Eman Al Obeidi, Baliw o Biktima?

Leave a comment

March 29, 2011 by theairprince

Susko, andaming variations ng spelling ng name niya...

Ok, time for some serious note.

Malaki talaga naitutulong ng Twitter lalo na pag finofollow mo ang mga news organizations. Updated ka sa mga balita kahit wala ka sa harapan ng telebisyon. Kahit yung mga celebrity wars, alam mo😀.

Kagabi, lumitaw ang tweet ni Ms. Karen Davila tungkol sa isang Libyan woman na umano’y pinagsamantalahan at ginahasa ng mga opisyales ni Moumar Gadhaffi. Kung hindi niyo kilala si Gadhaffi, mukhang mas kilala niyo pa si Octopina (ang malansang lamang-dagat), si Clara (ang teen bitch ng primetime), at si Lucille (ang loka-lokang inatake ng rabies). Teka, bakit puro kontrabidang Kapamilya?😀 Anyways, noong una’y di ko mawari ang aking napuntahang link dahil puro Arabic ang nakasulat sa pahina. Sayang at wala akong lahi ni Aladdin para maintindihan ang isinasaad. Kaya’t pinindot ko na lang ang video clip upang malaman kung bakit ganun ang pagka-aligaga sa tweet ni Ms. Davila.

Ngunit sa kabila ng aking galak dahil mabilis ang internet connection ko, di ko makayanan ang susunod na napanuod ko:

At dahil alam kong karamihan sa inyo ay tinatamad i-buffer ang video sa itaas, eto ang buod: may isang babaeng Libyan na nagpakilalang Eman Al Obeidi ang biglaang nangbulabog sa kainan sa isang hotel na tinitirhan ng mga foreign press. Nais niyang ipaalam sa media na naroroon na siya ay biktima ng rape at torture ng mga tauhan ni Gadhaffi. Ayun sa kanya, dinakip siya sa loob ng 2 araw at binaboy ang kanyang puri. Kitang-kita sa kanyang mga pasa at sugat ang kanyang mapait na sinapit. Umiiyak siya at sumisigaw habang ikinukwento niya ang kanyang karanasan. Ngunit habang siya’y nagsasaad, biglang lumusob ang mga pwersa at mga tauhan sa hotel upang pigilan ang babae at ang mga foreign journalists. Nais nilang pigilan sa pagsasalita ang babae at sa pagtatanong ang media. Halos itinulak, tutukan ng baril, at pagtangkaan ng buhay ang mga foreign media na nagtatangkang protektahan si Eman. Tinatakpan ang mga camera at may sinira pang camera ng CNN. Nang di maawat si Eman ay tinakpan pa ito ng tela para manahimik. Matapos ang ilang minuto ay inilabas siya sa hotel, isinakay sa sasakyan, at dinala sa di pa matukoy na lugar.

Ok, siguro pinanuod niyo na rin ang video dahil tinamad kayong basahin ang buod😀.

Kidding aside, para sa akin, isa itong karumal-dumal na karanasan. Ang sinapit ni Eman al Obeidi ay isang malinaw na katibayan na umiiral ang kamay na bakal ng nakatataas na rehimen at ang karapatang pantao ay nilalabag at binabale-wala. Di ito nalalayo sa ating kasaysayan kay Ferdinand Marcos. Marami ang nasaktan, nawalan ang dangal, namatay, nawalan ng katarunga’t pag-asa, at hanggang ngayo’y nawawala pa. Hindi nag-iisa si Eman sa daan-daang Libyang nilalasap ang hagupit ni Gadhaffi. Mas masakit pa ang pagkakadawit ng mga wala namang kinalaman sa gulo.

(Read here for the main story).

Isa pang nakakabahala ay ang di magandang pagtrato sa mga foreign media. Di lamang ito ang pagkakataon na nasilayan natin kung saan ang media ay nawalan ng karapatan at hustisya. Noong kasagsagan ng gulo sa Egypt, si Anderson Cooper ng CNN ay dumanas ng matinding pagmamaltrato sa mga galit na Egyptian kahit wala naman siyang kinalaman sa gulo. Going back sa main story, malinaw sa atin ang pagpigil sa coverage ng nagaganap sa hotel. Pinipigilan din silang magtanong kay Eman Al Obeidi at kahit sa pagtatanggol sa kanya (imagine tinututukan ka ng baril tapos hinablot ang camera mo’t sinira, tapos tinutulak ka palayo samantalang hangad mo lang na protektahan ang kinakawawa). Di ko rin mawari na mahigpit talaga ang patakaran pagdating sa media. Kinakailangan pa ng permit at chaperon kapag magbabalita ang media sa bawat sulok ng bansa a hindi pwede lumabas ng hotel hangga’t walang pahintulot. At napagtanto ko na talagang napakakritikal ang papel ng media sa mga nagaganap lalo na si bansang Libya. Ang paglalahad ng balita on international level ay maaaring ikasasama lalo ng imahe ng gobyerno ni Gadhaffi. Kaya ganoon na laman ang pagpipigil ng mga supporters at tauhan ng gobyerno. Kumbaga news blockage.

Sabi ng opisyal ng gobyerno, siya ay maaaring nakainom o wala sa kanyang matinong pag-iisip. Ngunit sinusubukan nilang imbestigahan ang reklamo ni Eman Al Obeidi. Mukhang criminal at hindi political case ang kaso niya ayon sa kanila. Pinipilit ng foreign press na alamin ang kanyang kalagayan dahil sila’y nababahala. Ipinangako naman ng gobyerno na ihaharap si Eman sa kanila.

Hihaharap ng buhay o pag malamig na bangkay na? Ipagdasal natin ang mabuting kalagayan niya. May Allah save her. And this also goes to those other victims of political upheaval. And for Libya, sana matapos na ang gulo. Hindi ko na ninanais na makapanuod muli ng insidenteng katulad kay Eman Al Obeidi. Ilan pa ba ang kailangan magdusa para makamtan ang demokrasya? Hindi magandang madiligan ng dugo ang desyerto. Hindi ito mapapayabong ang isang bansa.

Hot like Mexico, rejoice!

The Air Prince

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: