Mga Lihim na Liham

4

April 8, 2011 by theairprince

Ika nga, ang buhay ay parang isang kwarto. Ang mga problema mo ay ang mga kalat at dumi sa loob ng iyong silid. Hindi lilinis ang kwarto mo kung wala kang sipag at tiyaga para maglinis. Tulad sa buhay, may problema pa rin kung di mo susubukang harapin at agapan.

Napakalalim natin ngayon. Kasing lalim ng balon ni Sadako😀.

Mapalad ako dahil natuto ako ng mga gawaing bahay o household chores. Wala kaming kasambahay kaya kami-kami mismo dito sa aming munting tahanan ang inaasahan sa mga bagay na dapat gawin. Maglinis. Magluto. Maghugas ng pinggan. Minsan maglaba (dahil may labandera kami). Ngunit dahil busy si ermats at matanda na si erpats, kaming magkakapatid ang nakatoka sa gawaing bahay… pero ako ang inaasahan madalas sa bahay. Pwede niyo akong bansagan as Cinderello😀.

Last time, naglinis ako ng pinakamamahal kong silid. Ito ang isa sa mga favorite kong lugar. Kaya hindi ko masikmura sa tuwing makalat ang aking kwarto (well, hindi naman kasingdumi o kasingkalat ng tambakan ng basura). Naaalala ko noong ako’y student pa, lalo na nung panahon ng MAPROD (Multimedia Arts Production or parang thesis naming mga AB Multimedia Arts student), parang may dumaang ipo-ipo sa kalat at gulo ng silid. Pero kung maglinis ako, talagang malinis. Isipin mong parang may VIP na bibisita sa room ko😀.

At habang ako nga ay naglilinis ay tumambulad sa akin ang mga koleksyon ko ng mga liham para sa akin (bukod sa mga lumang resibo, mga bus tickets, at isang piraso ng Skyflakes). Ito ay mga sulat mula sa mga kaibigan, kaklase, at iba pang malalapit na tao sa buhay ko. Nakalagay sila sa isang maliit na paper bag. Tinapos ko muna ang paglilinis ko bago ko tignan at basahin ang bawat liham.

Natuwa ako habang binabasa ko ang bawat sulat. It brought me memories. Sarap balikan ang mga ala-ala. Buti na lang hindi ako nagmukhang Charo Santos-Concio ng Maalaala Mo Kaya?😀. Lahat ng mga sulat binibigay sa akin, tinatago ko talaga. Kahit yung iba sa kanila ay amoy mo ang pagkaluma, nasa sa akin pa rin. Itatago ko ang mga sulat hanggang sa pagtanda ko para kung gusto ko magbalik-ala-ala, may mabababasa pa rin ako (pero sana 20/20 pa rin ang vision ko). Malay natin, umabot pa ito ng libu-libong dekada at madiscover ng mga archeologists.

Narito ang ilan sa mga liham ko. Natutuwa ako sa pagbabasa. Abot hanggang Neptune ang ngiti ko😀

March 2006. Ang aking 19th birthday greeting card made by my bloackmates😀

Meron bang 19 strings ang violin? Diba 4 or 5 lang? :))

My 20th birthday greeting gift (March 2007), again, from my blockmates. They put huge amount of effort here. Most of my friends outside our block also participated here. Inspired from bond's album🙂

Inside the box are greetings written on small papers. Each paper has a title of some songs of bond🙂 Kewl di ba?

More birthday cards and letters...

22nd birthday (March 2009). Greeting cards galing sa lil sis ko at sa mga pamangkin ko. I really appreciate these. Very creative. Naaalala ko nung bata ako I used to make cards with just a nice piece of paper and a set of colorful crayons😀.

"Ton, you're the best"... AWWWW🙂

2004. Ang aking kwadernong naging high school farewell notebook. Most of my classmates wrote here.

Tignan niyo, may gana pang mang-asar :)) This was drawn by my friend, Gen.

Isa pang pang-aasar :)) Drawn by Clarence. Trivia: inaasar akong kabayo nung HS hindi dahil sa mukha akong kabayo pero dahil kamukha ko si Kabayan 'coz of my hairstyle back then. Eh may pagkabinggi ako, instead of 'Kabayan', naging 'kabayo' ang pagkarinig ko... at dahil sa pimples/tigitig... YAH TIGIDIG TIGIDIG TIGIDIG :))

A thank-you notepad from the entire cast of Make Me a SOEModel Season 1 last 2009... grabe I teared up while I was reading this. Di ko akalain na mamimiss nila ako😦 This came with a shirt from Bench and I love the color (violet)!

Sample note from my dear friend, Glendale😀

2007. Explorers' Club officer's team building secret invitation. I miss my org😦.

Greeting letters, Christmas cards, farewell letters... most came from my girl friends (babaeng kaibigan, ah?)

Greetings wrote on paper are very touching🙂 They're more than Facebook greetings (Of course, di pa uso ang Facebook noon and we only relied on Friendster testimonials haha).

Hot like Mexico, rejoice!

The Air Prince

4 thoughts on “Mga Lihim na Liham

  1. skysenshi says:

    Hehe, Toney, you are loved.😀

  2. cherela says:

    wow nice naman yan tony…lahat ng liham mo meron pa..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: