Lagot Sina Ligot

Leave a comment

March 25, 2011 by theairprince

Long time, no blog entry. Andami ko nilabhan kasišŸ˜€.

Anyways, maiba naman tayo. Let’s engage into current events. Hmmm. Ano kaya ang magandang pag-usapan? Japan earthquake? Nah, I’m over with it since I’m happy na they are slowly recovering, thanks to the Japanese own determination and international aids. Salamat kay BathalašŸ™‚. Team Azkals? Fortunately, as of today they won against Bangladesh! Hurray for the 3 goals! I’m looking forward to their qualifying match. Ah alam ko na. Let’s talk about the Ligot couple.

Teka, check muna natin ang blood pressure ko… Ok, it’s normal (pakiramdam ko lang hehe).

Hindi ko masyado natutukan ang AFP graft and corruption hearings ng Senado dahil 1) mas tutok ako sa Facebook ko kesa sa TV; 2) pag oras ng balita, either tulog ako or nagluluto; 3) busy ako sa mga bagay-bagay; at 4) sometimes, nawawalan ako ng appetite para manuod. However, thanks to the power of Twitter, I’m somehow updated with the latest developments. Bukod sa ginagawa akong paranoid ng Earthquake tweets at mga chismax ng mga celebrities, malaking bagay na rin na may Twitter ako. Iba rin ang nagagawa pag finafollow mo ang mga news agencies/stations. Lalo na ang mga mismong reporters na nasa site ng balita. Detalyado ang balita kahit limited to 140 characters lang ang tweets.Ā Wala man ako sa harap ng TV, updated pa rin ako. At sana tawagan ako ng developer ng Twitter dahil mukhang bagay ako maging endorser nila. HahašŸ˜€.

Ok, balik tayo kinaĀ Lt. Col. Jacinto Ligot at ang kanyang panic-attack prone wife na si Erlinda Yambao-Ligot. As far as I am aware, since February pa sila bumibida sa mga Senate hearings. Pero etong mga nakaraang araw ang pinakamainit sa lahat, kasing init ng araw at ng ulo ng lipunan. Kumbaga sa teleserye, tutok na tutok ang madlang party people. Kung ginawang primetime lang ang television coverage ng Senate Blue Ribbon Committee (I wonder, bakit nga ba blue ribbon? Eh hindi naman sila naka blue ribbon. Joke), daig pa siguro nito ang tensyon sa pagitan ni Mara at Clara.

Sa mga hindi nakakakilala sa kanila, sila po ay ipinatawag ng Senado para sumagot sa mga tanong ukol sa katiwalian sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas. At dahil nagkakalabasan na ng baho, nagkakadawitan na. Walang BFF na umiiral ngayon sa issue ng kurapsyon. Traydor kung traydor pero sa mata ng publiko at ilang mga mambabatas, isa itong oportunidad para pabagsakin ang matagal ngunit kagulat-gulat na issue sa loob ng militar, bukod sa pantapat sa Dramarama sa hapon. Parang mga daga na nagpapanic lumabas ng ginagambalang bahay ang mga dawit na opisyal. Nagkakaturuan na. Lumilitaw ang mga witnesses, ang mga nagpapakabayani at mga nagmamalinis. Nauwi pa mismo sa suicide incident ni Angelo Reyes. Kumbaga sa linya sa pelikula, parating na ang pagtatapos ng mga maliligayang araw ng mga lumulustay sa pera ng mamamayan.

Check muna ulit ng blood pressurešŸ˜€

Ewan ko kung matatawa ako o maiinis sa mga balita ngayon tungkol sa mag-asawang iyan. Pero isa lang ang masasabi ko, mas naging interesado ako kay Erlinda. Gusto ko muna i-set aside ang inis ko kay Merceditas Gutierrez at ibaling ko muna ang attention ko sa babaeng wala nang alam sabihin kundi “Your honor, I would like to invoke my right against self-incrimination, poh” or magdahilan na may karamdaman siya. Yung totoo, yan ba ang pinagpraktisan nila ng mga lawyers nila o isa siyang malfunctioning robot Ā na pag hindi makayanan ang tension sa Senado ay mauuwi sa system shutdown? Paulit-ulit? Naka-unli? Extra rice pa?

Ano nga pala ang right against self-incrimination? Sa madaling sabi, ito ay legal na karapatan ng isang tao na HINDI magsalita ng kung ano na maaaring ikapapahamak niya. Think of the police’s line of “You have the right to remain silent”, wala lang yung pagposas. Ito ang inaabusong karapatan (karapatan nga ba?) na paulit-ulit na litanya ni Erlinda. Ito daw ang advice sa kanya ng kanyang lawyer. Kahit ako mismo, memorized ko na. Sa mga tanong ng mga senador, expected na ang sagot.Ā “Your honor, I would like to invoke my right against self-incrimination, poh” sabay hinga ng malalim. Kada inquiry ng mga mambabatas, ganyan ang sambit ng inaalta presyon na maybahay. Ika nga ni Senador Jinggoy Estrada, ginagawa niyang inutil ang bawat isa. Mi ultimong tanong kung kumain na siya or ano ang vital statistics niya, yun pa rin ang sagot. Baka may lahing loro si Erlinda.

Paulit-ulit? Unli? Repeat until fade?

At hindi dyan nagtatapos. Aside from paulit-ulit na linya ni Mrs. Ligot, hindi makakalimutan ang kanilang medical checkups, on and off the Senate hearing. Most of the times, no show-off ang Ligot couple. Maysakit daw. Only to find out na sila or one of them can attend the hearing. At dahil diyan, ayon kay Senador Teofisto Guingona III may bagong strain ng virus ang nag-evolve from Influenza H1N1: Ribbonitis. Ito ang sakit pag ayaw umattend ng Senate Blue Ribbon Committee hearing.

Nung isang beses, kalmado si Mrs. Ligot nung dumalo siya sa hearing. Poise na poise dahil uminom daw siya ng Valium para pampakalma. Nung di nagtagal, pawis na pawis na siya sa kakagisa sa kanya. And for the nth time, siya ay nagbreakdown muli. Dinaig ang pagbigay ng mga nuclear reactors sa Japan.

Kung hindi sa sakit or saĀ “Your honor, I would like to invoke my right against self-incrimination, poh” excuse, another defense mechanism ni Jacinto Ligot ang pagkalimot. Kapag tinatanong siya hinggil sa mga questionable properties and expenses, ‘hindi alam’ ang sagot niya. Ā Nalimutan nga ba or sadyang kinakalimutan? Ang nakakapantaas pa ng blood pressure ay kapag nasa harapan na niya mismo ang mga hard evidences (lalo na pag pirmado niya) ay ‘hindi niya alam’ tungkol dun. I therefore can say na pwede pala atakhin ng amnesia by means of psychological attacks.

Talbog na siguro ang "Itanong Mo Kay Soriano" dito.

Di na kinaya ng Senado ang nagmamatigas na mag-asawang Limot ay este, Ligot. Kumbaga sa karne, karneng kabayo sila. Hirap palambutin.

At dahil diyan, iniutos na ng Senado na kasuhan ng contempt silang dalawa.

Hindi ko na kasalanan kung almost buong populasyon ng Pilipinas ay nanggagalaiti sa galit at inis sa mga pangyayari ukol sa anomalya sa AFP. Sino ba naman ang hindi maiinis kung ang pondo na sanaiy pambili ng mga bagong helicopter at barkong pandigma ay napupunta lamang sa pagbili ng mga condominium at mga mansion sa ibang bansa? Kung karapatan nila magsabi ngĀ “Your honor, I would like to invoke my right against self-incrimination, poh”, may karapatan din ang sambayanang Pilipino para alamin ang katotohanan. Sana isipin ito.

Madami pa kayang mga susunod na tauhan na madadawit? Sinu-sino ang mapapabilang sa laglagan portion? May magsusuicide kaya (huwag naman sana, parang awa niyo na)? Ano ang panibagong alibi ng mag-asawang Ligot? May susunod ba sa yapak nila? Kailan matatapos ang gulong idinulot ng kasakiman ng mga taong gustong lustayin ang salapi na para dapat sa bayan? Maisasayos ba ng Armed Forces of the Philippines ang kanilang sistema pagdating sa pondo? Nasan ka, Elisa?

Abangan sa susunod na kabanata. Roll closing billboardšŸ˜€.

 

Hot like Mexico, rejoice!

The Air Prince

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: