Laguna de Bay

Leave a comment

April 3, 2011 by theairprince

Habang ako ay nagpapahinga galing sa tambak ng gawain, dumungaw ako sa aking bintana dito sa aking silid. Ito ang ginagawa ko kapag nais kong magpahangin, tanawin ang paligid, at magnilay-nilay sa kawalan. Nakatira ako sa baybayin ng pinakamalaking lawa sa Pilipinas: ang Laguna de Bay. Musmos na bata pa lang ako ay pamilyar na ako sa lawang ito. Akala ko noon ay Pacific Ocean ito at ang kabilang dako ay ibang bansa na (yun pala ay lalawigan ng Rizal).

Malaki ang impluwensiya sa akin ng lawa tulad rin ng mga nakatira rito. Kapag nais ko makalanghap ng sariwang hangin, humaharap lang ako sa lawa (liban lang kung tag-init, medyo di kaaya-aya ang amoy). Mapalad ako dahil nagigisnan ko ang pagsikat ng araw (kung maaga ako magising at kung hindi umuulan/maulap) at nakikita ang napakagandang tanawin. Kita mo rito ang kahabaan ng Sierra Madre, ang napakagandang Bundok ng Makiling, at ang kabilang baybayin ng Rizal at Laguna. Masarap magrelax kapag tinatanaw mo ang Laguna de Bay. Kapag may mga problema ako, isa sa giagawa ko ay dumungaw lang sa bintana at pagmasdan ang mga agos, mga mangingisdang nahihirapan sa paghatak ng lambat, at ang mga lumilipad na ibon. Sarap barilin. Joke lang ah😀.

Medyo di maganda ang kondisyon ng Laguna de Bay. Unlike dati na parang Boracay sa linis ng tubig at lugar base sa mga kwento ng mga nakakatanda, medyo may karumihan sanhi ng pag-usbong ng industrialization sa paligid ng lawa. Isama pa ang di wastong waste management ng mga nakapalibot na lugar dito. Kaya nasa peligro ang kalagayan nito. Kaya ang bawat local government units ng mga bayan na pumapalibot dito ay umaksyon para pigilan ang lumalalang sitwasyon sa Laguna de Bay.

Kung anong merong kinaganda ang lawa, minsan ay malupit din ito. Sa tuwing sasapit ang rainy season, tumataas ang tubig. Kaya ang mga nakatira sa aplaya (Tagalog for shore, sosyal no) ay napipilitang lumikas. Samantalang ang mga hindi makalipat ay nagtitiyaga na lamang sa kabila ng peligro. Kaya kung pupunta ka rito, karamihan ng mga bahay ay matataas at matitibay ang pundasyon (kung may kaya) o parang mga bahay ng Badjao. Ngunit kahit ilang tonelada pa ng semento at ilang pako ang ginamit sa pagpapatibay ng mga bahay, di rin ligtas ang mga ito sa lupit ng kalikasan. Last 2009, nakaranas ang aming baranggay ng matinding hagupit nila Bagyong Ondoy at Bagyong Santi (click here for the related story).

Teka, bakit nga ba “Laguna de Bay”??? Nagresearch ako at ito pala ay ibig sabihin ay “lawa ng Bay” (‘ba-i’ ang basa). Ang Bay ay isang bayan sa lalawigan ng Laguna. Hindi ko pa rin alam kung bakit ang bayan ng Bay at hindi ang ibang munisipyo/bayan sa Laguna o kahit sa karatig lugar ang ikinabit sa pangalan. Akala ko dati kaya Laguna de Bay dahil sa may look (bay) sa paligid ng lawa😀

Gaya ng nabanggit ko, iba’t-ibang ibon ang matatagpuan rito. Dinarayo rin kami ng mga migratory birds tulad ng ibong nasa litrato. Ako’y nananalangin na sana wala silang baong Avian/Bird flu. Hindi ko alam kung anong specie ito pero parang crane or egret ito. Madalas ko matagpuan itong nag-iisa habang ito’y nanghuhuli ng kanyang pagkain. Naisip ko rin na kahit sa animal kingdom, may mga emo rin pala😀. Patuloy kong aantabayanan siya dahil baka mamaya magtangkang magbigti ito😀.

Bisita ko madalas🙂 Eto na ang pinakacloseup, sensya na😀

Dahil sa nagbabago ang klima, nag-aadjust din ang water level ng Laguna de Bay. Tuwing sasapit ang summer, tulad ngayon (late February until early July) bumababa ang taas ng tubig. Kaya lumilitaw ang damuhan at buhangin sa baybayin. Malayang nakakapaglaro ang mga bata samantala ang iba ay pumupunta malapit sa tubig para magchill (WHOAH MAY GANUN???). Pag parating naman ang tag-ulan (July hanggang January), tumataas naman ang tubig. Kaya ang mga bata naglalaro naman sa gilid ng kalsada. Mga water lily naman ang sasalubong sa iyo😀.

Tumataas ang water level pag rainy season.

Bumababa naman ang water level pag tag-init🙂

Hot like Mexico, rejoice!

The Air Prince

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: