Labor Day at Laiya

1

May 6, 2011 by theairprince


Hello from The Bahamas! Ay este from Laiya, Batangas! LOL

Isa sa dream ko ang makapunta sa beach na may white sand. Totoo yun. Never pa ako nakakapunta sa white-sanded beach (nakapunta na ako sa beach na maitim yung buhangin at bata pa ako nun). Astig yun kasi feel na feel mo yung summer: nakashades ka, may sunscreen lotion, tapos topless, feeling hunk, nakasuot ng board shorts… daming chicks… pati mga bading at silahis napapatingin sa iyo… tapos sabay may bola ng volleyball na tumama sa ulo mo… SAPUL! Hahaha! Joke lang🙂.

At natuwa ako dahil natupad ang pangarap ko last May 1. Labor day nun at beatification ni Pope ay este Blessed John Paul II (ako naman ay magbebeautify. Haha). Plano ng staff ng Barangay Sucat na mag outing para naman makapagbakasyon ngayong summer. At dahil summer nga, gusto nila magbeach kaya sa pamumuno ng aking kuya (barangay captain siya), they decided to go to Laiya, Batangas.

Mas natuwa ako kasi sasama yung erpats at ermats ko. Never sumasama kasi sila sa family outing namin (sa bahay lang sila, hindi naman sila KJ) kaya that time medyo special kasi sasama sila. I couldn’t explain my excitement kaya napacrunches ako para magka-abs kaagad😀.

2 hours ang biyahe from Metro Manila to San Juan, Laiya, Batangas. Di ko akalain na malapit na rin yun sa bayan na pinagmulan ng aking ina. Umalis kami mga around 7 or 8 AM tapos nakarating kami mga around 10 AM. Medyo wala pa ako sa mood nun kasi antok na antok ako tapos gutom pa. Muntik pa kami maligaw. Pagdating namin sa One Laiya (yung mismong resort), nawala yung init ng ulo ko. From parking lot, kita ko na kung gaano ka-blue yung dagat at yung white sand.

At first, nawala yung excitement ko kasi matirik ang araw so super duper init. Pakiramdam ko para akong tinapang binababad sa araw. Yung SPF ng sunscreen lotion ko parang kukulangin. Mga SPF 10000 kelangan😀. Ansakit sa balat ng sinag ng araw kaya bilib rin ako sa mga taong patuloy na nagbababad kahit very risky. Ayoko rin mangitim. Black is beauty but too much black is charcoal😛.

Andaming tao sa resort (kasi nga public place) so nakakalito na nakakahilo na nakakaintimidate. Pero syempre ayoko masira araw ko kaya inenjoy ko na lang ang sightseeing. Tigang sa chicks ang beach, umapaw naman sa mga anak ng araw at anak ng buhangin. May ongoing bodybuilding contest pa doon. Dagdag pa ang ingay ng mga videoke at mga halakhak ng mga bading na naglalaro ng volleyball. Pero ayos lang rin. Kanya kanyang trip yan.

So here are some of photos I took while we were there. Ayoko palampasin ang pagkakataong mapicturan ang isa sa mga moments ko🙂.

This is what the resort looks like from the seashore. It looks like Atlantis Resort from The Bahamas (yung venue ng Miss Universe 2009, click here to see the comparison). Nagulat kami kasi anlaki ng binaba ng water level nung dumating kami ng umaga until we decided to swim. Napakadrastic ng low tide. Kaya you can see sa picture na yung actual edge is yung nasa gitna, where the sand isn’t wet anymore. Yung kinatatayuan ko was filled with water during morning, and was gone while I took this shot.

Eto yung coastal mountain stretch sa San Juan, Laiya, Batangas. Ngayon lang ako nakapunta sa beach na super ganda ng view. No doubt kung bakit maganda sa Laiya. Super ganda ng sunset (unfortunately, I wasn’t able to snap a photo). Napakamajestic. Ang ganda ng colors ng sky pag pababa na yung araw.

Sa wakas! Nakatuntong na rin ako sa white-sanded beach!

Me with my sweet Ate Nene. She’s like my second mother, proud yan sa akin. Lahat ng mga nakukuwentuhan niyan, isisingit na ‘ay kapatid ko yan, ako nagpalaki sa kanya!’ Oh di ba? Sweet🙂. Atat magpapicture kaso pag di niya trip yung shot, sabay sasabihin “ay, burahin mo!” Haha! Pero ayos lang🙂 At yun pala yung parents ko, nagsisiesta kahit mainit😀.

With one of my nephews, Peter. Favorite pamangkin ko ‘to kasi cute at makulit in a good way. Kengkoy rin yan! Now spot the similarity… ILONG! (OOPPS, this might get the attention of my sis-in-law! HAHA!)

Peter with my lil sis, Andrea.

Aba, sosyal ang ermats ko, nagpamassage service😀. Pero I couldn’t stop her. Isa sa paborito niya ang masahe. I understand since napakastressful ng business niya sa aming munting grocery (take note: manager+accountant+KERGEDER ang ermats ko haha!) Kaya ayan, nag-uunwind siya sa mahiwagang kamay ni Ateng Manghihilot😀

At syempre, nag group dynamics ang barangay staff. Bukod sa pagtatampisaw sa dagat-alat at magpaitim sa ilalim ng araw, merong inihandang games para sa kanila. Just for fun. Natuwa ako sa first game nila which was I unfortunately forgot the exact name. Basta it has something to do with trying to catch the end tail of the other team. Gulo nila pero ansaya!

And eto pa. Astig din ‘tong laro. All they need to do is let the ball continue to roll in an uninterrupted manner using improvised tubes (WOW STRAGHT ENGLISH!), Kaso 4 lang yung tubes kaya dapat may timing at alert. Syempre yung winners may prizes din🙂

And of course, dahil nahiram ko na rin ang camera ng pamangkin ko (I wonder bakit wala pa akong sariling camera? LOSER!), I took some photos of random things I saw that day.
Shells collected by Andrea. Dyan kaya galing gasolina ng Shell? Corny😀.

Yung mga little pamangkin kong boys naman ay naging interesado sa mga kung anu-anong maliliit na nilalang sa dagat. Like this hermit crab.They also caught lots of baby crabs/talangka, mussels, and other critters from the ocean. Buti hindi nila nakita sina Ursula, Octopina, at Dugong (ARLULALULALULALU!!! HAHA!). They were having problems how to take them home. They even used mineral water instead of saltwater from the sea. Sabi ko di pede yun, mamamatay sila. Sabi nung isa kong pamangkin, since saltwater daw ang pwede, pwede ba daw yung tubig na nilagyan ng asin/table salt? Natawa ako😀.

Syempre, picture picture din ng mga bulaklak. Ambango-bango… ambango-bango… ambango-bango ng bulaklak…

Until I saw a part of the resort full of bongavillas. Super ganda kasi ang cute. Pink na pink yung lugar. Kaya I grabbed Andrea and asked to pose with the flowers. And I noticed something, malapit na magdalaga yung bunso kong kapatid! Malapit na magka-boobs! O_O

Syempre hindi rin ako nagpahuli. Tough men wear pink shades and poses in front of pink flowers. ANGAL???!


We waited for 3 PM before we decided to return to the beach. Super init at ansakit sa balat ng araw. Walang binatbat ang Nivea Sunscreen. Feeling ko tinapa kami habang nasa ilalim ng araw. Kaya hinitay na lang namin maging safe para lumabas. Naiwan ako malapit sa shore kasi ginawa akong tagabantay ng tuwalya at tsinelas nila habang sila ay papunta sa malayo😀. Kaya ako kahit naiwan, picture-picture na rin ako ng kung anu-ano. Like this seaweed:
Edible kaya to? Hehe😀.

LOOK! Akala niyo ang alphabet lang ang may mommy at baby. Here’s Mommy crab and baby crab. Answeet🙂. Pero nakakakilabot yung feeling habang binabagtas ko yung dalampasigan. May parang nagapang sa paa mo. Pero nakakatuwa din kasi pag ramdam ng mga talangka na paparating ka sa lungga nila, sabay takbuhan sila at magtatago sa mga butas sa buhagin.

At nakakita rin ako ng kakaiba pero nakakatakot na star fish. Nahuli ng isang manong habang nalangoy siya. He even told me na natusok siya. Medyo naalarma ako kasi diba may mga poisonous na star fishes?

Coral skeletons on a piece of rock. Nice texture. Pwedeng susbtitute sa loofah or diamond peel (tignan natin kung di ka pa kikinis LOL).

At dahil kasing babaw na ng kaligayahan ko ang tubig sa dagat, katabi na nila yung bangka. Di ko mapigilan sarili ko na lapitan sila kasi naiinggit ako kahit bitbit ko yung mga tuwalya at yung camera.

“MANURE” sabi ng mga chikiting. Grabe ah, napaka scientific ng term sa dumi. Iba na talaga ang generation ngayon haha! Mukha nga namang poopoo yung basang buhangin😀.
Some of my family members. Nasa lahi talaga namin ang ‘pose kung pose’ attitude sa picture😀.

Eto yung favorite ko gawin pag nasa beach, yung isulat yung pangalan sa buhangin. Balak ko sana magsulat ng nobela sa buong stretch ng Laiya kaso binubura ng mga alon eh. Hehe😀.

At dahil hawak ko ang camera, ginawa akong photographer🙂.




Vincent writing his name. Pagandahan ng sulat at ng pangalan😀.

Sino may sabing si Kristo lang ang nakakapaglakad sa dagat?! Si Peter din! (Wow, what a coincidence. Kapangalan niya yung apostle ni Jesus Christ!)🙂.

PATRICK, WALANG PAGKAIN DYAN! HAHA! Joke😀.

At di natapos ang araw ng walang pinagtitripan. Nilibing sa buhangin si Lala (sumunod na kapatid sa akin, future doctor yan!) Magandang exfoliant ang buhagin. haha😀.

Di kami nag-overnight since most of us may pasok/may gagawin the next day. Umalis kami ng resort mga around 8 PM then we reached home at around 10? 2 hours ang biyahe pabalik.

So there you have it, my summer escapade sa Laiya, Batangas. Andami ko pang mga kwento kaso di kasya rito at kung ipagkakasya ko, hahaba lang tong blog entry at magkakaeyestrain kayo sa kakabasa (kung babasahin niyo). May susunod pa kaming family excursion but this time, sa private pool resort sa Pansol, Laguna (we always do that). Abangan niyo ang mga susunod na summer trippings ko🙂. Enjoy your summer na rin!

Hot like Mexico, rejoice!
The Air Prince

One thought on “Labor Day at Laiya

  1. prey says:

    ang ganda ng mga pics! mukhang enjoy na enjoy sa beach! eto pala ang One Laiya sa FB — http://www.facebook.com/onelaiya

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: