I Miss You, Bebeng

Leave a comment

June 26, 2011 by theairprince

Ngayon lang ako nagkaroon ng tapang at gana para isulat ito.

Bukas ay dalawang linggo na ang lilipas bago pumanaw si Bebeng, yung alaga kong kuting na halos isang buwan pa lang ang edad. Hindi namin inaasahan na mangayayari yun sa kanya. Masyadong maaga. Kaya lubos na malungkot ako nung nalaman ko ang balita na wala na siya😦.

Napakasaklap at nakakagulat nang nawala si Bebeng. Napakabata pa niya. Naaalala ko pa yung panahon na napulot at iniligtas ko siya mula sa ilalim ng nakapark na tricycle habang papunta ako sa kalapit na sari-sari store. Maulan nun at mabasa’t maputik ang kalsada. Nakarinig ako ng iyak ng isang kuting… di basta-basta iyak kundi iyak para sa kalinga. Kaya nakonsensya ako. Nung una, nagdadalawang isip ako kung iuuwi ko dahil ayaw ng ermats ko na mag-alaga kami ng pusa sa bahay. Kung hahayaan ko naman, kawawa naman. Pero sinunod ko ang nararamdaman ko. Iniuwi ko siya at binigyan ng kaagarang lunas. Ipinangalanan kong “Bebeng” dahil natagpuan ko siya nung kasagsagan ng bagyong Bebeng, tanda ng araw ng di inaasahang pangyayari na magtatagpo ang landas namin.

Marami akong natutunan nung dumating sa akin si Bebeng. Natutunan ko magmahal. Iba man ang pagmamahal ko sa pamilya ko at sa mga kaibigan ko (at sa mga ‘nilalandi’ ko), itinuring ko siya as ‘special someone’. Naniniwala ako ng ang love is for any forms. Kung ang iba nga kaya magmahal ng mga asal-hayop, paano pa kaya ang hayop mismo? Joke. Kahit alam kong higher form of animal specie ako at ang alam lang niya ay mag-meow at dumumi kung saan-saan, I felt a strong connection from Bebeng. Ipinaglaban ko ang pag-aalaga ko sa kanya. I explained my reasons to my Mom and I promised to manage her well. At di nagtagal, unti-unting napamahal na rin si Bebeng sa family ko.

Natutunan ko maging pasensyoso. Aminado ako na madali uminit ang ulo ko. Kaya huwag na kayo magtangka, baka mamaya may death threats na kayo. Nang dumating si Bebeng at inilagaan ko siya, nahirapan ako. First time ko kasi mag-alaga ng pet kaya wala ako masyado alam na basic knowledge about cat care. Humingi ako ng payo sa mga kilala kong cat owners (kay Miss Jona Baquillas at kay Rachel Mutia). Syempre, ano pa saysay ng Google? Dahil interesado ako sa pag-aalaga, nagresearch ako ng todo. Kahit napakahirap maghalukat ng ingredients para sa KMR (Kitten Milk Replacement, di pwede ordinaryong milk ang ipapainom mo sa mga kuting) at ipadede gamit ang syringe (syempre walang needle) sa kanya, hindi ako nagreklamo at hindi ako sumuko. Besides, napakarewarding panuorin kung paano magpadede ng isang musmos na kuting. Pakiramdam ko anak ko siya. At kahit kumakalat ang dumi at ihi sa kinalalagyan niya, hindi ako nagreklamo. Wala akong magagawa kundi linisin ang kalat kesa sa pagalitan at magreklamo sa kanya (na hindi naman ako naiintindihan).

Narealize ko kung gaano ako ka-blessed because of Bebeng. Matindi ang pinagdaanan ko nitong mga nakaraang buwan. I almost gave up but something life-changing experience happened in my life this past summer. Dahil kay God, napawi din unti-unti. Naging ok ako sa family ko and finally nakagraduate na rin ako sa college. Isa sa mga blessing na natanggap ko ay si Bebeng. Siya ang naging instrumento ko para maunawaan ang mga bagay-bagay sa paligid ko. I felt blessed having her. Imagine your mornings when you see a kitten staring at you and then suddenly winks. Cute di ba? And everytime I’m in bad mood or stressed, she’s my stress reliever. I believed God brought a reason why I should enjoy life to the fullest. And that reason is her.

At this point, I still don’t know why she passed away so soon.  Probably, parasites, according to my sister-in-law. But it is so heartbreaking to lose someone who you loved so much. And I cannot forget that moment. Nung araw na iyon bago mangyari iyon, last day ko sa training ko sa animation company and I was about to be evaluated for the last time before it could accept me. Sobrang kagalakan nang sinabi sa akin ng boss ko na OK ako sa training ko and I could start working the next day as soon as may available workload na para sa akin. Few minutes later, I came back to my table to text everyone about the result. Then, my sister texted me that Bebeng was gone. Biglang huminto yung mundo ko. Seryoso ba siya o niloloko lang niya ako? Totoo daw. At dahil dun, umuwi kaagad ako kaagad. Nung dumating ako sa bahay namin, nakita ko nakahiga siya sa lumang blouse ng ate ko na ginamit ko sa kanya nung una ko siyang nakita. Matigas na ang katawan. Nakadilat ang mga mata sa kawalan. Hindi na humihinga. Nilalanggam pa ang isang mata. Kinuha ko at hinimas ang katawan niya habang tumutulo yung luha ko. Super sakit nung feeling, sa totoo lang. Madami ang nagulat sa pagkawala ni Bebeng: yung mga batang pamangkin ko, parents ko, mga kapatid kong mas bata sa akin, pati yung mga friends ko. Ambilis daw kasi. Parang kailan lang, kakaampon ko sa kanya. Kahit yung isa kong kuting na si Chedong, nawalan ng gana para kumain nung gabi na wala na si Bebeng. At nakadapa sa basahan na usually hinihigaan nilang dalawa, ng malungkot.

Inilibing ko siya sa paso na may halaman, tanda na lagi ko siya maaalala at para hindi masayang yung buhay niya, kahit mapunta man sa ibang anyo.

Salamat Bebeng sa lahat. Kahit naging saglit ang ating pagsasama, nagpapasalamat ako dahil andami nating pinagsamahan. Mamimiss ko ang mga iyak mo, yung mga oras na magtitimpla ako ng espesyal na gatas para sa iyo, yung pinapadede kita, yung ginawan pa kita ng heat setup para mainitan ka, yung pangungulit mo kay Chedong, yung tumatae ka kung saan-saan, yung maglalaro ka sa harap ng salamin na akala mo ibang pusa yung reflection mo, yung hahanapin ka nila ermats at erpats dahil di ka mahanap dahil super liit mo, at marami pa. Namimiss na kita. Namimiss ka na rin ni Chedong.Kung nasaan ka man, sana pinapakain ka dun at inaalagaan ka. Lagi kang nasa dasal ko. Pero alam kong naririto ka, bilang isang anghel🙂

Rest in peace, Bebeng. We love you so much.
The Air Prince

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: