Niccolo Cosme’s Headshot Experience

1

November 29, 2010 by theairprince

No, hindi po ako nabaril sa ulo via Counter Strike😀

Medyo late post. Sorry, I was k-kinda busy to post this on time. Marami akong pinagkaabalahan these past days🙂

Sir Niccolo Cosme. *bows*

Anyway, last November 20 (Saturday), nagpunta ako sa Attica Bar and Lounge at A.Venue Mall in Makati Avenue for Project Headshot Clinic’s special 3rd anniversary series, Project Headshot Clinic ACT. Pumunta ang inyong abang lingkod para magkisali sa malaking photoshoot production ni Niccolo Cosme, one of the sought-after photographers here sa Pilipinas (and one of my idols pagdating sa photography). Isa ako sa pinalad na mapabilang dito para magkampanya ng HIV/AIDS awareness sa pamamagitan ng litrato. At hindi lang basta-basta ang pictorial/campaign na iyon: may mga celebrities na kasama at ang campaign is supported by major sponsors🙂

Actually, di ko akalain na mapapasama ako. Weeks before, I saw the application invitation posted by Niccolo through his Twitter. Kelangan lang sagutin yung question (the question was “How do you feel being tested for HIV?”) at pag napili ang iyong sagot, kasali ka na🙂 I tried and fortunately after few days, I received a confirmation email that told me na kasali nga ako! Ang sagot ay “I feel I’m doing the safe and right thing to do. My responsibility towards HIV prevention becomes a rewarding privilege. Wearing condom is not enough. So get tested🙂” Ayos di ba?😀 I felt honored, excited and nervous at the same time🙂

Eto ang event marker na nakadikit sa pinto. Kailangan mong lapitan talaga yung pinto para sabihing "Ay dito pala!"

I kinda arrived late sa photoshoot venue because of heavy traffic and I became almost lost (nahihiya ako mag-ask ng directions). Kahit pinag-aralan ko na yung map at home, going there was tough. At small brochure lang yung nakapaskil sa pinto, kaya nahirapan ako.  Buti na lang I asked the waiter kung tama ba yung pinuntahan ko. The moment I went upstairs, ramdam ko yung kaba at excitement. Naging approachable naman yung staff ng Headshot🙂 They understood kung bakit late ang karamihan sa amin. They gave me forms to fill up then we had a brief HIV talk muna. Magaling yung naging educator namin. Marami akong natutunan sa discussion and I even tried to participate by asking questions🙂 Syempre, para pa-impress din LOL There was also a demonstration on how to wear condom properly. Natawa ako kasi gusto isuot yung condom sa mineral water bottle na napagkalaki-laki😀

Yan yung napakalaking mineral water. Inuwi ko yung bottle as remembrance. Mukhang mamahalin eh LOL

And then I saw my idol. Grabe hindi ako makatingin sa kanya ng diretso! Na-intimidate ang prinsipe ng hangin! I was the one in our batch to be taken a picture by the master. I even secretly studied the lighting setup since photographer din ako. Then, the moment came. Natuwa ako kasi impressed sya sa akin. And he was very professional but at the same time cool and easy to work with. But my nerves were getting me. When I was finished, I shook his hand and thanked🙂 Again, naintimidate ako haha!

The photoshoot with some of fellow participants. Sorry for the low quality of pic🙂

Marami rin akong nakasama though I haven’t got the chance to mingle with them. Mukha kasi akong utility man sa kutis, eh sila parang endorsers ni Belo😀 Joke🙂 Too bad I needed to leave as early as I could kasi may shoot ako forMake Me A SOEModel nun😦

My “headshot”, according to the photographer himself, will be released on November 30 or December 1 in line with the World’s AIDS Day.

Excited na ako. I’ll share the pics as soon as I get them🙂  Thanks to Niccolo Cosme for the opportunity🙂 Sayang hindi man lang ako nakapagpapicture sa kanya pero there will be next time🙂

Yan ang itsura ko for the pictorial. Mukhang kargador hehe😀 Tinitignan ako ng mga taxi cab drivers habang kinukuhanan ako yung sarili ko. Mukhang timang lang haha!

One thought on “Niccolo Cosme’s Headshot Experience

  1. […] Narito ang karagdagang kwento tungkol sa aking karanasan. Click here. […]

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: