It’s… SHOWTIME!

Leave a comment

December 22, 2010 by theairprince

Papapa papa papa ra rap papa…

I think this is one of the best Christmas gifts that I’ve received: ang makanuod ng live program ng Showtime! I’m not a die-hard Kapamilya pero isa ito sa mga pinapanuod ko dahil fun-filled entertainment. Parang talent competition plus comedy bar. And I think Eat Bulaga is threatened (pero love ko rin yun). Salamat pala kay Enya de Jesus for inviting me to join sa friends/blockmates niya to be part of studio audience.

 

I'M ON SHOWTIME! PARTY PARTY!

Napakafortunate ko dahil na-overheard ko lang yung plan from Vina and Shin, ang lovebirds friends ko (paging Vina and Shin… bayaran niyo ang plugging fee niyo rito sa blog ko, joke haha). At first nagbiro lang ako na gusto ko sumama (pero gusto ko talaga) tapos titignan daw ni Shin. Nagulat ako nung sinama nga ako sa list🙂 Enya and Princess, one of those who will come, texted me to confirm🙂

Call time was 10 am. Buti na lang at I made it on time… well, slightly😀 I had to ran errands before I could get to ABS CBN. Inutusan ako ng ermats ko na magdeposit muna sa Metrobank Sucat, eh ang bukas pa ng bank is 9 am. So meron akong 1 hour to travel (at hindi alam ng mga magulang ko na pupunta ako ng Showtime para manuod, pasaway na bata hehe). Good thing Shin adviced me to take Skyway para maiwasan ang traffic buildup sa Expressway. Di ko rin maiwasan ang nostalgia habang nasakay ng MRT. I brought me memories when I was still an intern😦

 

Outside the studio🙂

Ilan sa mga nakasama ko🙂

Lyrics being displayed while we were waiting for the show to start🙂

Me, Shin, Vina, and Patrick (nakatulala putek)

The seats for the Hurados🙂

Some of my kasamas (wow slang!)

Vice Ganda, Kris, Ai-Ai, Venus, and Marc Logan while break

Vhong and Anne🙂

With minutes left para maabutan ko yung mga kasama ko, I rushed to ABS CBN Audience entrance and it was my first-time ever na makapunta sa vicinity complex ng nasabing station. There I met my schoolmates sa APC. Tapos we had a briefing sa isang building na mukhang di pa tapos. Imagine a place na mukhang gaganapan ng huling pagtutuos ng bida at kontrabida😀 Habang naghihintay at hindi nakikinig sa mga derektiba ng event marshals, nagkulitan muna kami. Mapalad ako na close ako at madali akong makisawsaw (suka) sa kanila kahit hindi ko sila ka-batch at ka-course🙂

Gusto ko ilahad in full details yung experience ko kaso baka abutin tayo hanggang Bandila (♫…Sa Bandila… *guitar* Wo-oh-oh-ohh…♫). Kaya ia-outline ko na lang yung highlights:

  • Starstruck ako sa mga host at sa mga hurado! Lalo na kay Anne Curtis at Venus Raj! Nung nakita ko si Venus Raj, napa MAJOR MAJOR NGA NGA AKO wahaha! Si Anne Curtis, ang ganda niya in person, sobra. Masaya din ako nang nakita ko sila Jugs and TeddyAi-Ai delas Alas, Vhong Navarro, at si Kuya Kim Atienza! Si Marc Logan kamukha ni Manay Lolit Solis haha! Di ko masakyan si Kris Aquino, parang ang hirap pakisamahan hehe. Nandun din pala ang anak ni Kris Aquino na si Bimby (tama ba spelling?) na sumayaw ng Billy Jean ni Michael Jackson. At syempre, di makukumpleto ang araw ko kung wala si… tenrereren… tereren ten ten… *ingay ng kabayo* VICE GANDA (batet?!)! Too bad, I wasn’t able to have pics kahit isa sa kanila. Nakakatakot ang Event Marshals ng ABS CBN O_O
  • Proud ang APC. Biruin niyo nakaupo kami malapit sa harapan. Tapos binati kami ni Jugs dahil alam niya yung school: dun daw siya nagsisimba (he was pertaining to St. Alphonsus Ligouri church na katabi ng APC).
  • Nagkaroon ako ng short airtime on national television! Enya (yung nag-invite sa amin) was insisting me to be the representative of APC to greet in front of the camera. At first, ayoko kasi nakakahiya pero naisip ko sayang naman kung tatanggihan ko. Nandun ka na eh. Iba pala ang register ko sa TV screen, mag mukhang naging mama ako wahaha! After that, andaming nagtetext sa akin referring to my appearance. Tapos maraming naintriga about sa ‘special someone ko’ na binati ko. Secret kung sino yun hehe😀

  • Masaya yung entire show. Bukod sa magagaling yung mga performances ng mga contestants, masaya rin yung comedic environment ng mga hosts at hurados. Laughtrip talaga si Vice Ganda. Sa totoo lang, idol ko siya pagdating sa hosting with okray😀 Party Party! Going back sa mga performances, naaliw ako dun sa 1st and last performers (Yung all-male dance crew na parang mga Santa Claus’ helpers at yung chorale from Makati). Yung 2nd performer medyo di ko trip kasi sablay pero ayos na rin. Ayon nga kay Venus Raj… Ok lang, Ok na rin 😀
  • Ay oo! Yung batang Sampolista na si Ezekiel, astig! Kumanta ng “Faithfully” with keyboard accompaniment pa! He’s only 12 (or 13 ata) years old pero kaya niya kumanta habang nagpipiano. Kahit sumamblay sa sound system (which was another laughtrip incident), the show for Ezekiel must go on🙂
  • Pinipilit ako mag sample kaso ayoko. Eh kung magkapera ako, expected may balota for everyone sa group namin (selfish haha). Pero enough na sa akin yung bumati sa TV🙂
  • Andaming chiks sa audience. Bakit, mga babae lang ba ang may karapatang lumandi? May isa akong trip dun sa mga dancers ng Showtime, kamukha niya si Alodia Gosiengfao🙂
  • The show started at around 12 noon tapos natapos ng 2:30 pm. Kaya Major Major gutom at ngawit ang inabot namin. Masakit ang mga likod namin sa kakaupo dahil walang masasandalan yung seats ng audience.

 

Nagaalok si Kuya Kim ng kape during the break. Isang kape para sa hundreds of audience😀

Anne Curtis with a fan. Sayang hindi ako nakapagpicture. Ganda niya talaga, I swear🙂

Ending ng Showtime🙂

Para mapanuod niyo ang entire episode (December 21) kung kailan nanuod kami, click here. Thanks Joemar for giving me the link🙂 Here are some of the screenshots🙂

There you have it. Masaya talaga ang Showtime. Nagpapasalamat ako ulit kay Enya de Jesus for including me sa invitation na makanuod. Thanks din sa mga nakasama ko (mga CSIT peeps) at sa mga nakapansin at nakakita sa  amin sa TV. Salamat din, Showtime. Party Party!

This is our show… This is our time… EAT BULAGA! Wahaha! Joke😀

Hot Like Mexico, Rejoice!

The Air Prince

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: