Oh! Tokyo

4

July 27, 2011 by theairprince

Sumimasen! Konichiwa!

Naaalala ko pa nung late 90s na nauso yung cable TV particularly ang SkyCable. Kung dati, nagtyatiyaga ang isang manunuod sa antenna at limitadong bilang ng channels/palabas sa telebisyon. Kapag nawawalan ng signal ang TV na de-antenna lang, pupunta tayo sa likod para ayusin ang antenna na halos makagawa tayo ng iba’t-ibang angles. Kung wa-epek, aayusin ang pinakaantenna sa bubong ng bahay. Kapag nasira ang antenna, paglalaruan ng mga bata at gagawing espada or magkukunwaring teacher🙂. Nang dumating ang cable, naging malawak na ang choices ng mga palabas. I think I was in Grade 5 nung nagpakabit kami and I still remember na bakit may mga ibang channels na kami. Yun pala, may cable na kami. At syempre, unang channel na tinutukan ko eh Cartoon Network.

Marami-rami pang ibang channels akong kinagiliwan bukod sa Cartoon Network. Hindi mawawala ang Nickelodeon. Fave cartoons ko dun ay Ahhhh Real Monsters, Hey Arnold, Angry Beavers, Rocko’s Modern Life, Ren and Stimpy. Naalala niyo rin ba yung All That, Keenan and Kel, Clarissa, Global Guts, at ang Legends of the Hidden Temple (na ginagaya naming magkakapatid sa bahay)? Naging favorite namin ng erpats ko ang Discovery Channel at National Geography Channel. Tapos may HBO at Star Movies (hindi pa uso yung subchannels). Hindi pa uso ang Myx noon; may videooke channel (I forgot the name). Tapos may channels for NAIA flights na paulit-ulit lang and yung aquarium channel😀. At eto… uso din ang Pay-Per-View channels. Pag patak ng hatinggabi, usually mga bold films ang nakaschedule, sinusubukan kong i-decipher yung palabas kasi kahit malabo at distorted ang image, nakikita mo pa rin😀.

At isa sa hindi ko makakalimutang channel ay ang WINS Channel. Yun madalas na nagpapalabas about Japan. May mga travel, culture programs ang WINS na catered to Filipino audience. May particular na show sa WINS na paborito kong panoorin: ang Oh! Tokyo🙂. Naalala niyo yun?

Eto panuorin niyo para malaman/maalala niyo:

Pero mas naaalala ko yung Pinay host ng show na si Ellen Nishiumi. Siya yung nakakatawang host na nililibot niya ang samu’t-saring lugar sa Tokyo, Japan. Bitbit niya ang microphone habang ikinukwento niya kung ano ang makikita tapos iniinterview niya ang ilang tao na nakakasalubong niya. Minsan ay nakakausap niya ang ating mga kababayan doon. Lahat gagawin niya alang-alang sa manunuod: titikim ng pagkain, sasakay ng roller coaster na halos mahimatay, kakausapin ang kung sinu-sino, at kahit ano pa. What I love about her is that kahit casual ang pananalita niya/may carabao English tendencies/ may problema sa iilang pronunciations ng words (like MENGGO for ‘mango’ at BOOSER for ‘buzzer’), watcher’s don’t give a damn (instead, they just laugh about it). Nakakaaliw panuorin si Ellen🙂. At syempre, she makes you feel you want to go and check Tokyo🙂

Actually, nafeature na pala siya sa Nagmamahal, Kapamilya. Isinaad yung kwento niya: mula sa pagiging cultural performer sa Japan, kung paano siya sumikat sa Oh! Tokyo, ang romance niya sa isang Hapon (I think siya yung cameraman niya ngayon), and paano siya naging Reyna ng Sablay. Si Toni Gonzaga ang gumanap bilang si Ellen.


Patunay lang na ang Pinoy, saan man sa mundo… abot mo ang mundo. Joke😀 Kahit saan man mapadpad, likas na sa atin ang maging masayahin. Kamusta kaya siya after nung Japan earthquake???

Hot like Mexico, rejoice!

4 thoughts on “Oh! Tokyo

  1. Naalala ko tong mga shows na to. :)) Nakakamiss lumang cartoons noon sa Nick at CN. D:

  2. Rashelle Damaso says:

    mahal na mahal ko tong si ellen. naalala ko pagbukas ko ng tv sya un una kong pnapanuod. ang hilig nia sa noodles at sabaw haha pati ung shabu shabu, lol nkakatuwa kasi hnd sya nauubusan ng ppntahan sa tokyo lol. at ung sa legends of the hidden temple.. fave line ko dun ay HMMMMMM haha.

  3. myfilthyroom says:

    shet, konti lang alam ko sa mga shows na yan. lagi kasi ko nasa lansangan. haha.

  4. yuusei says:

    nuong bata ako.. siguro mga 14 or 15 years old ako nun.. lagi ko syang pinapanood.. isa sya sa nakapa pag pa inspire sakin about sa japan.. at ngayon.. nasa japan na ako ng mahigit 7 years..🙂 sana ma meet ko sya in person.. : )

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: