Education Is More Than Anything Else

1

April 12, 2011 by theairprince

“I think the one worthy cause I can identify myself is valuing education. Because I believe education is something that cannot be taken away from you. You can have money, you can have fame, but in the end, it can be taken from you. But education will always be there, to help you in your life. Thank you.”

That was Shamcey Supsup‘s statement that made her cinched the Bb. Pilipinas-Universe 2011 crown last Sunday (April 10). I wonder bakit hindi magpa scholarship program si Stella Marquez Araneta? Binigyan na siya ng idea ni Shamcey😀.

May naaalala ako sa sinagot ni Shamcey noong Question & Answer round. It reminds me of John Gabriel Pelias, Carmi Martin, and Jodi Sta. Maria. Well, sure ako kilala niyo yung last 2 as they are actresses here in Pinoy showbiz. The first one is unfamiliar until you learn his very successful story. Pero ano kinalaman nila sa sagot ni Binibini 26?

Si John Gabriel Pelias ay isang ordinaryong 19-year old BS Math graduating student sa Ohhh…nibersidad ng Pilipinas-Diliman. Pero ang nakakamangha sa kanya ay hindi lang siya mamartsa bilang isang Summa Cum Laude pero record setter din siya. He has the General Weighted Average (GWA) of 1.016, thanks to his 1.0 grades. Sa kanyang pag-aaral, nakakuha lamang siya ng 3 ‘1.25’, ang pangalawang pinakamataas na grado (1.0 being the highest while 5.0 as Fail). Halimaw si Pelias, kung tutuusin (don’t take it literally ah). Mahirap ang kanyang pamilya at umaasa lang sa subsidy mula sa pamantasan. Kung pumapasok si Pelias ay naglalakad lamang at nagdadamit ng simpleng T-shirt, shorts, at tsinelas. Ngunit di mo aakalain ang kanyang bagsik pagdating sa talino. (Read his story here.)

And we have Ms. Carmi Martin. She is like the Ruffa Mae Quinto of 80s. Noong bata pa ako, napapanuod ko siya sa Abangan Ang Susunod Na Kabanata, isang sitcom sa ABS-CBN noonng dekada 90 na sumasalamin sa lipunan particularly sa pulitika. Super sexy niya at nakakatawa. Hanggang sa napapanuod ko ang mga old movies niya tulad ng Working Girls (Grabe, I love that movie! Tawa ako ng tawa haha!), umaapaw sa sex appeal si Ms. Martin. At hanggang ngayon, sa edad na 47, di pa rin nawawala ang kanyang kagandahan at pagiging sexy. Dahil maaga siyang napasabak sa showbiz noon, naiwan niya pansamantala ang kanyang pag-aaral. Ngunit ngayong taon ay nakapagtapos siya ng kursong Interior Design sa Philippine Women’s University. (Read her story here.)

Last but not the least, we have Jodi Sta. Maria. Recently, she got her high school diploma at Southville International School and Colleges. Known as a Kapamilya actress and also a celebrity mom (sinong di makakalimot sa kanyang Lactum endorsement? Panu na nutrition ni Thirdy? *sabay timpla ng Lactum haha*). Wala ako masyadong alam sa background ni Ms. Jodi pero hearing her story is a great achievement. (Read her story here.)

Eto ay iilan lamang sa mga kwento ng di pangkaraniwang tagumpay pagdating sa edukasyon. Ang kalagayan ng edukasyon dito sa ating bansa ay isa sa patuloy na tinutugunan ng ating gobyerno. Marami pa rin sa atin ang hindi at/o napahinto sa pag-aaral dala ng kahirapan at iba pang dahilan. Meron ding mangilan-ngilan na hindi naging hadlang sa pag-aaral ang kahirapan at ang estado sa lipunan.

Sa kaso ni John Gabriel, gawa ng kahirapan, pumasok siya sa UP Diliman bilang isang iskolar. Umaasa siya sa libreng papapa-aral at subsidiya mula sa gobyerno. Isa siya sa mga mag-aaral na kapos sa pangtuition. Ngunit dahil sa determinasyon , sipag at tiyaga, at pangarap, hindi maipagkakaila na talagang nakamit niya ang tagumpay bilang isang Summa Cum Laude, aside from record breaker ng nakakuha ng pinakamataas na marka sa UP. And isipin natin na 19 years old tapos Summa Cum Laude? Beat that🙂

Carmi and Jodi, on the other hand, proved that age is not a hindrance in education. Si Ms. Martin, gaya ng nabanggit ko, ay maagang nahinto dahil sa showbiz. Dahil naniniwala siya na ang showbiz ay hindi laging nandyan, ninais niyang mag-aral. Nag-enroll siya ng Interior Design certificate at itinuloy niya ng college degree sa PWU upang makuha siya ng license para mapractice niya ang profession bilang isang interior designer. Si Jodi naman ay nakuha na niya ang inaasam niyang high school diploma at balak niyang mag-aral ng kolehiyo. At tulad ni Carmi Martin, hindi naging alintana kung isa siyang ina at mas matanda pa kesa sa mga kasabayan niyang nagmartsa. Ang importante ay ang kagustuhang makatapos.

It may look as if only the privileged and able to afford can only acquire education. That should not be the case. Kung nais natin makapagtapos, may paraan. Ito ang pinatunayan ng 3🙂.

At magbalik tayo sa sagot ni Shamcey (FYI, siya ay nagtapos sa University of the Philippines ng kursong Architecture, naging Magna Cum Laude, at topnotcher rin sa board examinations). Naniniwala rin ako na ang edukasyon ay isang kayamanang higit pa sa karangyaan at kasikataan. Ito ang humuhubog sa atin bilang isang tao. Ito ang nagpapayaman sa atin. Aanhin mo ang mga materyal na bagay kung salat ka naman sa kaalaman. Learning through education can lead you towards better future. At pwede na akong sumali sa mga beauty pageants😀.

God bless to those that I’ve mentioned above (to Shamcey Supsup in Miss Universe 2011, to Pelias for his ambition to be an educator, to Ms. Carmi Martin for her upcoming licensure exam, and to Ms. Jodi Sta. Maria for her college dream). Same goes to those who share the same experience. This must serve us as our inspiration. Congratulations!

Hot like Mexico, rejoice!

The Air Prince

One thought on “Education Is More Than Anything Else

  1. skysenshi says:

    Oooh, so certificate course lang pala sa PSID yung degree ni Ms. Carmi Martin. But she’s already an ID practitioner, pero maganda na rin na tinapos niya.

    Honestly, this is why I take it personally when a dean from a school I have come from does something super unethical. Kasi nakatatak ang pangalan ng school sa iyo. You can delete some of your past positions in your resume, if they are not relevant to your career trajectory, but never your school. Hindi ko alam kung balang araw maiintindihan ng ibang tao kung bakit ako galit na galit.

    And one more thing about education and the reason I pursue PhD studies: positions will never be permanently attached to you…but an academic title like this can be embedded in your obituary. LOL!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: