Bebeng

6

May 13, 2011 by theairprince

Sa totoo lang, hindi pa nakakaalis si Bebeng sa Philippine Area of Responsibility . Nasa kwarto ko siya. Natutulog. (Wow, parang keridang natutulog lang sa kama ko eh haha!)

BTW, my prayers to all those who are affected by Typhoon Bebeng. God will be good.

I’m referring to my newfound love. A pussy… kitten😀. Felis catus. Nakita ko siya last Sunday evening (May 8 ) habang bibili ako ng Bread Pan sa malapit na sari-sari store (grabe, detailed ng kwento ah, pati kung anong binili, sinabi pa hehe). Kasagsagan nun ng bagyong Bebeng kaya maulan at basa ang kakalsadahan sa amin. Maingay ang mga tricycle at jeep na sakay ang mga pauwing pasahero. Habang palapit ako sa tindahan, nakarinig ako ng ingay. Hinanap at sinundan ko yung iyak. Salamat at akala ko tiyanak ang nakita ko. Natagpuan ko ang isang kuting na super payat at nanlalamig. Feeling ko iniwan o naiwan siya ng nanay niya. Nung una nag-iisip ako kung ano gagawin ko kung iuuwi ko ba o itatabi ko dahil baka malampirot ng mga gulong kung biglang tumawid iyon sa kalsada. Matagal ko na kasing gusto mag-alaga ng pusa (I’m a cat person kasi) however nagwoworry ako sa parents ko lalo na sa ermats ko. Ayaw nila sa pusa😦. Pero yung iyak niya nakakaantig talaga kaya inuwi ko rin siya. And don’t worry, di ko nakalimutan. Bumili pa rin ako ng Bread Pan sa tindahan😀.

It was all accidental and unexpected. I was not ready but I did all to give the poor kitty urgent care. I consulted the internet for tips and advices for orphaned kittens. I even asked Ms Jonna Baquillas (who owns two lovely cats named Qish and Rue) for help and she immediately responded (salamat po, Ms Jonna🙂 ). She gave me useful links. First thing I looked for was a box to contain the kitten. Eh dahil biglaan nga, nakakita ako ng lumang balde ng Sunrise Lard at doon ko muna siya nilagay. Tapos naghanap ako ng lumang diyaryo at lumang damit (sorry sa ate ko, naging sapin yung wool blouse niya, pero don’t worry, luma naman).

Antaray, pink kissable lips!😀

Cute niya no? Sobrang liit niya na parang pag hinawakan mo baka malampirot. Dahil natagpuan ko siya nung kasagsagan ng bagyo, pinangalanan ko siyang Bebeng. Actually, planado ko na yun na pag nagka-alaga akong pusa, mga Tagalog names na associated sa air/wind o hangin ang ipapangalan ko (dahil nga ako si The Air Prince). I actually thought “Amihan” (named after Iza Calzado’s famous character from Encantadia) at first pero dahil napakamemorable ng pagtatagpo namin, I chose “Bebeng”🙂

Dahil hindi maaaring i-implant ang gatas sa akin, I used a syringe. Kesa gamitin ng mga addict, gamitin na lang sa pagpapakain sa mga kuting. Don't worry, it's HIV-free🙂

One of the most important things about taking care of an orphaned kitten is what will be fed on it. Honestly, nahirapan ako rito dahil I learned from what I read na hindi pala pwede ang cow’s milk lang dahil baka magsuffer ng diarrhea ang kuting (cow’s milk contains lactose that cat’s don’t have proper enzymes for breaking down the sugar compound from the milk). So I must make my own KMR or Kitten Milk Replacement. Feeling ko nagrereview ako ng Chemistry at Biology para sa veterinary board examinations😀. I consulted for the recommended concoctions on the internet and had a hard time making one. I had to find alternative ingredients since most of the stuff couldn’t be found in our kitchen. Ayun, I made my own KMR consisting of sterilized milk + yolks of eggs + tiny drop of palm oil + tiny drop of infant multivitamin supplement. The smell is kinda rancid (WOW, WORD OF THE DAY, MGA KAIBIGAN!) because of the yolks and vitamin syrup but I need to feed Bebeng. Medyo nahirapan ako magpakain kasi I only relied on syringe (don’t worry, hindi kasama yung mismong needle, ano siya, drug addict???) and it has no nipple to be sucked on. There are times na naggagag siya pero eventually I learned how to feed her properly. And take note, regular feeding! Minsan, I woke up early morning just to feed her. Naks, tatay na tatay na ako haha!

Ako ala Agnes: "She's so tiny I'm gonna die!" HAHA!

I also made her feel warm since she needs it in order to grow and feel comfortable. Aside from usual hot compress (thanks to my sis nurse at may silbi ang mga extra hospital gamit niya), I use desk lamp to keep her warm. Don’t worry, pinapatay ko naman yung ilaw pag medyo mainit na. Look, she’s so tiny!!!

And also the challenging part: making her poop and urinate! I learned the technique by stimulating the are where her private parts and anal area are with a piece of moist cotton (to mimic the way the mother cats licks that part). Alanganin namang dilaan ko rin yung pwet niya? That’s gross😀.

Fuzz is not happy😀. Photo by Rachel.

I even decided to bring Bebeng at a vet. I looked for vet clinics nearby but I couldn’t decide. Good thing, I asked Rachel Mutia for help since taga BF Homes Parañaque siya and also a cat owner din, She recommended Happy Hayop located inside the village and luckily pupunta rin siya nun. So I said sabay na lang kami pumunta at para makita ko rin yung alaga niyang pusa na si Fuzz. The next day, I was so excited that I left the battery of my camera (para mapicturan ko si Bebeng habang nagpapacheckup) and arrived too early. I was shy at first but Rachel insisted I must go inside dahil mainit (oo nga naman, maiinit talaga). The people of Happy Hayop was very accomodating. I forgot the name of the lady who assisted me and gave advices. Anyway, she told me proper care tips and adviced me to bring Bebeng again after 3 weeks kasi she’s too young pa. And the best part is I wasn’t charged at all! Free consultation🙂.

Anyway, medyo nag-aadjust pa rin ako dahil nga may inaalagaan na ako. Pero it’s a good way to practice parenthood. Habang wala pa akong sariling pamilya, mag-aalaga muna ako ng pet. Challenging. Tough. But worth it. I’m so happy that most of my friends support me and Bebeng. Keep your support and prayers coming🙂. I’ll keep you updated about her. I can’t wait for her to grow up🙂

Don’t worry, pag medyo malaki na siya. Invited kayo sa binyag. Yun lang ang ihahanda ko sa inyo eh KMR din😀. JOKE😀.
Hot like Mexico, rejoice!

The Air Prince

6 thoughts on “Bebeng

  1. Rachel says:

    Aww! This made me smile🙂 Good luck, Toney!

  2. skysenshi says:

    Punta ka dito sa bahay and let’s let our cats meet up.😀 Naghahanap ata ng kalaro itong si Kirara. Buti pa si Jonna ang daming alam sa pag alaga ng cats…ako naka-ilang pusa na, naloloka pa rin kasi talagang iba’t iba ang preferences. Si Kirara ay vegetarian, sort of.

  3. Wow ambait mo naman at infairness todo alaga ka talaga! Good job!😀

  4. How I wish I also have those cute cats…

  5. Kristine says:

    awww. that is sweet! bebeng is so lucky to have you! naks! this post brighten up this rainy day! =)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: