JS Prom

5

March 1, 2011 by theairprince

Bigla ko naalala: nakalipas na pala ang prom season😀 I almost forgot to write about this.

Habang ako’y nag-aayos ng mga gamit ko sa kwarto, tumambulad (naks, lalim ng Tagalog) sa akin itong lumang litrato:

Nabuhay si Dr. Jose Rizal!😀

Mukhang gago lang😀 After seeing that, I realized kung gaano ako kabaduy😀 Pero binawi naman sa ngiti. Pwedeng pang commercial ng Close Up or Colgate, kaso ngipin lang ang ipapakita. Haha😀

Naalala ko ang isa sa pinakaimportanteng pangyayari ng High School life: ang JS Prom. Promenade or ‘prom’ in short, ginaganap ito 2 beses, sa 3rd year at 4th year. Gabi ng selebrasyon, seremonya, sayawan, magagarbong gowns at coat & tie (ewan ko kung may nagbaBarong), at ng sayawan. Idinaraos ang Prom sa gabi (wala pa naman akong nalalaman na ginanap sa umaga… sige gawin sa umaga o hapon para maiba naman) at kadalasang natataon kung kailan patapos na ang school year (dito sa Pilipinas, mga around January or February yung season ng proms). Sa hotels (para sa mga schools na afford/may kaya) or sa school gym (kung medyo tight ang budget) ginaganap ito.

Nakakamiss ang prom night. Bukod sa realization kung gaano na ako katanda, samu’t saring ala-ala ang sumasariwa sa akin habang pinagmamasdan ko ang lumang litrato ko. Ang prom ay naging gabi ng kasiyahan, kulitan, kabaduyan, kahihiyan, landian, at ala-ala.

Anu-ano nga ba ang mga bagay na naaalala natin pag sinasabing ‘prom’? Halika’t magbalik-tanaw tayo.

“Can you be my partner?”

It’s always been a part of the celebration to look for someone to be your partner for the night. Well, there’s 2 ways how to get one. Nandyan ang “would you be my partner?” at ang bunutan system. Pag yayaan, ikaw ay malaya kang makapili kung sino ang nais mong makasama sa prom. Ang masaklap sa ganitong paraan ay nagkakaroon ng pogi-to-maganda, matalino-to-matalino, sikat-to-sikat combinations. May nalalabing demographic na binubuo ng mga salungat sa mga nabanggit ko. To avoid this to happen, naisip nila na magkaroon ng bunutan para fair sa lahat at para magkaroon ng partners ang each and everyone. Kaya swertihan na lang kung mapunta sa iyo ang mga campus heartrobs at crushes.

Hindi ko maalala kung sino ang mga nakapartner ko pero isa lang masasabi ko, mas nag-enjoy ako na mapag-isa😀

Pre-prom Prep

At dahil isang pormal na okasyon ang prom, we want to dress to get stressed, I mean, to impress. Imagine Oscars night na walang Oscar trophy. Syempre matinding preparasyon ang ginagawa ng bawat aattend. Merong todo asikaso ng pagpapatahi ng damit na kulang na lang ay ibenta ng magulang ang kalabaw nila sa probinsiya para magkaroon ng Swarovski crystals ang bodice (WOW, WHAT’S BODICE? SAGOT: PLURAL FORM NG BODY! HAHA!)

Naobserbahan ko na habang papalapit na ang prom season, aligaga na ang mga babae kong classmates. Instead na notebooks ang nakikita ko sa mga desks nila, mga prom month issues ng Candy or Meg Magazine ang pinagpipiyestahan nila. Tapos maririnig ko “Uy, girl ganito gusto kong gown!”

Sa amin namang mga guys, coat ‘n tie lang naman (syempre kasama slacks, ampangit kapag hubo kami haha) dahil karamihan ay mas interesado pa sa makakadate or makakapartner. It’s an option kung bibili or magpapatahi or hihiram na lang sa kani-kanilang erpats. Hindi rin mawawala ang pagpapapogi. Kaya expected na malaki kita ng Johnson n’ Johnson at ng mga derma clinics (at PRESCRIPTO!)😀

Cotillion

Isa sa mga noticeable element ng prom ay ang cotillion. Ito ay grupo ng mga mag-aaral na naatasang sumayaw. Binubuo nito ng mga magagaling sumayaw (pero kadalasan nauuwi sa mga may itchura). Weeks before the prom ay kaagad na sila nageensayo ng waltz (pinakasikat na sayaw for prom). Kaya huwag magtaka kung minsan ay excused sila sa classes, may practice sila.

I’m proud to say na naging part ako ng cotillion noong senior prom ko. Yun nga lang, tila naging eksena ng Beauty and the Beast kami nung partner ko… ako yung si Beauty. Joke😀

Arrival

And here comes the main event. Gaya ng nabanggit ko na, parang Oscars/Academy Awards ang prom. Isa-isang nagdadatingan ang mga students sa venue hatid ng kani-kanilang mga sasakyan. Habang papasok ng entrance at binabagtas ang lobby (at ang red carpet kung meron), hindi mawawala ang mga eksena gaya ng “Uy! Nice one! Ang ganda/gwapo natin ah!” sabay apir/beso-beso. Walang kahit anino ng school uniform ang makikita mo. Mga kumikinang na evening gowns at plantadong coat ang bumibida sa gabi.

Hassle sa mga wala pa sa venue dahil naipit sa traffic. Tip lang dyan: one day before prom, pag-aralan na ang alternative routes papuntang venue. Use Google Map. too bad nung panahon namin, walang Google Map, pero may driver naman ako na halos kabisado lahat ng pasikot-sikot ng Metro Manila😀

Prom Fashion: Best and Worst List

Pabonggahan ang labanan sa prom. Inuulit ko, parang Oscars lang😀 At hindi lang sa mga sasakyan uso ang coding, pati sa damit may color coding. Pink sa juniors while blue for seniors. Labanan ng mga gowns at coat n’ tie (bihira lang nakita ko na nag Tuxedo).

May tila pwedeng isama sa Red Carpet Best Dressed List. Merong naligaw at dapat ibukod for bridal wear, may iilang parang pupunta lang ng sagala/Flores de Mayo, or yung damit nila parang tinagpi-tagping kurtina lang. Yung ibang lalake parang kulang na lang kahawig na ni Zorro o ni Sergio (at susuklayan ang dibidb dahil mas piniling hindi mag necktie at open button ang polo) or mukhang football player sa laki ng coat.😀

At ang mga hair and makeup. Salamat sa foundation at nawala ang mga teenage pimples. Yung iba di ko maintindihan. Nagmukhang drag queen or espasol. Tapos yung buhok pinaliguan ng hair gel (di pa uso ang wax noon).

Doon mo rin masasaksihan ang mga major transformations na di mo aakalaing mangyayari. Say for example, yung tomboy mong batchmate ay naging mas babae pa sa babae samantalang ang isa mong kabatch na babae ay tinalbog pa si BB Gandanghari. Yung nerdy mo na kaklase ay parang pwede na ipantapat kay Richard Guttierez. Samantalang ako ay parang bibitayin sa Bagumbayan😀

Ceremony

Isa sa mga ayaw ng mga estudyante ang mga programs. Boring at nakakaantok… well, depende sa nagsasalita at sa pinag-uusapan. At hindi mawawala sa prom ang ilang oras ng rehearsed na salita at programmed na palakpakan.

Nandyan ang mga speeches: class testimonial, class prophecy, class history, at kung anu-ano pang gimmick. Kulang na lang mag-roll call at magcheck ng attendance on the spot.

Naging biktima ako ng speech block. During 3rd year, I was assigned to receive the key of responsibility. Nag rehearse ako ng todo sa speech ko at pagdating sa mismong event, my mind went blank at nagmukha akong tanga sa stage. Sana nag thank you na lang ako😀

Prom King and Queen

Di mawawala ang most-coveted awards of the night: Prom King and Queen. Meron ding Prince and Princess for juniors. Everyone wants to win the titles, kahit principal niyo gusto manalo. Kaya todo porma at poise ang bawat isa dahil umaasa sa awards.

Ansarap ng feeling pag nominated ka. Tinatawag yung pangalan mo tapos pupunta ka sa harapan kasama yung mga katunggali mo. Parang Miss Universe/Mister World ang eksena. Wala nga lang swimwear round at Q&A portion. I was nominated as Prince of the Night on my Junior prom. Pero feeling ko it was out of pity dahil napahiya ako sa speech ko.😀

Picture Picture

Dati hindi pa uso ang digicam. We had de-film pa. Mangilan-ilan lang ang may digicam noon. Bago pa nauso ang memory card sticks, meron kaming film roll na kelangan mo pa pumunta sa Kodak para ipaprint.

Syempre, likas na sa ating Pilipino maging sa ibang lahi ang kuhanan ang mga pangyayari sa ating buhay. At likas na rin sa atin ang maging vain. Aminin mo, kinukuhanan mo rin sarili mo😀 Kaya sa prom, kaliwa’t kanan ang picture taking. Parang kumikidlat sa paligid. Kaya ayun, pag nadevelop na ang photos, mukhang espasol😀

At di mawawala ang mga offical photographers ng prom. Kukuhanan ka habang nakain, nasayaw, nagsasalita, at iba pa. Tapos yun pala kelangan mo bayaran para makuha, eh mapipilitan kang kunin dahil sayang at baka pagnasahan ka pa. Negosyo talaga.

Sayawan na!

Matapos ang napakahabang salitaan, handa na ang dancefloor para sa sayawan. Yugyugan na! It’s a great way to end the night at para sulitin ang miscellaneous fee/prom fee. Ipapatugtog ng DJ (or sound system man kung di afford) ang dance playlist. Ang minsa’y engrande at pormal na ballroom ay mapupuno ng naglalarong mga ilaw mula sa mobile lights. Nagmistulang club ang lugar.

Dito, pantay-pantay ang lahat. Magsasama ang sanay sumayaw at parehong kaliwa ang paa. Walang pakielamanan basta’t sumayaw ka. Meron pa ngang magshoshowdown at hindi mawawala ang human train na halos iikutin ang buong lugar.

Tapos, magpapatugtog ng love songs. Matitira ang mga magkasintahan at M.U. lang.

Gala after prom

Ika nga, hindi sapat ang isang gabi para magsaya. Ang prom ay gabi ng kasiyahan at panahon para mag-enjoy ng walang exams, assignments, at recitations. Kaya nakakalungkot isipin na kelangan matapos ang gabi bago mag-exceed na ang bayad ng school sa hotel/venue.

Kaya ano ang gagawin? Habang ang iilan ay magpapasyang umuwi, ang iba ay may agenda pa after the prom. Maaaring kakain sa 24 hours restaurants, magkakape, pupunta sa bar or club, or kung saan-saan pa. Dati noong buhay pa ang Baywalk, dito karamihan sa amin nagsipuntahan (since malapit ang hotel dito).

Samantala, yung iba sinamantala na ang gabi. Alam niyo na ang tinutukoy ko😀

………..

Minsan lang dumating sa ating buhay ang prom. Dalawang beses lang sa buhay High School. Kahit nakakahiyang balikan, masaya pa ring isipin. Masayang tignan ang mga pictures at pagtawanan ang sarili dahil totoy at neneng pa mga itchura natin.

Kayo, ano experiences niyo sa prom? Share niyo naman🙂

Hot like Mexico, rejoice!

The Air Prince

5 thoughts on “JS Prom

  1. skysenshi says:

    You have a nice smile so keep smiling. LOL. Parang slum book comment eh.😀

  2. qwertyatty says:

    “Bukod sa realization kung gaano na ako katanda…”

    Hahaha… Aminado…

    Peace, Kuya Tones…

  3. qwertyatty says:

    “At di mawawala ang mga offical photographers ng prom. Kukuhanan ka habang nakain, nasayaw, nagsasalita, at iba pa. Tapos yun pala kelangan mo bayaran para makuha, eh mapipilitan kang kunin dahil sayang at baka pagnasahan ka pa. Negosyo talaga.”

    Oo nga Kuya Tones… daya-daya talaga… todo ngiti ka pa ‘pag piangiti ka, tapos may bayad pala… Hahahaha!

  4. don says:

    Haha grabi sobrang relate ako dto. Malapit na po kasi yung prom namin. Which is more stressful para sa akin kasi kasama ako sa cotillon. Mas madali nga lng talag maghanap ng isusuot ang mga guys unlike sa girls. Ayos po ito! Btw graduating nako, mami-miss ko talaga ang hs life ko😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: