entire stadium was resounding with boos everytime a Kuwaiti player gets down. Sabi ng katabi ko, pwede na daw pang Oscars ang drama effect. Nasaktan o nagsasakit-sakitan lang, tutok pa rin ang lahat sa laro.

Umulan nung bandang 2nd half. Kawawa kami kasi wala kaming raincoats. Pero ok lang. Wet look😀. Umaasa kami na ito ang magiging advantage para sa Team Azkals dahil sanay sila sa wet terrain, di tulad nung first game nila sa Kuwait kung saan kasing init ng lagnat ang temperature. Pero huli na ang lahat.

Hanggang sa nakagoal ulit ang Kuwait. Medyo tumamlay ang Pinoy crowd. Malapit na magtapos ang game at parang pagod na ang Team Azkal at nilalaro na lang ng Kuwait para takaw-oras.

Natapos ang laro. 2-1, in favor of Kuwait. Hindi na tayo uusad para sa 3rd round. PERO kahit natalo ang Azkals, di pa rin nawala ang pagmamahal at suporta sa kanila. Biruin niyo, kahit tapos na ang laro, madami pa ring tao at kumakanta ng “Noypi” ni Bamboo at “Posible” ng Rivermaya. The team had their final walk around, para magpasalamat sa mga supporters. Parang Miss Universe lang😀 Syempre, nung dumaan na sila kung saan kami banda, todo cheer kami.

Someone was frustrated and disappointed with the game result. At least dinisplace niya sa mini vuvuzela. Kawawang torotot😀.

That is only the beginning. I believe Azkals can make it kahit abutin pa ng ilang taon. Faith and intense training are needed. To those detractors and who are mocking them, better have them to be a source of Pinoy inspiration. Kung nandun lang kayo sa loob ng Rizal Stadium, for sure mapapacheer kayo for them. I know it’s a sports event but what I experienced is beyond the technicalities of football. Umaapaw ng patriotism at Pinoy pride. Ako na ang nationalistic! Joke😀

And to those who say na dapat 100% Pinoy by blood ang ibang players: mas mabuti ngang sila ang naglaro kesa sa mga Pinoy na asal-dayuhan. I salute them for having the Pinoy spirit kahit half-Pinoy lang sila at hindi pa masyado kabisado ang Lupang Hinirang. Haha!

No doubt na magagaling ang Kuwait. Biro nga ni Jellie: parang mga kabayo sila kung tumakbo. Magaling sila mang-ambush ng bola. Ganoon talaga pag sanay na sa football. And our team has a long way to succeed. Just never stop believing.

We left as soon as the security personnel told us. Daming kalat. Yung mga Azkal merchandise at iba pang binebenta sa labas, bagsak presyo. Kahit yung Tender Juicy Hotdogs, per bundle na ang benta, basta maubos lang ang inventory. Parang last minute Christmas shopping lang. Kahit sa labas, hindi pa rin tumitigal ang crowd sa pagchecheer. Di alintana ang trapik, putik na daan, dami ng tao, at gutom. Para sa akin, sulit ang panunuod.

Matapos ang mahabang lakaran, kumain kami sa KFC at doon tinapos ang aming gabi bago magsi-uwian. Di yata ineexpect ng mga fastfood at ibang kainan ang dagsa ng costumers nila. Puro “maam/sir, 15 minutes pa po, ok lang?” No choice pero kumagat na rin kami.

Don’t worry, tuyo na ulit kami nun🙂.
Hot like Mexico, rejoice!

2 thoughts on “Azkals vs. Kuwait match

  1. Chesel Rico says:

    Glad you were able to watch the game live. My moment will come. Soon! Haha.. I wanna see live actions and scream like kuhreyzeeh!

    • theairprince says:

      Yeah, super saya talaga🙂 Kahit natalo sila, ayos lang din kasi iba pa rin yung experience na nagkakaisa ang mga audience. Very proud moment🙂

      No worries, you can watch them on their next matches kahit hindi na for FIFA (medyo matagal pa ang susunod na qualifying games for FIFA)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: