“Pilipinas Kay Ganda”

1

November 15, 2010 by theairprince

Dahil sa shows na Pilipinas Win Na Win, Pilipinas Got Talent, at Umagang Kay Ganda, nakapag-isip ng bagong slogan ang Department of Tourism para palitan ang WOW PHILIPPINES

At eto ang kinalabasan ng kanilang matinding pagsusuri at pag-aaral para sa bgong tourism slogan…

Joke lang yung pagbuo ng process para sa slogan pero hindi po ako nagbibiro; bago na po ang slogan ng Philippines Tourism. Simula ngayong Monday (November 15), hindi na WOW Philippines, it’s Pilipinas Kay Ganda/Beautiful Philippines. Layunin ng bagong slogan ang pagpapalakas ng turismo; reinvigorate daw, ika nga.

Basahin niyo ang buong detalye here.

Eto na, for me, ang da best na slogan ng Pilipinas para sa turismo

Personally, parang hindi angkop ang proposed, er na-implement na pala, na slogan para sa turismo ng ating bansa. Oo, tunay na maganda nga ang ating bansa. But the new campaign somehow lacks impact and appeal for the international market. Siguro tayu-tayo lang ang makaka-appreciate ng Pilipinas Kay Ganda. Ayon sa mga nababasa ko sa Twitter, the campaign also lacks intensive research to come up with brand new, fresh, and more appealing. Kung ikukumpara natin ang dating slogan sa ngayon, mas may impact o dating ang WOW Philippines dahil mapapaWOW ka talaga.

I found this downstairs. Lumang mug ng ate ko.

...or bakit hindi "MABUHAY" ang ginamit?!

I have my faith on our people. We are truly gifted with something that we can be truly proud of. Biniyayaan tayo ni Bathala hindi lang ng isang napakagandang bansa kundi samu’t saring talento. At ang mga talentong ito ay maaari nating gamitin upang ipagmalaki ang ganda ng ating bansa. Sa panahon ngayon, maraming Pilipino ang marurunong at magagaling. Kaya nakakalungkot na lang na makita ang kinalabasan. Pinag-isipan ba talaga ng gobyerno natin?  Ito ba ang kaya ng Php 100 million? I don’t think so. Kung gusto natin gumanda ang imahe ng ating bansa, kailangang pag-isipan at pag-aralang mabuti ang bawat hakbang. Hindi dapat kaagad gumagawa ng isang bagay ng hindi man lang na-proofread. I’m pertaining to the new website.

"Kasalanan ko ang lahat kung bakit bumaba ang tourism market ng Pinas."

Bilang isang multimedia artist, napakasakit makita ang bagong tourism campaign. Gaya ng nasabi ko, bukod sa maraming tarantado (joke), napakaraming talentado sa ating bansa. Ipinapanalangin ko na sana ay naisip ng Department of Tourism ito. Sana nagpacontest na lang sila, gaya ng ginagawa ng Olympic Committees: nagpapatimpalak sila para sa mga slogans, logos, pati mascot designs. Hindi ka na nakatulong sa bansa as a whole, nakatulong ka na rin sa bawat Pilipino upang i-recognize ang talento. Or bakit hindi nila kinausap ang Team Manila?

Feel ko mas OK 'to🙂 NIce Team Manila, kahit laru-laro lang🙂


Dating tourism campaign ng Pilipinas. Laging pinapalabas ito sa PTV-4 (dating name ng government-owned na NBN ngayon). Formal pero it worked. At si Agot Isidro pala kumanta dito?

[Youtube=http://www.youtube.com/watch?v=8V2Fd7O2dRY]
Buti pa si Apl.de.Ap bentang-benta eh. Cool graphics and most importantly, the concept!

But no matter how our government goodly or badly promotes our country, huwag natin kakalimutan na responsibilidad natin na tayo rin mismo ang naghihikayat para dayuhin, tignan, at damhin anbg ganda ng Pilipinas. Kahit sa simpleng ngiti, nakakatulong na tayo sa pag-usbong ng turismo at gayun din sa ekonomiya at iba pang elements ng ating society. Tayo ang nakatira dito kaya tayo rin ang dapat magmalaki sa sarili nating bansa🙂 Gaya nga ng sabi nila Gloria Diaz (Miss Universe 1969) at Margarita Moran (Miss Universe 1973) sa video sa baba… let’s welcome everyone to our country… and as we say here in the Philippines… Welcome, MABUHAY!

Kayo, ano ang suggestions niyo?

Hot like Mexico, rejoice!

The Air Prince

One thought on ““Pilipinas Kay Ganda”

  1. historyadorparasabayan says:

    Hello. No offense, pero para sa akin, wala naman akong nakikitang mali o problema sa “Pilipinas Kay Ganda” na slogan. Sanay lang siguro tayo sa WOW Philippines. Aminado naman ako na mas maganda ito kung ikukumpara sa “Pilipinas Kay Ganda.” Sa tingin ko, ok lang na gamitin ang Wikang Filipino sa slogan imbis na nasa wikang ingles kasi kung gusto talaga natin maging globally competitive, dapat ipagmalaki at ipagmayabang natin ang ating wika. Wala rin naman akong isyu kung katunog niya ang mga palabas sa TV. Nasa packaging naman kasi yan. Kung papaano dadalhin ng mga programa o kampanya ng DOT ang slogan. Hindi ko rin alam kung ano ang nasa isip ng DOT. Tignan na lang siguro natin kung anong mga hakbang ang gagawin ng DOT upang buhayin ang turismo ng ating bansa.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: