May Tubig Na Kami!

6

March 31, 2011 by theairprince

Parang ibig sabihin antagal ko ng hindi naliligo dahil ngayon lang kami nagkatubig😀.

Sa wakas! Meron na kaming tubig! Di lang basta-basta tubig… Maynilad water! Matapos ang 1 taon ng pagpapasensya sa sarili dahil sa mga pahukay-hukay sa kalsada namin at sa ilang buwan para sa application, kanina ay nagkaroon na kami ng tubig na malinis, marami (sa lakas ng pwersa pwede na kami magpaandar ng water turbines ng isang powerstation), at amoy Chlorine (well, di naman gaano, basta guaranteed na well-treated naman ang tubig).

Almost 8 years na kami nakatira dito sa Sucat, Muntinlupa at buong buhay kaming nakasalalay sa deep well water. Sagana kami sa tubig dahil ang pinaghuhugutan namin ay galing sa ilalim ng lupa. Kulang na lang ay maabot na namin ang Underworld at makakuha kami ng petrolyo. Malay natin, hindi na tayo aasa sa Middle East dahil nandito na ang pagkukuhanan ng petroleum😀. Tulad ng petrolyo, di maaaring basta-basta umasa lagi sa deep well dahil maaaring matuyo ito. Nakakaranas na rin kami ng maduming tubig galing sa ilalim ng lupa. At dahil freshwater, di kanais-nais ang maghilamos ng mukha at makita mong may ugat-ugat o seaweed sa tubig na gamit mo. Ang tubig na mula sa ilalim ay puno ng minerals, yun nga lang wala kaming namataang precious/semi-precious stones at Precious Lara Quigaman😀. Kaya ito ay isang hard water (bakit ganun? liquid ang water di ba? :D) Hindi maganda ang hard water minsan dahil pinamumulan ito ng formation ng sediments (yung yung namumuo sa kailaliman ng takure) at nagkakaroon ng problema ang mga pipes at tiles natin sa banyo. Tama na ang Sineskwela.

Yan ang water tank namin aka watch tower para makahuli ng magnanakaw😀 See my Smart Bro antenna on the left🙂

As years go by, the base gets corroded. Pwede na kami magharvest ng algae at mushrooms😀

At dahil dinidiscourage na ang paggamit ng water tanks dahil it poses a threat din sa fault line ng Muntinlupa, every resident were encouraged to apply for Maynilad. I think last year nagstart na ang excavation ng Maynilad. Tila natagpuan ang Lost City ng Atlantis dahil sa dami ng hukay sa kakalsadahan dito sa Sucat. Nakadagdag perwisyo ang excavation operations ng Maynilad. Anliit-liit na nga ng kalsada, nagkakatraffic pa. Alikabok at putik din ang idinulot ng paghuhukay nila. Kawawa nga yung mga papasok na students or yung mga nurses na may duty, andungis nila kaagad. Idagdag pa ang ingay ng mga drills. Kaya ganito na lang ang paumanhin ng Maynilad:

“Konting pasensya lang po, dadaloy rin ang ginhawa.” (Quotable quotation. Pwedeng i-forward sa mga contacts.)

Kaya di na kami nagdalawang-isip pa. Few months ago, nag-apply ang aking ermats, hindi ng trabaho pero ng linya ng tubig. Pero ako ang inatasan niya para isumite (WOW WHAT-A-WORD) ang mga documents sa aming Barangay Hall. Medyo natagalan ang confirmation dahil nagkaroon ng konting problema pero bago magtapos itong buwan ay nakatanggap na kami ng balita na kami ay kakabitan na. Kaya’t nitong linggo ay galak na galak kami. Magkakaroon na rin kami ng tubig. No more dirty water. Goodbye seaweeds😀.

Application form for Maynilad🙂

Pansamantalang walang tubig...

Hindi ko alam kung alin sa amin... pero yang 3 is for our compound🙂

Time for some dirty job🙂

Yung kuya ko ang nagkabit ng linya papunta sa mismong bahay namin (as I have said, we are living in a compound, tapos ang bahay namin nasa kadulu-duluhan). Naikabit na rin pala ang mismong metro na magsusukat ng aming consumption. Nilinis muna ang mga pipes gamit ang compressor saka isinalpak ang mismong tubo. After hours of assemblying, VOILA! Anlakas ng tubig! Nakakapraning. Super tuwa si ermats. Tila napawi din ang ilang taong walang ulang pumapatak sa amin😀. Kaaagad naming sinubukang buksan kada gripo sa aming tahanan at lahat ay umaagos ng tubig mula sa Maynilad🙂. There was also one point wherein I asked my Mom kung bakit amoy Zonrox. Akala ko naglinis na siya ng banyo dahil super excited nga siya. Yun pala yung amoy mismo ng tubig😀.

YAHOO! May tubig na! Anlakas parang Niagara Falls!😀

Finally, no more dirty water🙂 Love our rustic faucet. So chic (Daphne Oseña, is that you? Haha!))

Di lang ang aking parents at siblings ang natuwa sa tubig namin. Swerte ko nga dahil kakagaling ko lang sa sakit at hindi ako nakaligo ng ilang araw (hoy, nagpunas namana ako ng basang bimpo no!) ay di ko pinalampas ang pagkakataong masubukan ang malinaw, malinis, at rumaragasang tubig. Ansarap ng feeling. Parang naliligo ka lang sa batis. How invigorating. How refreshing. How thoughtful. How Goldilocks😀.

Naligo na sa wakas ang Prinsipe ng Hangin!😀

As usual, ANTM mode sa banyo. Masama ba magpractice mag'smize'???

Kami ay pinaalalahanan ng aming mudra na kahit may tubig na, huwag kakalimutang MAGTIPID. Kabilang na ito sa migrane-inducing expenses ni ermats. May bayarin sa kuryente, pagkain, at iba pang pinaggagastusan, kaya’t huwag daw abusuhin ang tubig. Medyo nakakaalarma lang dahil palapit na ang summer at baka magkaroon ng problema sa rasyon ng tubig.

Kaya eto at mapalad pa rin kami dahil natutunan naming guamit ng tabo’t balde para maligo. Isa ito sa da best na paraan para makatipid sa tubig. Plus, exercise din yun ah😀.

At sa mga naghihintay pa rin makabitan ng tubig…

“Konting pasensya lang po, dadaloy rin ang ginhawa.” PAK

 

Hot like Mexico, rejoice!

The Air Prince

6 thoughts on “May Tubig Na Kami!

  1. @ Prinsipe ng Hangin..!
    painom..!
    pahingi ng malamig na tubig..!😉

  2. @ Prinsipe ng Hangin..!
    eh..,
    kailan mo naman ako…
    balak…
    ilagay sa blogroll mo..?😉

  3. @ Prinsipe ng Hangin..!
    Deal..!
    tapos na..!
    ang bilis..!
    tignan mo na..!😉

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: