My first career update

2

June 30, 2011 by theairprince

Hello guys! Kamusta kayo? Ako? Eto kinakamusta kayo😛.

Medyo hindi ako nakakapagpost dito sa aking blogsite recently kasi marami lang akong ginagawa. In short, busy ako. But I try my best to update all of you. Akala mo kung sinong sikat na celebrity ang nagsasalita. Haha.

Sa totoo lang, I have so many stories and opinion I want to share pero limited lang ang oras ko. Plus, minsan pag may gusto akong ikwento, inaatake ako ng writer’s block. Kapag nasa Add New Post page na ako, hanggang title na lang ako. Sometimes, I don’t know how to express my thoughts into proper words. Mahirap na kasi baka ma-MTRCB o makasuhan ako ng libel. Ayoko mauwi sa ‘Boycott Kakabakaba Ka Ba?’ ang lahat. Joke.

Ngunit gagawin ko ang lahat para maaliw kayo. Bakit, payaso ako?😀.

Unang-una, kaya ako busy dahil may trabaho na ako. Oo, after ilang months, I got a job! *cue in Halleluiah* I’m currently working as a Freelance Scene Builder at Buendia, Makati. I’ll keep it a secret muna kung ano yung company name ng pinapasukan ko🙂.

Honestly, I was unsure kung iga-grab ko yung opportunity. Yeah, I’m a multimedia arts graduate but animation was my least forte at all. Even if I took up 3D animation as my thesis in college (Madami akala na kinuha ko eh Video Production. Siguro mukha daw akong director o mukhang camera :D), I didn’t fancy animation. Although I love cartoons and illustrations🙂. Hindi ko na rin pinalampas itong pagkakataon dahil 1) mataas ang unemployment rate dito sa Pilipinas, 2) nakakasawa na ang bum life, 3) kinukulit ako ng mga magulang ko na magtrabaho na ako, 4) 24 na ako at baka mahirapan pa ako makapag-apply ng entry level job, and 6) gusto ko rin magkaroon ng experience at mag-gain ng skills sa 2D animation. Kaya I applied their 2 weeks after my college graduation and spent 2 weeks of training before I got in.

Naalala ko nung interview ko… the director who interviewed me cleared that during my training, there would be no allowance. Sabi ko ‘ayos lang po’ since habol ko talaga is yung training (syempre pa-impress na rin). Tapos sabay biro niya… “…kung sa bagay, di ka naman mahhirapan sa pamasahe… mukha ka namang mayaman, nakakurbata ka pa rito sa resume mo eh.” Salamat sa APC Career and Placement Office at sa English Resource Center dahil dagdag points for my nice formal 2×2 pic, other than my fine edited resume😀.

At first, I had a hard time during the training. I only know little about Adobe Flash (the company uses that software application for making animations). Ask me about Photoshop or Illustrator but not about Flash. Nung college kasi we somehow not tackled Flash. Pero good thing I know Adobe Director since it’s similar naman🙂 Of course, self study helps. My boss gave me exercises to be done and he told me to ask him questions if there was unclear for me. Ayun, nagtatanong ako tapos nakukuha ko naman.

The office is so cold that’s why during my interview, one of my bosses told me to bring jacket. Buti na lang at nagdala talaga ako, kung hindi inatake na ako ng frostbite. Pakiramdam ko binablast freezer kami tapos i-eexport kami sa ibang bansa. Joke😀 Plus, I was also prompted to bring baon/food since mahirap maghanap ng food sa paligid ng building (although merong 7-11 sa katapat). I realized na maganda magdala ng baon para tipid na rin and there’s an assurance na safe ang pagkain ko. Nakakatakot na kasi yung mga naulat na food poisoning.

My evaluation went great. Pinuri naman ako ng bosses ko. They pointed out that I learn and get the tips fast, although may mga shortcuts na nakakalimutan ko (I was advice to take notes… kaya literal na sinusulat ko hehe). Mabilis kong natatapos raw ang exercises, maganda ang track ng exercises (WOW), willing matuto, and, would you believe, friendly at approachable daw ako🙂 Based on the grade, I got 85%, pinakamataas na grado na yun sa mga nag-training before🙂 Kaya tuwang-tuwa ako, kulang na lang medalya at magpaparty ako sa opisina kahit hindi ko pa masyado kilala yung ibang mga nagtatrabaho dun😀.

Regarding other employees, at first medyo shy ako. Ganun naman talaga sa umpisa, kasi I observe the environment tapos saka ako aadapt. Yung totoo, nasa Animal Planet tayo? Joke. Merong mga mas bata pa sa akin at mga mas matanda sa akin… kasi matanda ako, kaya middle haha! Nang nagtagal, meron na ako mga kinakausap at mga kakulitan🙂 Mga kasabay ko sila mag kumain at umuwi🙂

About my… hmmm… salary, I don’t mind too much about it. Not that I’m not concern pero kasi pag iniisip ko kaagad yung salapi/sweldo, parang the only reason why I work is for pera LANG. Gusto ko magfocus sa career ko in the animation industry, and by that I want to focus on attaining knowledge and skills muna. Based on what I learned, at first maliit muna yung sweldo pero pag nagtagal, lumalaki rin🙂 Naiinis ako sa mga taong masyadong curious about sa sahod ko, yung mga tipong ‘magkano sweldo mo?’ ang ibubungad sa’yo. Damn, ako yung sumusweldo, hindi kayo. Kaya please, tantanan ako.

Ayun muna ang aking ibabahagi sa inyong lahat. Marami pang mga magaganap sa aking bagong career. As for my forte na photography, syempre di ko pababayaan yun. Kung maaari, yun ang sideline ko🙂 That’s my passion. Nagsisimula pa lang ako kaya aware na ako na may mga paratin na mga pagsubok sa aking trabaho. Wow, sounds like telenovela.

Hayaan niyo, pag sumuweldo ako… sweldo ko yon. Joke😀.

Hot like Mexico, rejoice!

P.S. See my signature?? I did it using WACOM tablet sa office. Haha🙂.

2 thoughts on “My first career update

  1. skysenshi says:

    That’s the right attitude. Get training first, wag muna isipin ang sweldo. Turn off din kasi sa company yung fresh grad palang feeling puwede na mag-negotiate.

    I can relate. Noon kasi kahit grabe ang trabaho ko, I can still blog everyday. Ngayon kasi parang mas grabe ang responsibilities and then my studies…haller, ang PhD dissertation is equivalent ng 10 college thesis. Tinitingnan ko nga yung college thesis ko ngayon, parang regular weekly PhD paper lang.

    Isa sa mga pangarap ko para sa iyo is mag-aral ulit. Haha! Pagsabayin sa trabaho. Kasi corny kung work lang or aral lang.

    • theairprince says:

      Thanks for the comments, Miss Bea🙂

      I know I’m still starting my career but I want to have a sense of commitment and determination on my work. Ayoko kasi ng attitude na “nagtatrabaho ako para LANG sa pera”. Maganda pag minamahal mo ang trabaho mo.

      At this time I see to it that I post here since I find blogging a sort of stress reliever, kaso minsan talaga I get lost in words😀.

      Don’t worry, darating tayo diyan. I can’t say if I’ll grab Master degree soon but I promise myself that I’ll continue to learn.🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: