My Christmas Getaway

Leave a comment

December 28, 2010 by theairprince

Honestly, hindi ko talaga ramdam ang Pasko. Ewan ko kung bakit. Siguro dahil umabot sa kalamnam ko ang lamig ng simoy ng hangin.

Ngunit gayunpaman ay pinilit ko maging masaya. Ok naman ang celebration ng family ko last Christmas Eve. Payak. Kumain kami hanggang sa nabusog kami ng pamilya ko (though my mom and dad weren’t able to eat with us kasi antok na, plus may sakit yung tatay ko) and then we had a small exchange gift session. I got new Bench Pinoy Lab shirt from my brother-in-law. Nakakatuwa kasi siya yung nakabunot sa name ko last year. Ako naman ay nagbigay ng regalo sa aking mabuting ina, na sa mga panahong iyon ay kausap si Santa Claus sa pagtulog😀

The morning next day, nagsimba kami, as usual. Tradition na ng family namin ang magsimba. At habit na ng aming household ang maging late for the mass😀 And then we headed home to fix and prepare things for our family swimming getaway (as usual, hindi kasama ang aking parents).

It was ironic kasi magsiswimming kami tapos napakalamig ng panahon. Nevertheless, I joined with the rest of our family kasi very rare lang ako sumama sa mga outing ng pamilya namin. I also had tummy ache kaya di ako mapakali. We headed to Villa Gatchalian at Pansol, Laguna for about an hour. Salamat at hindi naman traffic papunta dun.

The resort was, uhm, satisfactory good. If I will grade it, siguro 2.0 (1.0 is passing while 4.0 is the highest mark). Maganda naman yung resort, very decent looking. But the swimming pool was kinda disappointing, yung adult pool hanggang lower chest ko lang (hindi naman ako nagedemand ng lagpas tao yung water level, pero bakit tinawag pang “adult pool” kung yung mga pamangkin kong lower than my height eh nakakapagswimming dun. Muntanbga, di ba?). Tapos weird yung parking space and yung pavement hindi accessible. Yung mga lababo, barado (IT RHYMES). Yung gripo sa kitchen, ang hina ng tubig. Wala man lang TV sa bawat rooms. At may topak yung videoke machine. So I guess yung bayad na 20k ay hindi makatarungan.

Pero kahit ganoon ang sinapit namin, we tried to be positive and happy. Although hindi ako masyado lumangoy nun dahil sa lamig at tinatamad ako, nag-enjoy naman ako kasama yung mga pamangkin ko. Kulitan tapos harutan. At some point na-feel ko yung magkaroon ng sarili kong pamilya pero I told myself na matagal pa iyon🙂 There was this moment na nag mini pictorial pa kami the night we stayed there. Tapos syempre, di mawawala ang lamon galore, pero di ako nag rice (i’m sticking with my new year’s resolution of getting fit). Bumawi din ako ng tulog sa double deck bed (yep, nasa ibabaw ako, my fave spot). At naging mas masaya ako nung nagreply si “special someone’ sa mga text ko kahit may topak ang network. In short, KINILIG AKO!

Isa lang ang masasabi ko: sabi nga ni Joemar sa text, hindi masaya ang swimming pag walang kasamang chix. Haha!😀

So, yan ang Christmas getaway ng Prinsipe ng Hangin. Kayo, ano ang ginawa ninyo? Share your experiences naman🙂

Belated Merry Christmas and Advance Happy New Year!

Hot like Mexico, Rejoice!
The Air Prince

On our way to Pansol, Laguna... Buti naman hindi traffic. I was sitting at the back of my bro-in-law's car🙂

Ito yung nasunog sa Muntinlupa last time: Sitio Tuklas. Hirap matuklas nga ng mga bumbero :))

Stop-over at Shell SLEX. Not feeling well pero chumibog ng Jollibee haha!

Pangarap ko maging bampira kahit mukha akong taong-lobo. Wow, "Imortal"!

Astig yung mga bibe, naaliw ako sa kanila. Pero wala sa kanila yung Golden Bibe :))

Villa Gatchalian, our destination. Pero hindi eto yung bahay na pinag-stayan namin😀

Me and Ate ^_^ Singit si Rana🙂

Nakakita na kayo ng batang butanding? Joke, Patrick😀

Fave nephew kong bungal: Peter😀

My sister, Andrea, and my niece, Bea🙂

HULI!

Papogi muna bago matulog... may angal? Sa korte ka magfile ng kaso!

Gloomy ang weather kinabukasan. Lungkot ni Maria Makiling😦

Dahil badtrip ako sa weather, naglollipop na lang ako😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: