Spread The Message, Not The Virus (World AIDS Day Special)

2

December 1, 2010 by theairprince

Gusto ko pag-aralan yung macho dancing moves ni Hayden Kho Jr😀

“I feel I’m doing the safe and right thing to do. My responsibility towards HIV prevention becomes a rewarding privilege. Wearing condom is not enough. So get tested!” 

— Toney Sevilla aka The Air Prince, multimedia artist, model coach, advocate

Voila! It’s December 1: the first day of the month, 24 days before Christmas Holiday. What will be the nicest thing to do but to celebrate also WORLD AIDS DAY! Nope, hindi ko sinabi na magsaboy tayo ng sakit. Tayo’y magdiwang para ipalaganap ang mensahe, hindi ang sakit😀

Ang inyong nakikitang litrato sa ibabaw ay mula sa Project Headshot Clinic’s special 3rd anniversary series, Project Headshot Clinic ACT. Layunin ng proyekto ni Niccolo Cosme, isang talentadong photographer sa bansa (anak siya ni Cesar Cosme, isang magaling na creative director sa tv networks), na bigyang diin ang kaalaman para iwasan ang sakit na HIV/AIDS sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng mensahe kasabay ang mga litrato ng bawat taong kalahok (at masyado na akong nagpapakamakatha!).

Ang inyong abang lingkod ay mapalad na mapabilang dito sa HEADSHOT CLINIC. Few years ago nung ito’y nagsimula noong 2007 ay sabik na akong sumali ngunit dahil sa hiya at walang panahon, akala ko’y hanggang titig lang ako sa mga obra-maestra ng aking idol. Isang open-for-all application sa Facebook via Twitter ang naging daan upang subukan ang aking kapalaran. Sumagot ako ng isang katanungan ukol sa pakiramdam sa HIV testing. At dahil sa aking tapat na sagot, sinuwerte ako😀

Narito ang karagdagang kwento tungkol sa aking karanasan. Click here.

Break muna tayo. Grabe para akong nagtapos ng Bachelor of Arts Filipino degree sa super lalim ng Tagalog ko😀

Ayun. Hindi para maging vain or mang-inggit ang layunin ko. Matindi ang advocacy ko para sa HIV/AIDS prevention, though hindi naman ako sexually active. Yep, you heard me right. Kayo na maghusga sa sinabi ko. Pero malinaw na ako ay para sa safe sex.

Now that's what you call "CONDOM COUTURE"😀

At sino may sabing mas nakakalalake ang hindi magsuot ng condom? Mga parekoy, oo naiintindihan ko ang sentimyento niyo. Masarap ang walang balat (I mean, yung walang condom. Matakot ka kung walang balat ang inyong kambyo. Ano yun, skinless longganisa?! LOL) ngunit masarap pa rin ba ang pakiramdam kung kinabukasan ay nalaman mong HIV positive ka na? Mapalad ako na mapabilang sa kampanyang ito dahil somehow naging formal ang education ko about sa sakit. Before the pictorial, nagkaroon kami ng maliit ngunit makabuluhang usapan. Binigyang linaw ng mga invited spokesperson ang mga malalabong pananaw namin ukol sa HIV/AIDS🙂 Medyo natawa lang ako nung sa wearing a condom education segment. Pabirong magkakaroon ng actual demonstration (VOLUNTEER WAHAHA!) at muntik na rin isuot ang condom sa NAPAKALAKING mineral water bottle na nakita ko sa tanan ng buhay ko (na isa din sa mga sponsor ng event)! Pero alam ko naman kung ano ang correct way of wearing the rubber (BA’T KO ALAM?!) dahil sa aking extensive research😀 Basta ang alam ko ang tunay na lalake ay responsable sa kanyang mga desisyon at actions😀 Actually, it’s more than gender matters. It’s about human responsibility🙂

Naalala ko yung first-time na pagbili ng condom sa convenient store. Super hiyang-hiya ako tapos ilang beses akong labas-pasok sa tindahan na akala siguro ng security guard ay memeber ako ng isang holdup syndicate😀 Pero tinapangan ko ang sarili ko. After purchasing, I felt relieved. Parang bumibili ka lang ng candy. At teka bat ako bumili? Masama bang subukan at maging handa, aber? LOL

At dahil diyan, may ilang pointers din akong gustong i-share ang ABCs ukol sa HIV/AIDS prevention. No, hindi makakatulong ang withdrawal. Pang-bangko lang yun! Wahaha😀

  1. Abstain.
  2. Ano ang unang hakbang para sa prevention. Ano pa eh di pigilan ang tawag ng laman😀 Huwag muna maging sex machine. Isipin na Mahal na Araw/Ramadan paminsan-minsan (uy, for analogy purposes lang po ah). Maraming mga bagay ang pwedeng gawin besides landing the airplane on the tunnel (na for me, ang weird nitong kid’s explanation dahil kelan pa nagpapark ang eroplano sa tunnel? Pwede siguro hangar para mas sosyal). At kung hindi makapagpigil talaga, ano silbi ng mga kamay mo? Be creative.

    Baka maging ganito ako habang buhay kapag nag-abstain ako. Ang tanong, virgin ba ako? You decide LOL

  3. Be faithful.
  4. Kung ikaw yung tipong mahilig magtanim sa iba’t ibang bukid, malaki ang chance mong makakuha ng sakit. Tandaan: walang sinasanto ang sakit na HIV/AIDS. Kahit sino pwede magkaroon, kahit ang Santo Papa. Ang HIV/AIDS ay isang contracted disease, meaning ito ay napapasa kung kani-kanino. Kaya papaano maiiwasan ang pagkahawa/paghawa ng sakit? Eh di stick to one. Be faithful, but don’t multiply. Joke😀 Practice monogamous relationship.

     

    Sorry, marami akong asawa😀 Joke😀

  5. Condomise.
  6. Isa pang magandang paraan para hindi makahawa/mahawa ay ang pagsuot ng condom. Hindi ko na kailangang i-explain ang condom pero para sa benefit ng lahat, hindi po ito plastic balloon or casing ng hotdog/longganisa. Ito ay gawa sa latex (usual material din sa mga surgical gloves, OPS OPS OPS! HUWAG GAWING SUBSTITUTE ANG GLOVES SA CONDOMS KAHIT NASABI KONG GAWA ITO SA LATEX!) at ginagamit ito upang 1) iwasan ang pagbuntis ng babae, 2) iwasan ang pagkalat ng HIV/AIDS through sexual intercoruse, at 3) para maging cute ang ari ng lalake (HAHAHA, joke lang yung pang-3rd)😀 Kaya I don’t see a moral sanction as protested by anti-RH bill. Hello, nasa 21st century na tayo and let’s act accordingly. Let’s not put ‘Be fruitful and multiply’ into a limiting mentality. At mamaya marami na akong death threats😀

    Ganito ang correct way to wear condom/s😀 Joke😀

    Meron pang letter D kaso I forgot kung ano yun, pero isa rin sa best ways for HIV/AIDS prevention is to have yourself get screened. Don’t woory, it’s free, accessible, and most importantly, confidential🙂

    For more information, puntahan niyo ‘tong site.

Ayun. Masaya at proud ako na nakasali sa campaign. Although nanghinayang ako dahil hindi man lang ako nagpakuha ng picture with Sir Niccolo (grabe ang admiration ko, parang diyos na no?) pero there’s always next time😀 But the most important thing from my experience is that I learned a lot and it strengthen my principles as a person🙂

What are your thoughts? Share them! Happy World AIDS Day!

Hot like Mexico, rejoice!

The Air Prince

2 thoughts on “Spread The Message, Not The Virus (World AIDS Day Special)

  1. Bea says:

    Love the last photo, hehehe!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: