Mommy, I Hate Medicine!

1

February 16, 2011 by theairprince

I want Swiper to help me drink that! ©from More4kids

Sabay tapon ng gamot. Inatake ng tantrums.

Andrea, my lil sister is sick today so she was fetched earlier than her dismissal time. She has sore throat and mild fever. Kanina, after ng family dinner namin, pinainom ko siya ng Tempra for Kids na orange flavor. Hanggang ngayon, she was like receiving an injection when taking medicine. Napakaduwag. Pepreno pa bago lumanding ang kutcharita sa labi niya. Kukuha ng isang basong tubig para in case na hindi niya trip yung lasa eh maimumog niya. Andaming segue, iinom lang ng gamot😀 Pero salamat dahil medyo hindi siya duwagin ngayon unlike before. She’s 10 years old already. Dati, iiyak iyak yan. Niluluwa or sinusuka yung gamot. Pahirapan ang ermats ko sa pagpapainom ng gamot sa kanya.

Which reminds me of myself when I was a kid.

*flashback FX… dapat sepia ang vision para feel na feel (Nakakagago eh, sepia… parang sinabi na nabuhay ako noong dekada 70.)*

Pahirapan din ako pagdating sa pagpapainom ng gamot. Noong bata ako, kadalasang sakit ko noon is lagnat, sipon o ubo. Di uso sa akin ang hika; ni hindi ko nga alam ang pakiramdam ng may hika, though nasa lahi namin ang hika (dati naiinggit ako sa mga nagneNebulizer kasi parang astig hahaha). Kaya ang tipikal na remedy for fever/flu is syrup medicine. Noon, takot na takot ako uminom ng gamot. Ang mga pinapainom sa akin noon was yung mga hindi masasarap ang lasa. Yung iba anlapot, kasing lapot ng laway ng asong tinamaan ng rabies. Idagdag mo pa ang martial law vibe ng ermats ko. Sino ba naman ang hindi matatakot uminom ng gamot? Syempre bilang batang pasaway, aayaw-ayaw ako noon to the point of crying na ako. Tipong nagmamakaawa ako. Eh alam mo naman ang dakilang nanay ko, di papayag na hindi ko iinumin ang gamot. Ang mangyayari pwersadong inuman. Parang nagpeperform ng exorcism ang nanay ko, kulang na lang maglabas ng bibliya siya para mainom ko yung gamot. Pag niluluwa ko yung gamot, go back to step one kami ng nanay ko sa exorcism rites😀 Pero I’m sure she did it just to make me feel better and get well soon, yun lang nakakatrauma.

“MY MOTHER SUCKS JELLYACE IN HELL! ARGH!!!” ©World Film Guide

Kaya ako kinakabahan pag naging parent na rin ako. Baka mapasa ko ang tradition.😀

How do you deal with kids when it comes to taking medicines? Kanya-kanyang diskarte ng mga magulang at pediatrician ang pagpapaintake ng prescribed medicines. Yung iba dinadaan sa mabuting usapan. Yung iba katulad ng ermats ko. Haha joke. Marami akong nakalap na mga tips para mapadali ang pagpapainom ng Tempra For Kids and the like sa mga chikiting:

A drop will do the trick🙂

  1. Gumamit ng dropper at iwasan ang bitter taste buds. Though as far as I know, nadebunk na ng mga dalubhasa ang theory na may certain taste areas sa ating mga dila, many still rely on this approach. Instead of directly putting the syrup on the tongue, and using teaspoons/tablespoons (di po tayo magluluto, ok?), gumamit ng dropper at itapat sa cheek pouch. Not only it will hard for them to spit out, kids will taste the medicine lesser.

    Bukas... luluhod ang mga tala sa Korea!

  2. Gayahin si Jang Geum. Alam niyo yung Jewel in the Palace na Koreanovela? Kung hindi, malamang Kapamilya kayo😀 Kidding aside, story siya ng isang babaeng naging nurse ng palasyo sa Korea noong sinaunang panahon. Sa isang episode, nagkasakit ang queen mother at ayaw kainin ang bawang (one best herbal remedy) para siya’y gumaling. Dahil nagsimula bilang tagapagluto si Jang Geum, ginamit niya ang kanyang kaalaman sa kusina para mapagaling ang reynang malubha ang kalagayan. Inihalo niya ang bawang sa pagkain. Kinain ng reyna ang inihandang pagkain nang hindi namamalayan na may bawang. Syempre, gumaling ang lola niyo. So alam niyo na ang essence ng example ko? Learn to camouflage the medicine🙂

    Red Horse pill, ITO ANG TAMA!

  3. Pumili ng masarap na flavor. Baka naman kaya ayaw inumin ng inyong mga anak or batang kapatid ang mga gamot ay dahil lasang chemical or lasang suka ni repackage lang. Mismong ikaw di mo rin maiinom dahil sa di kaaya-ayang lasa. Subukang pumili ng mga fruit-flavoured medicines or chewable tablets. (Teka, buhay pa ba yung Flinstones Chewable Vitamins???)

    Bimby: "Mommy, can I crack Tito Noynoy's egg?"

  4. Deal or No Deal. Di mo kelangan si Kris Aquino (pabayaan mo na siya sa The Price Is Right), si Banker, at ang 26K girls dito. Kung ayaw inumin ang gamot, subukang kausapin ng masinsinan. Iparamdam mo sa kanya na kelangan niya inumin para gumaling siya kaagad. Subukan mong makipagdeal na magiice cream or bibilhan mo siya ng maliit na reward. And that not includes PSP.

"Moh-meh... I feel HAWT!" (Sana ganito kadali na lang ang pagpapainom ng gamot haha)

Ayan at sana ay may napulot kayong mga tips sa pagpapainom ng gamot sa mga batang pasaway. Visit these sites para sa karagdagang kaalaman: Parents.com and Better Parenting. At kung ayaw pa rin niya inumin, problema niyo na yan! Joke! Try to seek help from his/her physician/pediatrician🙂

Kayo? Do you have any tips and similar experiences? Share naman🙂

Hot Like Mexico, Rejoice!

The Air Prince

One thought on “Mommy, I Hate Medicine!

  1. maridel juan says:

    ang anak qoh ay 3yrz old..cguro mg 1 wik nang sia ay ma confine..dhl s ubo.lagnat.cpon at pgsusuka nia..tp0z d nia p iniin0m ung gm0t n reneseta s knia..tlgang ph!rapan..1yr old plang yang anak qoh,phirapn n tlgng painumin ng gm0t.as in sinusuka nia lang,d nia p nga ntitikman.nsusuka n tlga sia,,kya ngdcide aq n ic0nfne na sia,pr itutus0k nlang gm0t sknia.mga aftr 3days,pnauwe n kmi,,pero shock aqoh,ngsu2ka pdn anak qoh,.dp dn inin0m ung nereseta s knia..help nman,pn0h qoh b mpapain0m ng gm0t ang anak qoh,ng d sia msusuka?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: