Nothing’s As Good As YOU ♥

1

February 15, 2011 by theairprince

Alam mo yung salitang KILIG?🙂

Akala ko alak lang ang nagpapahang-over.🙂

Last night while I was busy doing my blog post about my love songs playlist for Valentine’s Day, I veered away from my PC screen for a moment and grabbed my phone to greet someone a Happy Valentine’s Day. I’m not fan of massive text greetings recently (well, unlike before eh kulang na lang maging Public Announcement Officer ako sa lahat ng contacts ko para mag-announce na may darating na bagyo). And I was too lazy to do it. Pero there’s this certain contact of mine that I only greeted. Nagbabakasakali ako na sana matanggap niya yung message ko and mabasa niya.

I was almost half my way finishing the last paragraph when my phone beeped. Akala ko it was a text from my network, telling me my unlitext had just expired. And then to my surprise, it was her response.🙂 She greeted me also. ♥

Alam mo yung feeling na nakangiti ka bigla out of nowhere? I may looked tanga pero super galak at kilig ako at the same time. Di ko kasi aakalain na magrereply siya. Nawala yung attention ko dun sa mga tinatype ko. Since I was already caught in a  moment of lovely bliss, hindi ko pinalagpas yung pagkakataon na kausapin siya at kamustahin. Medyo matagal-tagal ko na rin siya hindi nakakausap at nasisilayan ang kagandahan niya. Pero gayunpaman, naramdaman ko ang aura niya. Parang nakita ko siya bigla tapos umupo sa isang tabi and nag-usap, yun nga lang mga minutes ang agwat ng bawat response namin😀 Sisihin ang network, kung hindi magpapatayo ako ng sarili kong tower ng Globe! Haha🙂

Alam niyo yung feeling na hindi mo mabura yung mga text coming from someone kahit emoticon or super tipid ang text, to the point na pilit kang burahin ang ibang texts from others? Nagtanggal ako ng ibang text messages para lang maaccomodate yung mga incoming text niya. Sensya na sa mga may-ari ng mga text messages hehe. Ayun, kinamusta ko siya tapos pasimpleng joke na may ka-date ata siya last night. Sabi niya wala naman daw ’cause she was too busy. Basta napag-usapan namin yung tungkol sa work niya, na stressed lagi siya. I told her na huwag niya sana kakalimutang alagaan yung sarili niya and magpahinga siya. Basta super saya ko nun na halos kalimutan kong tapusin yung blog ko.🙂

I hated to cut our conversation pero kasi medyo late na kaya I sense na pagod siya and she needed to take some rest. So I greeted her once again and I even convinced her to go out with our common friends kasi miss na miss ko siya, ay este, sila🙂 I said ‘God Bless and ingat’ and she responded ‘Same to you’. ♥

Feeling ko kahit wala akong kaValentine yesterday (I just slept the entire day since the weather was too cool and sleeping on my bed was so cozy), parang nakipagdate na rin ako sa kanya. Ops, friends kami and wala pa naman sa stage na liligawan ko siya. Pero hindi ko mapigilan na magkagusto ako sa kanya at maadmire/mainspire sa kanya. Isipin niyo, we’ve been friends for about 5 years na pero nagpapakatimpi ako. In short, TORPE ang lolo niyo.😀

Anyway, masaya ako na friends kami at siya ang nagiinspire sa akin. Nothing’s as good as you. ♥


HAPPY VALENTINE’S DAY ♥

Hot Like Mexico, Rejoice!

The Air Prince

One thought on “Nothing’s As Good As YOU ♥

  1. YanaH says:

    Eh bakit kasi hindi mo subukan?
    hahahaha
    malay mo the feeling’s mutual pala between the two of u diba?
    you’ll never know unless u try.
    hihihi

    ayun.. natisod lang dito sa site mo from somewhere hahaha…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: