Where’s Your Manager, PLDT North P’que Office?!

Leave a comment

January 4, 2011 by theairprince

Nakaranas na ba kayo ng mga sumusunod na eksena?

  • Nagpapagupit ka. Imbes na matapos on time yung paggugupit sa’yo eh nanunuod ang hairstylist mo ng afternoon drama program sa TV sa salon. Tapos, in-explain mong mabuti yung gupit na gusto mo pero hindi nasunod yung gusto mo. Ang masaklap, inahit yung sideburns mo ng walang consent…
  • Nag-rent ang family niyo ng isang private pool resort na medyo may kamahalan. Maganda yung lugar. Pero yung inidoro at lababo sa banyo barado. Mahina yung tubig sa faucet (WOW ENGLISH!). Walang TV sa bawat kwarto. At sana hindi tinawag na ‘adult pool’ kung nakakalangoy yung mga minors/kids all by themselves…
  • Umorder ka ng ice cream kasama ang value meal. Paglabas mo ng establishment, hindi na-punch ng cashier yung ice cream mo/wala ang ice cream mo…
  • Araw ng enrollment. Mahaba ang pila sa bayaran. Andaming tao. Dadalawa lang ang bukas na window. Imbes na mapabilis ang paibsan ang dami ng nagagalit na tao eh nagawa pang magchikahan at kumain ng merienda habang nagtatrabaho. And eto pa. Yung isang cashier biglang tatayo dala-dala yung toiletries niya at lalagyan ng “CLOSED” panel ang bintana niya…

Ako naranasan ko na lahat yan. Nakakairita no? Nakakatuyo ng dugo (At pwede na gawing ‘betamax’ at itinda sa lansangan. Ewk.). Kulang na lang magtransform ako bilang si Incredible Hulk (actually hindi na kelangang mag-ibang anyo, mukha na nga eh. Haha nilait ang sarili!). Iilan lamang yan sa mga eksena sa buhay na kung saan tayo, bilang consumers/buyers, ay di natutugunang mabuti  ng mga producers/sellers sa pamamagitan ng mga produkto/serbisyong ating binabayaran. Mapasari-sari store hanggang sa mga high-end malls, problema na ang dissatisfaction ng mga consumers. Maaaring dahil sa may langaw sa pagkain, butas ang damit, expired na de lata, walang kwentang pelikula, or kahit sa  pakikitungo ng mga salespeople.

Okie. Parang review mode tayo sa Marketing Management😀

The customer is always right. Iyan ang ultimong panlaban sa patakaran ng kalakaran; mantra ng mga shopaholic. Ngunit ako ay tumitingin din sa ibang perspektibo. Dahil biniyayaan tayo ng kalikasan ng merkado ng karapatan, may iilan sa atin na inaabuso ito. Kaya para sa akin ay dapat “the customer HAS the right”. Panuorin ang video sa baba para maintindihan niyo ang gusto ko ipahiwatig.

Ngunit kanina, habang ako ay nasa PLDT North Parañaque Business Center sa Doña Soledad Avenue sa Bicutan, Parañaque upang magbayad ng bills, naramdaman ko ang urge para gamitin ang karapatan ko para umalma sa di magandang serbisyo ng nasabing establishment.

I arrived there at around 2 PM (2:22 PM to be exact, see the photo below). Medyo impressed ako sa office dahil fully renovated yung business center. I have been paying there for almost 6 years and I have negative remarks for that office. Yung dating opisina ay medyo may kalumaan na and yung billing process ay medyo may kabagalan. Pero ang pinakaayaw ko sa lahat was the slow pace of payment process. Dati inaabot ako ng almost 2 hours bago matawag ang number ko. Kaya I developed this feeling na tamarin magbayad ng bills lalo na pag temporarily disconnected. I had to fall in line to pay the bills to assure that the payment has been made at para mareconnect kaagad ang linya (at utos kasi ni ermats).

Kaya kanina, when I saw the newly furnished office, I had high hopes of better and improved service. Maaliwalas na yung office compared sa dati. There are 6 Customer Care desks and enough seats for the customers. I seated at the back near the window and waited for my turn. My number was 1075 and on the screen the cue number was 1052. Almost 20 customers were before me pero relaxed pa naman ako. And I assumed na yung ibang numbers lalampasan dahil baka umalis na yung number bearer, so mapapabilis ang pagtawag sa number ko.

Uy galing ah? 2:22 PM kaso dapat sa February 2, 2022 sana :))

Renovated PLDT North Parañaque office. The look is great, the staff sucks😛

Lumipas na ang i hour at mabagal pa rin ang usad ng numbers. Yung iba sa amin nagpapakita ng mga pasimpleng dabog at inis like tapping the foot, nagkakamot ng ulo, lalabas at papasok ng ilang beses, etc. Ako naman ay pa-cool since before nasanay na ako and medyo nilalasap ko ang freedom ng nasa labas ng bahay (lagi kasi ako nasa bahay eh). Lumipas pa ang maraming minuto at parang traffic sa EDSA ang galaw namin. I was starting to get pissed off na rin. Medyo may kabagalan ang mga Customer Care clerks ng PLDT, or sadyang binabagalan ata nila.

Wala ako magawa kundi magalit sa kaloob-looban ko. Ayoko magwala no? Pero alam niyo yung feeling na magmukha kayong sundial sa tabi ng bintana, inoobserbahan ang unti-unting pagbaba ng araw? Hindi ako mapakali na para akong natatae kanina habang halos tubuan na ako ng ugat sa kinauupuan ko. And this sparked my inner temper even more: 2 lady clerks, all of a sudden,  went back for an unknown reason! So naiwan na lang ay 2 nag-aasikaso (4 lang pala sila contrary to having 6 desks: yung isa absent ata tapos unoccupied talaga yung #6 desk). Lalong bumagal ang usad dahil na rin sa mga Senior Citizen! I’m not against them but the way the office control the flow was very disappointing.  Few minutes had passed at wala pa rin ang mga loka-loka. Buti at may isang concerned na fellow customer (pero she looked bitchy rin ah) ang tumaya at hinanap ang security guard (at yung guard ay nakakaasar dahil kung saan-saan siya napunta. Yung totoo, habul-habulan???) para magreklamo. Nung nakita na niya yung gurad sa labas, she immediately ranted about the slow progress. Pinapanuod namin silang 2 from inside. After that, pumasok yung girl then medyo may sinabi na ‘nasa break daw’. Wow, may gana pa silang magbreak in time na maraming tao! Can’t they wait for their merienda muna and finish their tasks first? And they came back for about almost an hour, looking like walang nangyari at wala silang pake sa aming mga galit na costumers.

I thought the place has changed but I was mistaken. Nagbago yung itchura ng place pero yung sistema nila, same as before. Kung may suggestion box lang ang PLDT kanina, ako siguro ang makakapagsulat doon (since usually hindi pinapansin ang mga suggestion boxes di ba?) at irereklamo ang kabagalan at hindi magandang asal ng iba sa mga staff. If they desire for costumer satisfaction, they have to render their service well.

Bagal na nga ng connection ng DSL... bagal pa ng usad ng pila😦

 

Do you have similar experiences? Share niyo para mainis tayo lalo! HAHA!

Hot Like Mexico, Rejoice!

The Air Prince

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: