Family Computer

3

June 4, 2011 by theairprince

Isang hatingggabi, habang ako’y papasok na sa portal ng panaginip, biglang nag-ring ang aking phone. Tumatawag ang walang iba kundi ang aking walang kwentang kaibigang si Shin😀. At dahil mabait ang inyong abang lingkod, pinagbigyan ko siya. Nagkwentuhan kami ng kung anu-ano. Kesa naman kalaswaan ang pag-usapan namin, napunta ang usapan namin sa childhood memories. Sinariwa namin ang mga ala-ala kung ano ang mga paborito namin cartoons hanggang sa mga nilalaro namin. Aming napagtanto na magkaparehas kami sa hilig: Lego, Mighty Morphin Power Rangers, kung anu-anong mga robot, Bioman at Maskman, at iba pang mga cartoons bago mag Ang TV (4:30 NA! ANG TV NA! DOO-WA-DEEE-DEE-DEE-DEE-DUM-DEE-DEE-DUHM). At nagulat ako na minsa’y nakapaglaro siya ng Polly Pocket… dahil ako rin ay naglalaro nun dati! HAHA! Joke😀.

Oo na. Napapaghalataan na ang edad😀.

At isa sa mga tampok nung usapan sa hatinggabi ay ang Family Computer. Bago pa nauso ang Playstation (1,2,3… baka daigin pa ang Mano Po anthology ah), Nintendo wii, Xbox, GameBoy, at kung anu-ano pang gaming consoles ngayon, ang Faimly Computer ay ang ultimate gaming entertainment (tinatawag rin siyang Nintendo Entertainment System) simula noong 1985 hanggang sa sumulpot ang new generation ng gaming consoles noong 1995. Kahit di tulad ng sophistication ng graphic display at gameplay experience ng mga video games ngayon, naging popular at kinababaliwan ng bawat bata’t matatanda noon ang Family Computer na isang 8-bit video gaming console. Just imagine The Time (Dirty Bit) ng Black Eyed Peas😀.

Mukhang bread toaster lang di ba?😀

Tulad ng iba, naging bahagi ng aking kabataan ang Family Computer. Pag bakasyon, ilalabas ng ermats ko yan para makapaglaro hanggang sa minsa’y mauwi sa away ng magkakapatid dahil hindi naghihiraman ng joysticks/controllers (lagpas sa 2 controllers/joysticks ang bilang naming magkakapatid). Panandaliang tatanggalin ang saksakan ng antenna para ikakabit ang AV unit plug ng laruan. Tapos isasalpak ang game cartridge sa slot at paaandarin na ang Family Computer. Pag hindi gumana, papatayin tapos huhugutin ang bala at sabay hihipanin😀. Mayroon 2 controllers o joysticks para sa 2 players (tatawagin natin silang Player 1 at Player 2). Madalas magtalo at nag-aaway ang mga maglalaro dahil gusto nila maging Player 1. Bakit? Bukod sa siya ang may unang pagkakataong maglaro sa video game, nasa sa kanya lahat ng cheats😀 Remember yung Konami code sa larong Contra? UP-UP-DOWN-DOWN-LEFT-RIGHT-LEFT-RIGHT-B-A-SELECT-START. At yung SELECT sa Super Mario Bros. 3 para magkaroon ng unlocked supplies gaya ng Power Pakpak?😀. Bawat laro ay nasa isang cartridge o bala pero may mga nauso na 100 in 1games. The more, the merrier. Mababaliw ka sa dami ng assorted games. Meron ding lumabas na 1000000 in 1 games, only to find out na 10 laro lang talaga na pinaulit-ulit lang (nagkakaiba lang sa stages o levels). Naalala ko na naghihiraman ng bala ang kuya ko sa mga kabarkada niya at yung tito ko binibilhan ako ng mga bala. Sinusuplayan ng kuryente ang Family Computer ng napakalaking adaptor na ingat na ingat tayo dahil baka mag-over heat o mapigtal/maputol. At pag nasira, maghihintay ka na naman ng isang bakasyon para magpabili ng bago. Gusto ko sariwain ang ala-ala ng Family Computer. Narito ang iilan sa mga larong naging parte ng buhay ko, mga larong nilaro ko at di ko nilaro dahil naduduwag o nahihirapan ako:

20. City Connection

Kelangan daanan ng mini kotse ang bawat bloke ng kalsada habang iniiwasan mabunggo ang mga police cars at ang pusang epal. Di ko aakalain ito pala ang inspirasyon ng MMDA at PETA/PAWS haha! At saan ka nakakita ng lumulundag na kotse, highway na mas mataas pa sa Skyway, at pagprenong nakakawindang?😀

19. Pooyan

Kelan naging baboy si Robin Hood?😀. Ngayon ko lang nalaman na wolves pala ang mga kalaban ni Mama Pig. Kelangan niyang iligtas ang mga anak niya at pigilan ang mga lumilipad na lobong may lobo lobo. Kelangang panain ang mga lobong nais kainin si Mama Pig. What if kung ang sequel ng Imortal ay mga baboy at lobo naman ang maging bida?😀.

21. Star Force

Tulad ng B-Wings, isa itong shoot em up game na kung saan pinapalipad mo ang isang spacecraft at tatahakin ang buong kalawakan habang binabaril ang mga kalaban. Di ko mawari kung aliens ba yung binabaril ko o mga piraso ng tinapay. Medyo nakakahilo laruin kasi di mo alam kung may balang paparating na sa iyo.

18. Spartan X

Sounds like a porno title to me😀. Hindi magiging masaya ang Family Computer kung walang mga larong inspired sa martial arts. Parang inspired kay Bruce Lee yung laro. Kelangan tahakin mo ang bawat palapag na puno ng mga kalaban at iligtas si Sylvia. Sana may elevator o escalator para naman hindi hirap si Thomas (the character) para akyatin ang bawat floors. At yung totoo, kelan pwedeng sipain ang mga dragon at bubuyog?

17. Karateka

Isa ito sa pinaka-astig kahit napakasimpleng laro. Kahit simple ang look ng graphics, napakachallenging naman. May audio cues pa ang laro (ambient sound ng dagat, tunog ng sipa’t suntok, at tunog ng takbo). May mga kalaban kang makakaaway sa bawat gates, pinto, at kwarto. Buti na lang walang NO ID NO ENTRY policy dahil sa dami ng gates at pinto.

16. Yie Ar Kung Fu

Walang binatbat ang Tekken dito sa Yie Ar Kung Fu. Gamit ang sipa at sundok, kelangan mong patumbahin ang bawat boss sa 5 stages. Siguro kung nabuhay na ang Kung Fu Panda noon, mas maganda kung sila yung mga kalaban😀.

15. Bomberman

Ito ang laro para sa mga demolition people, mga nagtatrabaho sa quarry, at mga suicide bombers. Kelangan mong makarating sa mahiwagang pinto (ewan ko kung pinto ba yun o isang aparador) gamit ang mga bomba. Syempre, hindi mawawala ang mga kalabang mukhang sibuyas, kamatis, at kung anu-ano pang sangkap sa paggisa.

14.Popeye

Minsan, nakakaloka talaga mga babae. Gagawin ang lahat para sa kanila. At dito sa Popeye pinatunayan yan. Nagmamakahirap si Popeye para pulutin ang mga kinakalat ni Olive Oyl. Nagpapahirap na nga, nagkakalat pa😀. At hindi lang yun ang kelangan i-deal ni Popeye dahil bantay-salakay din si Brutus at iba pang kalaban. Syempre, di mawawala ang Spinach ni Popeye (bakit hindi kangkong o malunggay, di ba?). Pak😀

13.1942

Kung fan ka ng mga eroplano, barilan, at World War, bagay sa’yo tong game. Inspired by World War itself, kelangan mong i-mani-obra ang eroplanong pandigmaan sa himpapawid at sirain ang bawat eroplano ng mga kalaban. Walang background music habang naglalaro ka. Maganda siguro kung kumakanta si Faith Hill ng There You’ll Be sa background😀.

12.Rush ‘n Attack/Green Beret

Read it again. Rush ‘n Attack. Sounds like Russian Attack. Inspired sa Cold War sa Soviet Union (now Russian Federation), layunin ng player na i-infiltrate ang base ng kalaban at sirain ang weapons of mass destruction. Challenging itong laro dahil ang player ay umaasa lang sa kanyang balisong though throughout the game, may mga rocket launcher, baril, at bomba na makukuha with limited ammo. Pinaka-ayokong stage is yung may mga asong kalaban. Eh ikaw ba naman habulin nga mga asong ulol?😀

11.Contra

Ah. Syempre alam niyo to🙂 At sana mas alam niyo ang cheat code sa umpisa😀. Same as Rush ‘n Attack, military inspired itong laro with a touch of alien warfare. May 8 stages para kumpletuhin hanggang sa maabot ang Alien’s Lair para patayin ang Red Falcon. Di ko akalain na buhay na pala si Mother Monster noon. At saan ka nakakita ng talong may cartwheel? Dun pa lang, mapapatambling ka na😀.

10.Road Fighter

Ito marahil ang ninuno ng Grand Turismo at iba pang car racing games. Mukhang simple ang laro pero mahirap ang karera. Dapat mong iwasan mabangga sa ibang kotse, mga manholes, at gilid-gilid ng kalsada dahil mababawasan ang time limit mo. Kelangan mo ng fuel car para mareplenish ang oras. Ang di ko maintindihan kung bakit lumilitaw si Superman at bakit may truck sa racing😀.

9.Excite Bike

Super trip ko ‘tong game. Ito yung motorbike racing na hindi hardcore pero ang cute. Simple lang ang laro: paunahan sa finish line with time laps. Pag nabundol sa kapwa karerista o namali ng landing pag tumalon ang motorsiklo, maaaksidente ang player at tatabi muna sa gilid (with matching animation pa haha). At meron pang nalalaman na overheating ang makina ng motorsiklo sa laro. I wonder kung sino nagsponsor ng mga motorcycles? Honda or Kawasaki? Pak.

8.Pac-man

Do you know na supposedly it’s Puck Man not Pacman? Dahil nag-aalala sa vandalism sa name (pwedeng gawing ‘F’ ang ‘P’) once mapadpad ang laro sa U.S. noon, the creators named it as Pacman instead. May behavior patterns pala yung mga ghosts na kalaban ni Pacman. Buti walang character na ang pangalan ay Floyd Mayweather😀.

7.Mappy

Hindi ko aakalaing aabot hanggang video games ang eternal hate-hate relationship ng pusa at daga. Kelangang kolektahin ni Mappy, ang bidang daga na kamag-anak siguro ni Stuart Little, ang mga ninakaw na treasures bago siya hulihin ng mga kalabang pusa at ni boss Nyamco (Nyamco is a play name for the company who made this game, Namco). Ginagamit ang mga trampoline para makatalon sa bawat palapag. At dito mo lang matatagpuan ang microwave doors na pwede mong gamitin laban sa mga pusa. Wala namang naiulat na nalutong mga pusa matapos maexpose sa microwave🙂.

6.Ice Climber

Akala ko isang palapag lang at maliit ang igloo. Haha. Masaya laruin tong Ice Climber. Nakakawala ng stress kahit nakakairita yung mga seals, yung ibon, at pag nahuhulog ka once umakyat na yung floorscreen. Kelangang maabot ng 2 players ang pinakatuktok ng Ice Mountain para makuha ang mga gulay habang nagbabantay ang ibon na akala ko ay isang pterodactyl. Kung may ganito sa totoong buhay, nakakapagod siguro magsibak ng yelo.

5.Galaga

Kelan nagkaroon ng mga insekto sa outer space? Instead of Baygon or insect repellant, isang spacecraft na parang hugis korona ang susugpo sa alien colony.Aminin niyo, pinapahuli niyo yung aircraft niyo sa green alien na nasa taas para pagnacapture niyo ulit, dalawa na yung fighterplane na gamit mo😀.

4.Battle City

Imaginine niyo ang Fort Bonifacio na may mga tangkeng nag-aaway. Ganun ang Battle City. 2 players ang laro. Kinokontrol mo ang isang tangke upang sugpuin ang mga kalabang tangke. At hindi mo dapat kakalimutang proteksyunan ang base niyo (yung hugis agila sa pinakababa). Pag sumabog yun, game over na. Sisisihin ang kalaro dahil hinayaang mangyari. At ito ang dahilan kung bakit nag-aaway ang mga magkakapatid na naglalaro.

3.Circus Charlie

Isa sa pinakapaborito ngunit kinaiinisan kong laro sa Family Computer ang Circus Charlie. Despite the fact na cute ni Charlie at ang mismong circus troupe, napakachallenging laruin ang laro. Kelangan mong tumalon sa mga nagliliyab na bilog, mga unggoy na ka-pwet si Beyonce, maglakad sa bola, sumakay ng kabayo (ANG NAKAKAINIS NA PART!), at lumambitin para lang maabot at makatuntong sa flatform sa dulo.

2.Rockman/Megaman

Dito ko naadik ng husto kahit hirap akong tapusin at pinauubaya ko sa pamangkin ko para tapusin. Mas malupit si Rockman (Japan name version, Megaman naman sa U.S.) kesa kina Iron Man, Robocop, at Terminator. Isang malupit na robot na kelangan tapusin ang kalupitan ni Dr. Wily, May mga makakalaban kang iba’t ibang robots na may angking powers. At first, hirap kang patayin sila pero may pattern pala kung paano (ang isang power ng robot ay weakness ng isa). I wonder kung gawa din sa metal ang brip ni Rockman😀.

1.Super Mario Brothers

Of course! Sino ang di makakalimot sa 2 tuberong Italyano na naging instant superheroes? Sikat na sikat itong Super Mario Brothers hanggang ngayon. Tulad ng iba, isa itong ‘save the damsel in distress’ na laro kung saan ililigtas mo ang prinsesa mula sa malupit at matalas na kamay ni King Koopa. Si King Koopa ay isang k*pal😀. Hindi ko aakalain na nagpapalaki pala ang kabute at nagbibigay ng kakaibang lakas ang mga bulaklak, at may napakatigas na ulo sila Mario at Luigi habang inuuntog ang mga brick boxes. I’m sure alam niyo ang secret shortcut papuntang Stage 8, at gusto niyo laging maabot ang dulo ng flag pole😀.

So ayan, nai-share ko sa inyo ang iilan sa ilan sa mga Family Computer/NES video games na alam ko. Kahit obsolete na iyan, hindi natin maitatanggi na kung wala iyan, walang mga Playstation, Xbox, or Wii. Kahit ganun kasimple ang graphics, malawak naman ang imahinasyon. Iyan ang hindi mararanasan ng mga hindi nakaabot sa Family Computer. Masarap magbalik ala-ala kung ano ang mga nilarong video games nung kabataan🙂 Di mawawala ang iniwang legacy ng Family Computer games… dahil hanggang ngayon, may humihipan pa rin ng mga bala😀.

Kayo, ano mga favorite NES games niyo (kung naabutan niyo manlang)? Haha.🙂

Hot like Mexico, rejoice!
The Air Prince

3 thoughts on “Family Computer

  1. yahjme05 says:

    sinong nasa age bracket natin ang hindi makakarelate dito ..hahha… palong palo ..namissk o tuloy bigla ang simple pero astig na family computer ..

    nice post …

    sarap magreminisce…
    😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: