Lindol at Tsunami sa Japan

3

March 12, 2011 by theairprince

March 11, 2011. Birthday ng kapatid kong si Lala (Happy birthday!). What I thought to be a fine day turned out to be a day that the world will never forget. Ok, napaka-epiko pakinggan pero totoo. Niyanig ang buong mundo ng balitang nilindol ang Japan at nakaranas ng tsunami.

My Friday morning was like every morning… well, late morning pala. Tanghali magising (pero minsan maaaga din magising hehe). Magmamadali sa kusina para maggayak ng lunch. Kung tutuusin medyo wala ako sa mood kanina nung sinundo ko si ermats sa grocery store namin. So I didn’t join with her during lunch and I already ate before I left our house. I just decided to go upstairs, lock myself in my room, and played some music while surfing the net.

As I hover on my Tweet Deck, something caught my attention. An earthquake had hit Japan this afternoon. Not just a typical earthquake but a powerful earthquake. I’m already used to see regular tweets from Earthquake Tsunamis every moment (follow it to be updated) yet one particular update alarmed me. That was no ordinary shake on earth’s crust. It had a magnitude of 7.9 on the Richter scale. Suddenly, tweets from various reliable news agencies such as CNN and BBC poured in. I knew I had to tune in to television to verify it. Kaya I rushed to my parents’ bedroom.

Magkakaiba man sa pangalan ang mga news channels (magkakatabi pa), iisa lang ang ibinabalita: breaking news about Japan earthquake. Ilipat ko mula CNN, BBC, Al Jazeerah, at kahit sa Bloomberg na puro mga graphs at stock marquees ang nakikita ko ay may video inset about the earthquake. Ipinakita ang mga video footages ng paglindol sa bansang Hapon. Kitang-kita mo ang pagyanig ng mga gusali at ng iba pang pasilidad doon. Gumegewang-gewang ang mga ilaw, pasabit, at mga appliances. Samantalang ang mga tao ay kalmado ngunit bakas sa kanilang mga mukha ang matinding pag-aalala. Kahit ako mismo na hindi pa talaga nakakaranas ng kahit slight na paglindol (sadya ba akong manhid sa mga lindol?) eh ramdam ko rin ang yanig sa Japan habang pinapakita ang mga videos.

Kahit saan ko ilipat ang tv, same item: breaking news😦

Nakatutok rin ako sa Twitter. Sunud-sunod na ang mga tweets at retweets pertaining to the earthquake. Pati ang trending topics ay patungkol sa lindol. Para akong tanga na pabalik-balik sa tv at computer. Aligagang-aligaga. Panay status ako sa Facebook at Twitter about the quake. Hindi ko rin maibaling ang attention ko sa developing news. Ang dating 7.9 magnitude ay itinaas sa 8.8 which was very frightening. Mas malakas pa sa nangyaring recent earthquake sa New Zealand which was around 7 (I forgot the exact degree pero malakas na nakapinsala ng matindi).

At ang mga susunod na pangyayari ay hindi ko kinaya.

Nagkaroon ng tsunami alarm kasunod ng earthquake. Ganoon naman ang observance pag may lindol. Pero yung nakita ko sa TV, grabe. Hindi ako makapaniwala. Parang pelikula pero ang pinagkaibahan ay totoo yung nangyayari sa pinapanuod ko. Parang mga senario sa ‘2012’ na movie. Nakanganga ako the entire time o kaya napapasambit ng ‘Oh shit’. Nilusob ng mga matataas at rumaragasang alon ang mga baybayin ng Japan. Nilamon ng pinaghalong putik, tubig, at mga debris na nadadala ang mga komunidad, lupain, sakahan, at kung anu-ano pang madadaanan ng tsunami. Basta nakakapangilabot. Kahit yung news anchor, bakas sa kanyang pagrereport ang gulat, takot, at pag-aaalala.

(Ang mga susunod na videos ay hango sa Vimeo. Please don’t copyright me.)

At dahil naganap ang lindol within the Pacific Basin or kung tawagin ay “Ring of Fire”, naging alerto ang bawat bansang nakapalibot sa Pacific Ocean. More than 20 nations were issued with tsunami alert status to prevent further casualties. Isa na sa mga bansa ang Pilipinas. Partikular na maapektuhan ang eastern coastal areas ng bansa. Kaya inalerto ng gobyerno ang bawat probinsiya na maaapektuhan. Everyone in the said coastal regions were told to evacuate for safety. Ngunit lahat ng Pinoy natakot kahit hindi nakatira sa mga nasabing lugar. Paano kung lumindol dito? Paano kung malakas ang tsunami at lumagpas sa mga lugar na nasa Alert Status 2? We never know what’s gonna happen pero iisa lang ang alam natin: sometimes, Mother Earth is a bitch.

Maapetuhan daw ng tsunami around 5 pm to 7 pm

Up to now, every geological and news agencies are on constant watch. For the sake of updates and safety.

We cannot do everything but we can do something. Tayo’y manalangin na sana tayong lahat ay ligtas at let’s also pray for Japan and for the world. The world needs our prayers.

Hot like Mexico, rejoice!

The Air Prince

3 thoughts on “Lindol at Tsunami sa Japan

  1. qwe says:

    Sasabihin mong “Mother Earth is a bitch.” tapos sabay manalangin tayo? Magisip ka nga

    • theairprince says:

      Uhm, if you find the term to be offensive, I’m very sorry. Maybe I used a wrong term or wrong statement pero ang point ko is minsan ang kalikasan ay malupit. And I’m sure you’ve come across with that usual expression about things na ‘bitchy’. It was figuratively stated lamang po.

  2. berra yo says:

    grabe … !! isa na ang mga nangyari sa japan na senyales na kapabayaan ntn sa ating kalikasan dapat nating pigilan ang mga bagay na makakasira sa ating kalikasan sa simpleng pagtpon ng basura sa tamang tapunan ay isang bagay na para maiwasan natin ang mga pagkasira sa kalikasan …

    yun lng :))
    berra marie pineda

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: