Mula sa Baul ng Aking Ina (Mga Medals, Diploma, Cards, at Alikabok)

Leave a comment

November 13, 2010 by theairprince

Imagine nasa graduation hall tayo… tapos aawardan muna yung mga honor students…

“Salutatorian… Antonio Sevilla y Ramirez…”

Tapos papalakpak ng audience. Tapos… natapilok ako. Hahahahahahaha!
———————————————————————————————————

Last week, wala ako magawa. Kaysa sa matulog na naman ako o magdamag na nakatingin sa marungis na kisame, naghanap ako ng magagawa.

Bigla sumagi sa isip ko (sagi lang, buti hindi ako nagkapasa haha!) na maghanap ng mga bagay mula sa aking kabataan. Halos lahat ng mga nalipasan at napaglumaang mga kasangkapan ko ay naitapon o kaya’y naiwan sa dati naming bahay sa Parañaque. Ngunit pinalad ako na matagpuan ko ang iilan sa aking mga pinaka-iingatang pag-aari. Actually, hindi ako yung nagtabi; yung nanay ko ang nagtabi.

At eto po ang mga nahalukat ko mula sa baul ng aking nanay😀

... presenting the medals/achievements of The Air Prince

Silver medalist: Preparatory. Parang silver platter, kulang na lang patungan ng glass of red wine haha!

Silver medalist: Grade 1

Third Honors - Grade 2 (leche bumaba ako)

...pero maganda yung color combination at yung medalyon

Second Honors - Grades 3 and 4 (naks, nabawi ko rin)

4th Honors - Grade 5 (bumaba na naman ako! Pero in fairness, favorite medal ko 'to kasi ganda ng kulay)

Close-up. Oh di ba? May resin effect pa!

Leadership award, forgot kung kelan ko to nakuha. Pero fave ko rin tong medal.

Parang nakakuha ako ng Order of Sikatuna mula sa Malacañang haha😀

Co-curricular Awardee - di ko rin sure kung kelan 'to. Eto ang pinakakawawa sa lahat ng medals ko kasi siya lang ang nadungisan. Di pa rin matukoy kung ano ang dahilan.

Close-up ng Co-curricular medal ko🙂

Oo... nag Boy Scout ako... at nagka-award pa! I think I received this when I was in Grade 5🙂

Some of my special awards... kasi special child ako hahaha😀

Salutatorian ako noong Grade 6. Ayos no? Lagi akong nagsasalute noong marcha wahaha😀 De-sbit na ang medal🙂

Some of my Grade 6 special awards: COLC (Congregation of Our Lady of Mt. Carmel) awardee, Cooperation awardee (matulungin ako... daw), Boy Scout of the Year awardee (naks!), at Leadership awardee (na nagtataka ako dahil iba yung school na nakalagay sa medal)

Here comes HS life... from 1st year to 4th year, lagi ako nasa Honorable Mentioned. Iba na pala yung school ko noong High School: tumawid lang ako ng village hehe🙂 Nawawala yung ribbon ng medal ng isa😦

WOULD YOU BELIEVE??? Best in Deportment (conduct) ako noong 1st year and 2nd year! Teacher pet ako eh joke! Ewan ko ba, sinapian ako ni Angel Gabriel noong mga panahon na yun. Eventually, hindi ko na namaintain ang pagkamabait kong mag-aaral noong 3rd year to 4th year😀

Report cards ko nung Prep, Grade 5, and Grade 4. Magaganda grades ko nun! pinakamababa ko is 83 at ang mataas ko is 94 (95% ang highest passing mark sa elementary Catholic school ko nun)

Pati eto nahalukat ko. Ang First Holy Communion certificate ko noong Grade 2 ako. At kasama pa yung lyrics ng "Tell the World of His Love" na kinanta for World Youth Day '95 :))

Meron pala akong certificate noong Kindergarten???

Diploma ko noong Grade 6🙂

High School diploma ko🙂 At napakarangal ng name ko haha😀

Bago ko mapicturan yung sandamakmak na alikabok ay nasinghot ko. Kaya tuloy bahing ako ng bahing nun. Bagay ako sa commercial ng Benadryl, the anti-Histamine drug😀

Hay, nakakamiss sariwain ang kabataan. Buti at naitabi ng nanay ko yung mga katibayan na noong bata ako ay isa akong masipag at matalinong mag-aaral.

Hot like Mexico,

The Air Prince

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: