TOYCON 2011

17

July 11, 2011 by theairprince

BABALA: Long post dahil sa dami ng pictures😀

Actually biglaan lang ‘tong plano na pumunta ako sa TOYCON 2011 sa SM Megamall last June 18. I saw an event invitation sa Facebook then I thought if I would go. Then I learned that my friend Stone was going kaya sumama na rin ako. It’s my first time to attend such event and I had fun though not too satisfied. Napuntahan ko lang yung 1st day kasi I got no enough funds for the 2nd day. Plus, 150th birthday ni Jose Rizal (so invited ako, ganun?)🙂

I arrived there at around 3 PM. Wrong strategy ako because I took a bus from here at Sucat para derecho sa Ortigas. Eh inabutan ako ng traffic sa EDSA Guadalupe. Kaya I just took an MRT ride towards Shaw Boulevard.

Tapos I texted him na nandun na ako sa labas ng Megatrade Halls. Super dami ng tao sa 5th floor. Parang premiere night ng isang blockbuster anime film ang atmosphere, na nakawala ang mga characters at nagloloitering lang sa paligid. Mukha akong callboy na nag-aabang sa tabi ng elevator habang naghihitay ng reply sa text. Then James, another friend of ours, emerged from the crowd, sporting a clean cut. Inabot sa akin yung ticket (thank you dahil kung hindi, pipila pa ako na parang pila lang sa NBI habang kumukuha ng cleaance). Then we headed inside.

Here are some of the pics I took inside the halls.


Cosplay event on the end part of the hall. Dumerecho ako rito kasama sina Stone, James, Nami, (I forgot the name nung isang friend nila). Tapos sumunod si Ivan. Medyo antagal mag-start yung program, kaya nakapag-mini photography seminar pa ako kay James😀.


Too many people inside the hall. Mapa lalake, babae, bata man o matanda, may ngipin man o wala. Parang premiere night😀.


Kahit sa labas at gabi na, madami pa ring mga tao.


a

Laki talaga ng butas ng ilong ko. Si kuya (left) nagkukutkot na ng kuko at si kuya (right) inaamoy na yung lanyard pagkatapos sipsipin kasi super tagal mag-start ng program😀


YEHEY! Start na ng cosplay! SAYA KO! *sarcastic*


Behold, the Cosplay Goddess of the Philippines, Alodia Gosiengfao.


Alodia with a famous cosplayer from other country (with an interpreter. Naks, Ano to? Miss Universe Final Q&A?) I feel bad kasi most of the audience made fun of the interview portion, lalo na when the guest spoke of her native tongue which is Mandarin. Syempre, jinojoke ng iba yung pagkaMandarin niya, like ching-chong-ching-chong.


Sorry, cosplayer fans. I forgot who he is. Kahawig niya si Dustin Celestino, one of part time professors at APC.


And also present is Gaby dela Merced. She looked natural, simple, unglamed, pero gorgeous pa rin. Di ata nakapag-ayos dahil mahirap magmake-up habang nagka-car racing😀


Ilang manok ang naging biktima para lang magaya yung pakpak niya?


Okie, after nagsimula, nakalibre kami ng misa. First reading daw. Joke😀


Eto ang napala ni Scarecrow pag iniwan sa taniman/palayan. Pinapapak ang ani. Ayan, overweight na😀


Kung may Mean Girls ang Japan, ito siya. What are beaches for, but to bitch around with fellow bitches. *snap* *snap*😀


Si kuya ata bahagi ng demolition team na pinigilan nang nanapak ng sheriff si Davao City Sara Duterte.😀


In fairness ah, may effort itong costume na ‘to. Ilang ink cartridge kaya ang naubos para i-print ang costume niya? Joke😀


Oha oha. Talbog si Babaylang Ida ng Shaider.😀


Lara Croft cosplayer. Take note: pati ang pouty lips ni Angelina Jolie, kuhang-kuha niya. Haha!


Kelan naging part ng O plan: Iwas Dengue si Green Lantern? Balak ata pausukan ang MegaTrade Hall. Ano kami, lamok?😀


Cute Chubby ay este Chibi Sailor Moon. Nakakagigil ang baby fats. Sana paglaki niya, wala na yung baby fats. Baka mapabilang siya sa Biggest Loser Pinoy Edition😀.


Pacute. Japan-Japan pose. Next… joke😀


Iyan ang gusto kong pakpak. Parang pakpak ng anghel. Pwede siya maging statue sa mga simbahan, yung may hawak na planggana tapos isasawsaw mo dun yung daliri tapos magsi-sign of the cross ka😀.


Diba sa One Piece ito? Monkey de Lufee ba? Tilian ang mga babae from audience nang lumabas ito. Nabalitaan ko bago siya pumunta ng SM Megamall, tinapos niya muna araruhin at tamnam yung bukid nila😀. Buti di niya sinama yung kalabaw. Joke lang😀


Maria Makiling, is that you? Joke😀


M Bison ng Street Fighter? I dunno.


Sakura Card Captor🙂 Cute siya, in fairness🙂


Oha oha. Pumo-posing pa si kuya.


I’m not sure pero di ba sa Final Fantasy ‘tong character? Pero ang cute nung bata. I wonder kung ano feeling ng mga batang pinapagcosplay ng mga magulang nila. Gusto nila or napipilitan lang ba sila? Joke😀


Parang si James Bond lang.


Green Lantern na mukhang pininturahan ng Boysen Green Paint.😀


Di ata maganda na sumayaw ng Wonder Girls’ Nobody ang isang Metal Hero. Oh sorry, he’s just doing some action moves. Buti na lang hindi natamaan ang microphone stand.


Grabe si Alodia. Sosyal. May bouncers/bodyguard pa na bumabantay sa kanya kahit pupuntang CR lang. At nakabarong pa. At para safe ang cosplayer goddess, nagpadala ang SM ng additional security men, in this case, sniper shooter. Ah sorry, cosplayer pala rin siya😀


One of my faves. Super cool nitong batang ‘to. As in yung mga improvised props, nakakamangha. Plus, magaling siya magcosplay kahit bata pa lang siya🙂


I forgot kung sinong character ‘to basta from Death Note. Yung nagpapanggap na Kira.


May kamukha siya from our school (kamukha ni Marielet, di ba SoE peeps?) Other than that, cute siya in fairness. Di ko lang ma-gets kung musical instrument pa yung hawak niya, oversized na pana, or ninakaw na bumper ng sasakyan😀


Di ko kilala kung sino mga kinocosplay nila pero I find them cute. Parang mascots lang ng fastfood chains. I’m sure after the event, nagdurusa sila sa init habang sinusuot yung galaking mga headpieces.


Kung gusto niyo pong paputol yung mga puno sa harapan ng bahay, maaari niyo pong tawagan ang batang ito. Joke😀


Another Chibi Sailor Moon cosplayer. Grabe, ANG CUTE NIYA (lalo na dito sa pic!). Halos buong audience namilipit sa kakyutan niya😀


Mukhang blades yung pakpak niya. Delikado pala maging kalaban to. Baka ma-tetano😀.


I’m not sure kung character ‘to sa DoTA. Hindi naman kasi ako fan ng computer games, iba kasi nilalaro ko…. Angry Bird (walang ‘s’) LOL HAHA! Joke lang😀 Kidding aside, kung siya nga yung character from DoTA, ok rin yung pagkakacosplay niya, may dialogue siya from the game kaya naghiyawan yung crowd.


Lupet din nitong cosplayer. Babae pero nag Gundam costume. Mukhang pinaghandaan talaga yung event at di biro yung pagkakagawa.


Darth Maul and another similar character from Star Wars. Eto ang tinatawag na espadahan😀


Another Gumiho cosplay. Nahiya pa si ‘teh. Mukhang paa ng malaking tarantula yung buntot niya😀


Antulis ng sungay niya. Katakot. Pero astig yung armor costume niya🙂


Iron Man ba or someone else? Di ko sure pero astig yung weapon niya. Umiikot talaga parang machine gun.


“Kami ang Power Rangers, at uso sa amin ang Felix Bakat!” :D Ok sana kaso nakulangan ako sa kaastigan lalo na nung may weapons na sila. Parang nagpapractice pa sila.


Laughtrip ‘to. I’m not sure kung Yakitate Japan or Baker King ang kino-cosplay niya. “Masayang Tinapay!” May bitbit pa siyang French Bread (not in the picture). Yung totoo, akala ko Japanese, tapos yung tinapay French? Ano ba talaga, kuya? Joke😀


Naiimagine ko na pag napabayaan sa kusina si Hard Gay. FUUUUUU😀


Di ko makakalimutan ‘tong part. After niya mag-cosplay as Green Lantern, nasira yung sound system ng event (for about 2 minutes). Grabe talaga powers niya ‘no?😀


ANG CUTE NITO! Kuhang-kuha niya yung pagka-Detective Conan🙂 Pwede ito i-train sa Philippine Azkals😀. Pag nagkataon, ang bright ng future niya. Expected na may billboard na rin siya sa EDSA Guadalupe na naka underwear lang😀.


Another My Girlfriend is a Gumiho cosplayer. Di ko alam kung lalake o babae siya.


Ibang klase si ‘teh. High fashion kung high fashion. KUTUR NA KUTUR. Talbog ang mga becky sa mga Miss Gay pageant sa mga baranggay😀


Skit of Captain America (left) and Red Skull (right). Sabi ni Red Skull, “Isang bala ka lang, patay ka na.” Sabi naman ni Captain America, “Isang kaldero ng kumukulong tubig ka lang… nilagang butu-buto ka na.”😀


“KUYA! Huwag kang magpakamatay! Mahal ka pa ng pamilya’t anak mo. Mapapag-usapan pa natin ‘to!” (Joke)


Akala ko cosplay event? Ba’t andito si Stone Cold Steve Austin? Haha!


Oha oha. Ang angas nung bata, kasing angas ng costume niya.


At di lang foreign characters ang ikinosplay sa ToyCon 2011. Merong nag-cosplay ng Amaya! Ok sana kaso mukhang sinipsip ng kambal niyang ahas yung dramatic skills niya😀.


Female Predator. Bakit, may bakla bang predator? PAK


Zoids na muntikan ng maaksidente sa stage. Pero astig din.


Ewan ko pero parang joke time ‘to. Nang-aasar lang ata or walang magawa sa buhay. Spiderman daw. Eh parang bumili lang ng materials sa National Bookstore nung mismong araw ng event tapos ginawa sa Food Court bago umaykat ng MegaTrade Hall. Hahaha! Joke😀 Pagbigyan na natin si kuya🙂.


I’m not sure kung si Chi ‘to from Chobits. By the way, maganda yung Chobits. Bukod sa maganda yung story, pasimpleng hentai pa. Haha joke!😀


Parang si Manny Pacquiao lang ah.😀


Lupet nito: Optimus Prime from Transformers. Grabe astig talaga. Kaya yung size niya, napaka-optimus din, di nagkasya sa daanan😀 Pero kidding aside, it’s one of my favorite cosplayers. Very detailed yung pagkakagawa at talagang nakuha niya yung attention ng crowd (Ikaw ba naman, anlaki-laki mo, di ka pa mapapansin?)😀


Isa pa ‘to. Agaw eksena sa event. Another robot cosplayer. I wonder kung diesel or biofuel ang gamit nito. Gusto ko i-lobby sa mga organizers na next time, apat environmental friendly na ang cosplay event😀


At eto ang surprise. See the guy on the right, yung nagkocosplay ng Yugi-Oh? I’m sure kilala ‘to ng mga taga-APC, lalo na yung mga nakanuod ng APC Cosevent. Presenting Julian Solon😀 Don’t worry, di siya nag-dive sa sahig😀

————————————————————————————————————————————————–

Sadly, I wasn’t able to roam around the convention to see exhibits, stalls, kiosks, and other exciting gimmicks kasi we don’t have enough time. And super dami ng tao. Nevertheless, I enjoyed watching the cosplay event kahit di naman ako masyado anime fanatic (though I can recognize some of the characters). The event ended at around 7 PM and the gang decided to eat at food court na lang. Pagdating namin sa food court, hanggang doon may mga cosplayers pa rin. Kaya yung ibang tao parang hindi sanay na makakita ng ganun. Akala nila napaaga ang Halloween costume party😀 Syempre, gutom na gutom ako kaya galit-galit muna habang kumakain. Then kwentuhan at asaran habang nagpapalipas. Hindi na kami nakabalik sa MegaTrade Hall dahil tinamad na kami. I arrived home around 10 PM.

Thanks to Henry Stone, James Macaspac, Ivan Mordeno, and the two friends (I forgot their names, sorry). See you next time at TOYCON event😀

Hot like Mexico, rejoice!

17 thoughts on “TOYCON 2011

  1. neckromancer says:

    Nasaan ang toys?😦

    • theairprince says:

      Unfortunately, I was so focused sa cosplay event that I forgot to roam around. Sayang talaga😦 So dapat ang pangalan ng entry ko dito is “CON 2011” kase wala yung TOY joke :)) Hayaan mo, next year, I’ll feature the entire event🙂 Promise, itaga natin sa bato :)) BTW, thanks for visiting my blog🙂

  2. Ehehehe naaliw naman ako sa mga comments mo. Thanks for the photo and yap kamukha ko nga raw si Austin pero I hope I gave justice to my Kratos costume.🙂

    • theairprince says:

      OWWWW IT IS YOU! HAHA! Nice nice🙂 Actually I was blown away sa cosplay performance mo, kulang na lang talaga yung wrestling ring. Joke haha! I’m not too familiar kasi with the characters so I try find similar or kahawig na characters🙂 In your case, it is Austin nga😀

      Anyway, thanks for visiting my site and reading this particular post. You may try reading my other posts🙂

  3. izabel says:

    hello. nice blog. I’m the cosplayer with my partner Darth Maul. Darth Talon po kinosplay ko.
    If I may correct lang po, the Green lantern cosplayer you mentioned that “broke” the system is not teh one in the photo. hehe.

    Anyways, its cool that you did enjoy teh first time you attended a con. I hope you get to go to others as well.

    If you have the time do also check out our page at http://www.facebook.com/DRIndustries

    Happy Blogging!

    • theairprince says:

      Ow, thanks for the piece of info🙂 I’m curious, anung paint yung gamit mo sa body mo? And I love the details🙂

      Ah, sino ba yung nasiraan ng soundsystem? Sorry kasi Medyo limot ko na sa dami ba naman ng nagGreen Lantern na cosplayers hehe🙂

      Actually, it’s my first time to attend TOYCON pero I’m familiar na rin sa cosplay events (when I was still a college student, I used to watch be be a host of cosplay events sa school namin).

      Thanks for reading my post and sana if you have time, visit my site for my other posts🙂 Sige I’ll chck the FB link🙂 Salamat ulit🙂

  4. sobra ka nman mka comment ahahahaha …. mejo nakakasakit naman ung mga sinabi mo … try mo rin mag cosplay kung di mo pa na try ..

    • theairprince says:

      Ay sobra ba? Sige kontiin natin😀 Joke😀

      Kuya anu ba, don’t take it too seriously, nakakatanda yan, sige ka🙂 Joke joke lang yung side comments ko, and besides sanayan lang yan. I’m sure aware ka naman na may mga okray-okray sa cosplay (isa na ako dun haha, joke lang ulit). Let it be the motivation para galingan lalo or iimprove ang pagcocosplay🙂 So kuya wag masyadong dibdibin ah?🙂 Sorry kung nakakaoffend pero I meant it as a joke lamang po, no harsh intentions🙂

      Na try ko na din magcosplay as a gimik/trip lang and I must say it’s pretty hard. Guess what kung ano ang ikinosplay ko: myself. Joke😀

  5. cool! a huge pat on the back from an even huger alodia fan😀

  6. Hehehe. Kuya Naaliw naman ako sa blog mo.😄
    astig lalo yung “Kakabakaba ka ba?” thingy hahaha. Awesome.😀

    – yung Lara Croft cosplayer po.🙂

    • theairprince says:

      OWWW. Natutuwa ako at isa-isa kayong dumadayo rito sa blog site ko (kayong mga cosplayers hehe). Salamat sa puri kahit ang may-ari eh wala ng puri, joke haha! Anyway, salamat sa pagbasa at pagbisita. Nawa’y may napulot kayong katatawanan, katuwaan, at aral (kung meron man). Stay tuned for more info. Per DTI #12345678 Series of 2011.😀

      BTW, nakita mo na ba ang Brad Pitt of your life? JOKE😀

      • hahahaha. grabe kuya ang sarap mo siguro kausap.😄 never-ending ang tawa gawa ng mga sinasabi mo po. :)) Opo, super enjoy sa inyong blog..
        Sya puriin ang blogger, kakatuwa po kayo kasi happy na happy itsura nyo sa pics.😄
        At entertaining po talaga ang inyong blog.🙂

        hahaha no po. :)) I’m too young for that.😄

  7. theairprince says:

    @schindlex Malditinni

    Anong lasa ba? Lasang adobo? Haha😀 Salamat at nabusog ka sa katatawanan🙂 Dapat maging happy tayong lahat🙂 God bless sa pagcocosplay🙂

  8. Chibi Matt says:

    salamay kuya ^_^ wahahaha……. phil, azkal naman…. saka model ng underwear….. pede iba nalang? hahaha

  9. scarecrow says:

    oo nga naubos ko palay hahahah ..scarecrow.

  10. scarecrow says:

    kuya sa 2012 ha kuha ka ulit pics…..akalain mo tumulo laway ko katatawa sa mga comment mo iba ka… kaw na the best ka…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: