Team Building With Exploristas

2

February 22, 2011 by theairprince

Bilang isang Explorista (tawag sa miyembro ng Asia Pacific College Explorers’ Club), sinusubukan kong sumali/sumama sa mga activities at mga lakad kahit ako’y wala na sa school at di na nag-aaral. Ganun talaga pag mahal mo ang isang organisasyong napamahal na sa iyo. Proud ako na ako’y napabilang sa isa sa mga bukod-tanging samahan sa APC.

Last February 13 (Sunday), before Valentine’s Day, naisipan kong sumama sa Team Building ng Explo sa Tanauan, Batangas. Niyaya rin ako ng mga current members at officers and medyo matagal-tagal na rin akong hindi nakakasama sa kanila kaya hindi ako makatanggi. Naisip ko rin na magandang opportunity yun para makilala ang mga new members dahil hindi ako pinalad na nakapunta sa unang General Assembly last year. Plus, pre-Valentine’s treat na rin ito for me and for them🙂

At di pa sila nakuntento. Gusto pa akong bigyan ng waiver. Nang-aasar? Haha.

As usual, late na nakaalis kami ng school. Usapan was 6:30 AM. Nagising ako 6 AM. Nagmadali akong humabol sa mga naiinip na mga kasama sa lakad. Pagdating ko ng school, wala pa si Ms Mynne (adviser namin). Hindi sinasagot ang mga tawag at text namin sa kanya at sa mga officers na nauna na sa venue. It took us almost 2 hours bago makontak namin ang both parties. Funny thing was when we finally contacted Ms. Mynne, mukhang nasa dreamland pa siya. Kakagising lang niya nung tinawagan namin siya. Since nandun na rin naman ako bilang ex-officer, I helped the other officers to make a decision. After few minutes, we decided to leave the school para makarating na rin kahit papaano. Susunod na lang daw si Ms. Mynne (na iniisip ko, ‘Seryoso talaga si Ms Mynne?’).

Meeting place at APC. At inabutan na kami ng Haring Araw😀

Nakasakay kami sa rented jeep at binagtas ang kahabaan ng South Luzon Expressway. At dahil nga jeep ang sinakyan namin, nagmistulang libreng hair blower at powder foundation ang inabot namin, yun nga lang hindi match sa skin tone ang alikabok na kumakapit sa mukha namin😀 Habang papunta kami, karamihan sa amin bumabawi ng tulog, yung iba kumakain, at samantalang ako’y di ko maiwasang mangtrip at magpatawa😀

Bago kami makarating ng exact location ng resort, nakailang ‘ay hindi rito yun eh’ moments kami. Ilang ikot at atras ang nagawa ng aming sasakyan. Salamat na rin sa mga taong tumulong sa amin para marating ang resort. At huwag kayo. Kasama pala namin si Dora the Explorer na nasa katauhan ni Lyca😀 Yun nga lang, mukhang pumalya ang map niya😀

We arrived there (I forgot the exact name of the place) by around 10 AM. Maganda yung place, sa totoo lang🙂 Hindi ko ineexpect na ganoon siya kalaki at very appropriate for team building at the same time for relaxation na rin. We were greeted by some officers and members na mukhang antok pa and then we settled for few minutes before orientation courtesy of Lei Solas, my ‘daughter’ at dating President. She told us kung ano ang mangyayari that day and our team building will be composed of series of tasks. Then we were grouped (sumali na rin ako para maiba naman) by 3 teams. The 3 leaders were Basil (Group 1), me (Group 2), and Mon (Group 3).

Briefing after our long biyahe🙂

Kumuha pa kami ng uling sa impyerno. PAK😀

Syempre, tulad ng mga kasambahay... kwentuhan habang hinihintay maluto ang pagkain😀

Our first task was to prepare food for lunch. Pasimple pa eh. Ayaw pa sabihing ‘kayo na lang magluto, please?’ Joke😀 Each teams were assigned to cook something: tokwa and adobo (Group 1), inihaw na manok (Group 2), and rice (Group 3). My teammates were worried kasi medyo mahirap yung amin, while Mon was very confident dahil saing lang naman yung gagawin. I told my team na with the right elements, maluluto namin ng masarap ang inihaw na chicken. After an hour, kami ang unang natapos. Yung sinaing medyo pumalya at yung nagluluto ng adobo nagkaproblema dahil sa stove at yung lasa. Inabot kami ng ilang oras bago makakain (nang dahil sa patuloy na pagpalya ng sinaing haha!). By around 2 PM, nakakain na rin kami sa wakas. Masaya yung kainan kaso nakalatag sa malalaking dahon ng saging yung pagkain. Ang di maganda lang was andaming natirang kanin. Medyo karamihan sa amin nabigla sa pagkain. By that time, dumating na rin si Ms Mynne kasama yung only son niya na medyo wala sa mood (pero suot ang bagong biling sapatos courtesy of his Mom.)🙂

BOODLE FIGHT! Sa wakas, kainan na!

We finally started the team building dynamics after lunch. The next challenge was to make the group cheer under time constraint. Dito nagpatagisan ang bawat group. For our group, we did a ‘bus ride’ for intro (bus is the famous icon of Explo) with matching hydraulic-exhaust-ng-door sound effects by Jhandi, then we spelled E-X-P-L-O out loud. The best part was nung may extra 10 seconds pa kami, we just yelled “Yahoo!” para lang makain yung natitirang time😀 Salamat dahil kami yung napiling best cheer so we were awarded 100 points🙂 Laughtrip si Basil kasi laging lumalapit sa group namin at ‘bumabalimbing’😀

DO NOT DISTURB. Each team busy composing team chants🙂

My Team🙂

Next challenge was yung ilulusot yung straw sa 2 bottles of Coke. I picked Tryxzy, Eunice, and Eyem. Saludo ako sa kanila lalo na kay Eyem, walang hirap… effortless sa paglusot haha!😀

The last task was a series of  mini-challenges that will be done by selected people per team. Meron hanapan ng piso sa swimming pool, tapos kakain ng calamansi, then hahanapin yung question sa parang garden ng resort (which took us very long! Nakakastress! Pero kudos pa rin kay Serfederic🙂 ), tapos yung last task was to sing the official jingle ng Explo (na medyo nakakahiya dahil hindi ko na kabisado masyado yung lyrics haha!). But eventually, our group won. Sa wakas, nakaranas na rin ako ng pagkapanalo! Malaking pasasalamat ko rin dahil kung nagkataong kasama si Rain (former president and co-officer ko), hindi ko siguro malalasap ang tagumpay. Joke😀 Pero we all did great🙂 Super fun ng challenges na hindi na namin naisip ang group-group. Kaya after the games, sabay langoy-langoy sa swimming pool na napagkalamig. Brrr…

Explo Tradition: losers lusot! With participation of Ms Mynne😀

Kung kayo po'y nakita ang taong nasa larawan, maari niyo pong ipagbigay alam sa DSWD🙂

Khim and Me with my bestfriend's creation🙂

Tanong: Sino mas gwapo? Sagot: NONE😀

Ganito ang tamang pagkanta at lyrics ng “Astig Ang Explo” song🙂

 

We left the place by around 7 PM (medyo nagtagal dahil mababagal mag-ayos yung iba while some of us ay nilasap ang huling sandali sa lugar). Nakakatawa nung pauiw kasi nagmistulang sardinas kami sa jeep (since nadgdagan na kami). Kulang na lang magdedeliver na kami ng karne sa mga palengke😀 At dahil overloading kami, one of the tires went flat while we were passing by Cabuyao exit. Nakakasar na nakakatawa kasi yung jeep walang jack para maayos yung gulong😀 We had to wait for Kessler’s car to come and save us. Habang inaayos yung gulong, syempre di maiwasan ang picture taking, tawanan, kulitan, at churvahan (ng mga magkaloveteams hehe). After minutes, sa wakas at naayos din ang gulong. We finally left their and headed to APC but some of us decided to be dropped off at Bicutan dahil hassle para sa amin kung babalik pa sa school. At umuwi akong gutom😀

Di lang pala sa isla na-iistranded😀

Thanks to Explo for inviting me. Salamat sa kulitan at memories. Sana invite niyo rin yung dating members at ex-officers. Continue to expand minds, extend hearts, and experience the spirit (naks, umiislogan pa! HAHA!) Till the next activity (if I’m free)🙂

Salamat pala kina Dayan, Trish, at kay tugs sa mga pictures🙂

Hot like Mexico, rejoice!

The Air Prince

2 thoughts on “Team Building With Exploristas

  1. skysenshi says:

    Parang ang saya naman niyan.😀

    • theairprince says:

      Sinabi mo pa🙂 Super saya na para sa akin hindi enough ang isang araw. And the place was super nice🙂 Ang ganda nung resort, too bad I forgot to ask the name. Si Lei may alam🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: