Natuto Ako Sa “2010”

2

January 1, 2011 by theairprince

Parang kahapon lang nagcecelebrate lang tayo ng Millennium 2000, tapos ngayon tapos na ang 2010. Naka-isang dekada na pala tayo sa bagong milenyo.

Pasensya na kung ngayon lang ako nakapagblog. Sinulit ko ang mga nagdaang araw para ako’y mamahinga’t mag-enjoy sa napakalamig na panahon. Grabe, 28 degrees Celsius ang recorded temperature here in Metro Manila! Cool ang weather: feels like London (Bakit nakapunta na ba ako dun? Eh hindi pa nga ako nakakalabas ng Luzon eh haha!). Sarap magpainit. Sarap mag… kape (Ayan na naman mga utak niyo ah? Bagong taon na!)😀

Di niyo ba nararamdaman? Habang patagal tayo sa mundo at nagkaka-edad na si Mother Earth ay tila bumibilis ang takbo ng oras?  Para bang nangyari ang lahat noong 2010 sa loob lang ng 24 oras. Yung totoo, nagmamadali/may hinahabol na deadline? Deadline ng Apocalypse? Huwag naman sana🙂

Daming nangyari sa buhay ko nitong 2010. At kung ilalahad ko rito ay aabutin tayo hanggang Pasko ng 2011😀 Pero gayunpaman, masasabi ko na sa mga pagkakataon at pangyayaring naganap sa akin, ang taong 2010 ay Year of Biggest Lessons. Kahit tapos na ako sa obligation ko bilang student sa paaralan, tila parang naka-enroll pa rin ako sa isang major major pain-in-the-ass subject course na sakop ang 24 units (overload pa). Naka-enroll ako sa aking buhay. Tindi ng professor ko: ang aking mga experiences. Full sched ako that year: puno ng ups and downs🙂 Hindi ko po maitatanggi na naging challenging sa akin ang term ko. Para bang puro assignments at quizzes ang bumubungad sa akin araw-araw, gabi-gabi. Kahit sa panaginip ko ay di ako pinatawad. Buti hindi ako dinalaw ni Grim Reaper, sana si Angel Locsin ang dumalaw *sabay tugtog: ♫ In New York, concrete jungle WET DREAMS… ♫ LOL*

Last 2009, I enrolled at subject course “2010” with an excited and positive mindset. Para akong batang nag-enroll na sabik pumasok sa eskwelahan dahil gusto niya gamitin ang bago niyang mga gamit at makilala ang mga kaklase . I set myself to be happy and be inspired. Pagpasok ko ng classroom, ayos na ayos. Exciting nga yung class. Astig yung prof. Sobra-sobra na nga sa doctorate eh, wala na yatang hindi pa niya naaral. Very promising ang kanyang class. Makakapasa naman sa class niya kung handa akong matuto at basta magsikap at magsipag mag-aral. At kung hindi, ‘R/repeat’ ka. Sabi ko sa sarili ko, kaya ko ‘to ipasa. Yung mga prerequisites  before “2010” napasa ko naman, kaya walang duda na mapapasa ko ang “2010”.

Okie naman yung 1st quarter. Nakakasunod ako sa mga discussions. Sariwa pa sa akin ang mga prior lessons. Nagkaroon kami ng pre-test at diagnostic tests. Very good ako. Kaya masayang-masaya ako. Nakakasagot ako ng tama sa mga tanong. Nasa akin ang enthusiasm (SPELL ‘ENTHUSIASM’ IN 1 SECOND! LOL) para mapasa ko ang “2010”.

Pagsapit ko ng 2nd quarter, dun na nagstart ang unti-unti pag slope down ng performance ko. Dahil naging kampante ako sa sarili ko, hindi ko namalayan na medyo humihirap ang mga lessons sa akin. Bagsak ako sa 2nd mastery test dahil hindi ko pinaghandaan iyon. Gumuho ang aking mundo. Iniyakan ko ang mga test paper ko. Hindi ako makapagprotesta dahil obvious ang kamalian ko. Even the simplest instructions ay hindi ko pinagpahalagaan. Ang isang kilalang honor student ay biglang nawala sa honor roll😦 At dahil doon, ang laging masayahing ako ay nagkulong lagi sa kwarto hjindi para sa matinding review kundi para piliing mapag-isa. Yun ang mahirap sa isang taong mataas ang expectations, masakit pag bumagsak ka.

And here came 3rd term. Nawala ako ng sense of directions sa subject ko. Hindi ako makapagfocus. Yung mga reviewer at notes sa harapan ko parang kalat sa akin. Hindi ko maintindihan (o di ko lang iniintindi talaga?). Hindi na ako nagsisipasok sa class na iyon. Araw-araw pa naman may mga quizzes. Kaya pag hindi ako pumapasok, automatic yan… Yes FM! Itlog ang grado ko. At kung papasok ako, may surprise test naman, so hindi rin ako handa. Nahihiya ako kasi nung elementary ako, Boy Scout pa man din ako. Nakakahiya sa kalabaw na isinusuot dun sa scarf😀 Lagi akong nagcucutting classes. Kung saan-saan ako napapadpad.Kung anu-anong mga walang kinalaman sa class ang pinag-gagagawa ko. Yung mga classmates ko nga concerned na sa akin, lagi akong nireremind na pumasok na ako. O lang ako ng oo pero wala sa gawa. Binibigyan na nga nila ako ng Xerox… I mean photocopied lessons para maka-ctach up ako. Pero ano ginawa ko, pinatong ko lang sa mesa ko.

Nawalan na ako ng gana sa “2010”. Kaya ang minsa’y mabait na professor ko naging malupit sa akin. Di naman niya ginusto na maging malupit sa akin pero gnawa niya iyon for a reason na magising ako sa katotohanan: na napag-iiwanan na ako ng class. Lagi niyang nireremind na dean’s lister pa man din ako at bakit hindi ko daw iyon pinahahalagahan. Kaya kahit ayaw niya, pinakita niya sa akin ang performance chart ko. Parang kasintirik ng balon ang pagbagsak ng performance ko sa klase. Sa mga quizzes at assignments, mas mababa pa ako sa pinakamalalim na Marianas Trench (Di mo alam? I-google mo kaya! LOL). Hindi niya ako mai-endorse sa defense dahil hindi maganda ang kinalabasan ng project ko, ayaw niya ipahiya ako sa mga magiging panelists ko. Di rin ako pinatawad ng karamihan sa mga matulungin kong mga kaklase, unti-unti na sila naging malamig sa akin. Siguro dahil naramdaman nila kung gaano ko hindi binibigyan ng importansya ang mga advices at tulong nila. Naging pabigat sa akin ang “2010”. At dahil diyan, tinanggap ko ang kapalaran ko na babagsak ako. Ako naman ang may kasalanan eh. Kaya ang sisi ay sa akin, hindi sa’yo🙂

Ngunit akala ko huli na ang lahat. Isa sa mga classmates ko ang lumapit sa akin. Actually, ngayon ko lang siya nakausap ng one-on-one. Lagi siya sa tabi ko pero hindi ko naman pinapansin. Hindi naman siya ganun kagaling pero hindi naman siya bobo. Ordinaryong mag-aaral lang siya. Nung nakita niya akong umiiyak sa tabi ng locker room, nilapitan niya. Tumabi sa tabi ko at inabutan ako ng panyo. At first nahihiya ako dahil hindi ko naman ugaling suminga sa panyo ng iba, that’s disgusting no! Pero dahil kulang na lang ay pwede ko na i-refill ang tubig sa Angat Dam sa kakaiyak, tinanggap ko iyon. Kinausap niya ako. Sabi niya na wag ako malungkot. Sadyang ganoon talaga ang subject, major kasi kaya talagang mahirap. Hinihimas niya ang aking likod para mahimasmasan ako. Ineencourage niya ako na bumawi ako. Sa loob-loob ko, makakabawi pa ba ako sa kalagayang ito? Sinayang ko ang panahon ko sa mga walang kwentang bagay? Kung ganoon na lang din ang mangyayari eh sana noong una pa ay nagpasyang i-drop ko yung subject.

At sinabi niya ito: “Don’t be afraid to commit mistakes. No one is perfect. Use them to learn something; make it your foundation.” At dahil doon, unti-unti akong nabuhayan ng loob.

Kanina, enrolment na naman. Buti pinayagan ako ng registrar mag-enroll kahit I flunked “2010”. Sayang talaga, ang ganda ng grades ko during the 1st 2 quarters pero anlaki ng hatak pagdating ng 3rd and 4th term. Pero sa awa ni Bathala, ayon sa flowchart ay ‘soft prerequisite’ ang “2010” sa susunod na subject: ang “2011”.It means pwede ko pagsabay kunin ang dalawa. Napuno muli ako ng pag-asa para makabawi sa mga pagkukulang ko at pagkakamali. Natauhan ako. Though sariwa pa ang traumatic experience ko sa past subject, hindi ako nagpakaduwag sa bagong subject. Yep, alam kong mas matindi at mahirap iyon pero ngayo’y buo na ang loob ko, alam ko na ang gagawin ko. Kaya sana ipanalangin niyo ako na makabawi ako this time🙂

And by the way, gusto ko pala pasalamatan yung classmate ko na tumulong sa akin. Her name is HOPE🙂

HAPPY NEW YEAR! 2011 is the Year of Application!


Hot Like Mexico, Rejoice!

The Air Prince

2 thoughts on “Natuto Ako Sa “2010”

  1. Bea says:

    Happy new year, Toney!😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: