Ermats Day

Leave a comment

May 9, 2011 by theairprince

This goes to all the mothers out there.

♫ Back then I didn’t know why 
Why you were misunderstood 
So now I see through your eyes
all that you did was love… ♫

Grabe, ang ganda ng song na yan. As soon as the violin riff is being played, naaantig ang puso ko. I still remember lumabas ‘tong song ng Spice Girls last 1997 (I was in Grade 4) and it became a hit (until now specially for Mothers’ Day). Oo na, favorite ko ang Spice Girls (pipilitin pa ako eh :D).

May 8, 2011. Last Sunday. Maulan dahil kay bagyong Bebeng. Laban din ni Pacquiao versus Sugar Mosley na nauwi lang ata sa bromance😀. Pero syempre very special rin ang araw na iyon sa isa sa pinakaimportanteng tao sa ating buhay: ang ating mga nanay🙂.

I would like to give appreciation and honor to the one who made all things possible, and say sorry. Ihanda niyo na ang tissue😀.

Salamat sa pagkakataong mabuhay ako sa mundong ito.
Salamat sa pag-aalaga kahit hirap ka sa trabaho at negosyo.
Salamat sa disiplina kahit labag sa loob ko.
Salamat sa pasensya kahit mukhang susuko ka na sa akin.
Salamat sa pag-iintindi sa akin kahit mahirap akong intindihin.
Salamat sa tulong kahit di kita tinutulungan.
Salamat sa oras kahit isang segundo lang.
Salamat sa lahat.

Sorry kung nasasaktan ka. Di ko naman sinasadya.

Nagsisinungaling man ako. Nag-iisip man ako ng mga bagay laban sa iyo. Nagagalit man ako sa iyo. Nagrerebelde man ako sa iyo. Nagiging pasaway man ako sa inyo. Nasasaktan man kita… Di ko kayo iiwanan. Tandaan mo yan🙂 ♥

Love you, Veronica🙂 (ANCHEESY!)

Family portrait last New Year. Hindi pa kasama ang iba kong kapatid🙂

Ermats at Erpats ko. O Ha! Boss ang Tatay ko :))

High waist! HAHA! Grade 4 ako niyan🙂

Nay, malapit na ang graduation ko kahit super delayed na ako hehe🙂

At gusto ko ring batiin ng Happy Mothers’ Day ang 2 pang malapit sa puso’t buhay ko: ang mga ate ko. Sila ang nag-alaga sa akin pag wala ang ermats ko (dahil nga busy sa negosyo).

Para kay Dr. Elenita, ang all-around dentista. Ibibigay niya ang isang bagay bago mo hingin. Kahit parehas sila ng ermats ko na strict, understanding yan. At kahit may sarili na siyang pamilya, di niya kinakalimutan kaming magkakapatid, kahit half-brother niya ako🙂 At gusto ko rin pasalamatan siya dahil kung hindi dahil sa kanya, hindi ako gagraduate sa darating na May 21. Salamat Ate🙂


At para kay Ate Nene/Charo, ang cool ate. Sa lahat ng magkakapatid, siya ang may pinakamalapit sa akin. Bata pa lang ako, siya na rin ang naging nanay/yaya sa akin. Kahit may mga bagay na hindi kami madaling magkasundo, may mga common grounds kami. Natutuwa ako kasi lagi niya akong binibida sa mga friends niya. Sasabihin na “uy kapatid ko ‘to. Magkamukha ba kami? Ako nag-alaga sa kanya!” At handa niya akong ipaglaban kapag naaapi ako. Salamat Ate🙂


HAPPY MOTHERS’ DAY TO ALL THE MOTHERS OUT THERE! INA NIYONG LAHAT :))

Hot like Mexico, rejoice!
The Air Prince

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: