A.W.O.L.

1

May 4, 2011 by theairprince

Sa wakas, nakapagblog na rin ako! Nanunumbalik ang aking presensya sa cyberspace pagkatapos ng ilang linggo. I’m currently sneaking into my ate’s laptop and internet connection. Because of that, I must type as fast as I can bago ko isauli ito sa kanya.

Medyo palpak pa rin ang aking internet connection sa bahay. Naputol last April kaya kung inyong mapapansin ay wala akong posts. walang maingay at papansin😀. Kung kinakailangan, pumupunta ako sa internet shop sa tapat ng bahay namin(salamat sa Basti’s Internet Shop at kina Ate Girlie, naks plugging haha!) Kahapon ay inasikaso ko ang problema sa aking Smart Bro account at umaasa na magkaka-internet muli ako. Pero hanggang ngayon ay inaayos pa ang system nila. Buti’t inaalala ko ang Maynilad mantra: konting pasensya lang po, dadaloy rin ang ginhawa. PAK😀

Anyway, maraming nangyari these past days. Andami kong gustong ikwento sa inyo kaso I feel they need individual/separate blog entries. Dahil mahal ko kayo, I’ll give you the highlights of what happened during my absence:

  • Finally, I’m going to graduate this coming May 21! After 7 years in college (Yes, tama pagkakabasa niyo, wala kayong katarata) I’m going to march and get my diploma. Hindi naging madali para maabot ang inaasam ko. Dugo, pawis, laway, luha, at iba pang body fluids ang naging investment ko para makaabot sa graduation. And dito naging stronger ang faith ko kay Lord kasi for so many years, I was asking for a direct assistance from Him. Hiling ako ng hiling na sana makuha ko ang gusto at kailangan ko. Pero halos challenges ang dumarating sa akin. Yet one day in April was the turning point in my life. I admit it was hard but eventually naging maayos. So ayun. Clearances at rehearsals na lang ang gagawin ko and it’s farewell to my Alma Mater.
  • At dahil wala nga akong internet connection, sumakto ito sa Holy week. Again, I believe it’s God’s plan para magsacrifice ako na NO TO FACEBOOK + TWITTER + ETC ako. At first it was hard pero natuto ako magkontrol. Honestly, naging productive ako. I read books, magazines, watched TV, syempre di mawawala ang pagiging usual Cinderello ko, and bumalik ako sa pagdradrawing. Natuwa ako kasi I can still draw cartoons kahit masyado akong nagfocus sa photography. Kaya it was great going back to your first love🙂
  • Though I’m not wired, I’m still updated with news. Salamat sa CNN at other news channels. From the Royal Wedding to Pope John Paul II’s beatification, Merceditas’ resignation from Ombudsman post and finally to Osama bin Laden’s death, napansin ko na andami at sunud-sunod ang major headliners. dahil ba malapit na ang End of the World. Huwag naman sana. Gusto ko pa yumaman at mag-asawa. Joke😀
  • Medyo busy rin ako this summer. Aside from my final appointments at school before I can officially graduate, I’m still working on my job applications. Resumes here, resumes there. Nakakachallenge lang kasi since wala pa akong internet, I cannot update my job applications. And recently I was encouraged to apply in an animation company. Medyo mag-iiba ang career path ko pero I’m still positive kung saan ako mapadpad. Kaya good luck on my interview🙂
  • At kahit busy ako, hindi ko pa rin nakakalimutan magrelax. I find time to visit exhibits of my friends from batch 70s from my school (I already visited 2). Plus, my family went to Laiya, Batangas. Grabe, it was my first time to go to a almost-white-sanded beach! Nakakadisappoint ng konti kasi super init kaya hindi ako nakaligo sa dagat. Kahit ilang layers na ng sunblock ang inapply ko, feeling ko wa-epek. Parang SPF 1000 ang kelangan ko. Hehe. Pero at least na-enjoy ko kasi ang ganda ng view, super cool mag lakad sa shore (nung medyo safe ang sunshine), at syempre being with my family.

So far yan ang mga nangyari sa akin sa lumipas na mga araw. Marami pa akong nais ikwento sa inyo. Wait for my following blog entries. Promise. Mwahlaplap😛

BTW, please support by liking my Facebook page: Kakabakaba Ka Ba?

Hot like Mexico, rejoice!

the Air Prince

One thought on “A.W.O.L.

  1. skysenshi says:

    Congrats again, Toney! Grabe, AWOL na rin ata ako. Patakas takas ng posting at work (pag breaks). Not that I’m complaining kasi sobrang I enjoy my work. Sana magkita kits tayo!😀

    Btw, marunong ka ba mag-Flash? Naghahanap kami ng interns na marunong mag-Flash. Hehe.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: