Lady Gaga-Inspired Costume (Ops, Hindi Para Sa Akin Ah!)

1

December 12, 2010 by theairprince

Salamat sa Diyos at maalam/marunong ako sa iilang mga bagay. Di lang ako photographer. Mananahi pa.😀

Last week, my friend Hannah asked me if I can help her on her Christmas Party costume. Alam niyang matutulungan ko siya. Ang inspiration ng costume niya is Lady Gaga. Sa loob-loob ko, ‘taos na ang Halloween Party ah?’ Pero yun ang trip ng company niya so wala akong magagawa. And besides gusto ko rin eh dahil Lady Gaga fan ako. Aminado, putek.😀

Meron kaming less than a week para gawin ang costume. 2 yung naisip naming visual pegs: yung parang Queen of the Universe at yung White origami/crystal-inspired dress (photo below). We decided on the latter choice nung nasa Divisoria kami while looking for the materials.

So nagdecide kami na gawin ang costume last Thursday🙂 Ang party nila ay nung Biyernes😀

Taray ni Mother Monster. Tinutubuan ng tawas LOL😀

Segue lang: masaya na magulo mamili ngayon Christmas season sa Divisoria. Andami mong mabibili! Kung may pera lang ako nun, madami akong bagong damit at gamit🙂 Di ko makakalimutan yung T-shirt sa 168 store. To that shirt: sinusumpa ko, babalikan kita. Kaya tinago kita sa bandang likod para di ka mabili kaagad. Haha😀

We finished buying the materials at around 7 PM, I think. Yung iba di na namin binili kasi meron na sa bahay nila Hannah para menos gastos at makapagdemonstrate kami ng Reduce, Reuse, Recycle campaign (eco-advocate ang inyong abang lingkod, by the way). Nakarating na kami sa house nila by 9 PM dahil dumaan pa kami sa SM Bicutan to buy spray paint and yung pang-exchange gift niya kinabukasan. Imagine niyo gagawin namin yung costume niya in a matter of few hours tapos kinabukasan na gagamitin? Oh, I miss the cramming moments of College😀

Back to becoming an engineering student again. Thank God alam ko pa ang Engineering Drawing basics😀

Me sewing the skirt😀

Base skirt. Galing no? I did it by myself🙂

Skirt with tulle para lumobo yung skirt🙂

By the way. Si Hannah ay close friend ko since college. Actually, matagal ko na siya kilala. School bus service mate ko siya nung elementary at high school days. Pero di pa kami naging close nun. Nung college nagkita kami at naging classmate ko pa siya sa isang subject (although di kami parehas ng course). And the rest is history🙂

Going back sa aking kuwento, as soon as we arrived sa house nila, nagstart na kami gumawa. Inuna ko muna yung polygons dahil medyo mahirap at ako yung nakakaalam ng pattern. After ko gumawa ng patterns, nagtrace naman si Hannah as I started the skirt🙂 Grabe, from engineering drawing basics napunta naman ako sa home economics part. Haha😀 Pero in fairness, marunong ako manahi at gumawa ng palda… balloon skirt pa! Wahahaha!

Meron naman kami katulong sa paggawa (yung sister niya) kaso she needed to sleep early dahil may work siya kinabukasan. And it was fun to meet and talk to their Mom. Ang kwela niya😀

Habang nagawa kami, pinapatugtog ni Hannah yung song for her sing performance sa party nila. Paulit-ulit niyang pinapatugtog para makabisado niya. For me, it was a torture. Imagine niyo si Jigsaw pinapatay kayo sa pamamagitan ng paulit-ulit na pagtugtog ng “Don’t Go Breaking My Heart” at “All I Want For Christmas Is You”. At ngayon, naeLSS ako! Joke, Hannah😀

Syempre, dapat may headpiece para Lady Gaga from head to toe😀

Hannah joking around with her white afro wig while being busy😀

We were harvesting polygons🙂

Try this: magspray kayo ng spray paint during early morning. Nakakahigh. Shet pare, high ako wahaha!

Inabot kami ng pagtilaok na manok ng matapos naming yung buong costume. Pinasuot ko for testing and we couldn’t believe on the result. GALING! Kahit hindi namin na-achieve yung mismong peg, at least nacapture namin ang pagka-Lady Gaga. Sabi ko nga, mukha lang siyang ballerina na tinubuan ng tawas LOL😀 Walang tulugan pero worth it😀

I’ll try to ask for her pics during the party and share ko sa inyo🙂 For the mean time, hihiramin ko yung dress at ako magsusuot. Wahaha😀

Dahil sa paggawa ng costume, naisip ko ang mga ito:

  1. Marunong pala ako manahi?!
  2. If sipagin ako, gusto ko magtayo ng maliit na costume rental business. Kaso sabi nga ni Hannah mahirap dahil iba-iba sizes ng magiging customers ko if ever. Siya pa lang, nahirapan ako. Joke, Hannah😀
  3. Maging resourceful. Di mo kelangan gusmastos ng mahal para ma-achieve mo ang gusto mo. Sa aming ginawa, gumastos kami ng less than Php 500. Yung polygons aka tawas (hahaha) ay gawa mula sa folders🙂 Yung iba meron na si Hannah🙂
  4. Naiinggit ako sa mga Christmas Party na may costumes😦 Di bale, next time, magcocostume ako: yung Lady Gaga talaga wahahah😀

Ta-dah! Hannah aka Lady Gaga!

Presenting Hannah: ang babaeng tinubuan ng tawas crystals LOL😀

At natapos kami at around 5 AM ng Friday. Kaya pag-uwi ko, nasermon on the Mount ako ng ermats at erpats ko. Haha😀

Kung katulad kayo ni Hannah na nais magkaroon ng mga costumes, ibulong niyo lang sa hangin ang pangalan ko.

Bad breath ka! LOL Joke lang😀

Haha! Advance Merry Christmas, little monsters!😀

Hot Like Mexico, Rejoice!

The Air Prince

One thought on “Lady Gaga-Inspired Costume (Ops, Hindi Para Sa Akin Ah!)

  1. Bea says:

    May career ka na, Toney! Why not take a second degree in fashion design? Hehe.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: