Ang Aking Christmas Deeds List

Leave a comment

November 6, 2010 by theairprince

Malapit na pala ang Pasko. Parang kahapon lang ‘nagpapaputok’ ako for New Year ng 2010. Hoy, green minded ka ah! Haha😀

Panigurado yung mga nanay niyo hinuhugot muli ang mga Christmas Trees sa bodega ninyo at muling papalamutiin (at pagkatapos ng taon, mamomroblema na naman kung papaano itatabi). Maririnig na naman natin ang mga masasayang carols sa mga malls (pero umaasa ka na mag-Sale din hehe). Balik negosyo na rin sila Aling Bibingka at Mang Puto Bumbong (na hanggang ngayon’y na-aamaze ka sa paggawa). Ang mga lansangan ay kumukutikutitap muli (salamat sa Meralco dahil may liwanag ang buhay Pasko). At season na naman ng mga snatcher at holdaper na nag-aabang ng mananakaw tuwing may Holiday Sale😀

Ewan ko pero habang tumatanda ako (ayan at paniguradong may natatawa na naman tuwing napapag-usapan angkatandaan ko, leche) ay nawawalan ako ng gana tuwing sasapit ang Pasko. Noong ako’y bata pa, lagi kong inaantabayanan ang Pasko. Masaya ako dahil sa mga natatanggap kong mga regalo mula kani-kanino (buti walang nagregalo sa akin ng bomba or ng Anthrax LOL), sa mga pagkaing pinag-sasalo-salo ng pamilya, sa mga parties at exchanges gifts, or simply dahil walang pasok. Pero iba ngayon. Hindi na katulad ng dati ang Pasko. Well, kaya siguro nasasabi na ang Pasko ay para sa mga bata. Marahil sa economic at emotional crisis na dinadanas natin, hindi na gaano masigla ang Kapaskuhan. Mas masaya noon. Ramdam na ramdam mo. Hindi malamig ang simoy ng hangin dati. At hindi laging Silent Night noon.

Or sadyang emo lang ako?

Ngunit ngayong darating na December, sisikapin kong baguhin ang pananaw at pakiramdam ko. Kahit marami akong problemang hinaharap ngayon, hindi ako nawawalan ng pag-asa na maging makabuluhan ang Kapaskuhan ko🙂

Naisip ko na gumawa ng CHRISTMAS DEEDS LIST para maiba naman. Kung karamihan ay may mga CHRISTMAS WISHLISTS, ako ay nagsulat ng iilang mga bagay na gusto kong matupad sa paraan ng mabubuting gawa. Layunin ng listahang ito na ma-realize natin na hindi lamang sa material na bagay dapat tayo lumigaya. Ang Pasko ay higit pa sa mga regalong nakabalot sa mga makukulay na pabalot o sa kung gaano kamahal o ka-orig ang mga bagay na ating natatanggap.

Narito ang aking 10 deeds:

    1. Gigising ako ng maaga lagi.

Unang deed pa lang pero napakachallenging na. Ngayong malamig ang simoy ng hangin ngayong season, napakasarap humiga at yapusin ang mga unan. Pero namalayan ko na kapag gumising ka ng maaga, marami kang magagawa sa buong araw. Sa paraang ito masusubok ang essence ng disiplina para sa sarili.

    1. Mag-aalay ng candies, biscuit, at kahit anung mumunting pagkain sa mga streetchildren.

Nabasa ko ito sa tweet ni Veejay Floresca, isang talentadong fashion designer dito sa bansa. Instead na magbigay ka ng pera para panlimos sa mga nanlilimos na bata, bigyan mo ng pagkain. Hindi lang para siguradong hindi mapupunta kung saan-saan ang perang iniabot (pantataya, pambibili ng Rugby) kundi para maginhawaan ang kumakalam na sikmura ng mga batang lansangan. (Pero share ko: dati may mapiling street kid, ayaw niya ng burger dahil karne kasi. Vegetarian? Haha)

    1. Mag-aalaga ng munting halaman.

Gusto ko mag-alaga ng pusa (ayoko ng aso kasi) ngunit ayaw na ayaw ng nanay ko sa mga mabalahibong nilalang na iyon. Kesa sa pagpilitan ko at mauwi sa diskursyon, napag-isipan kong mag-alaga na lang ng… halaman. Harmless naman eh at low maintenance naman. Sunlight, fertilizer, at pagmamahal lang ang kailangan para yumabong ang halaman. Try ko kaya mag-alaga ng Venus Fly-trap? Haha😀

    1. Blood donation.

First and last time ko mag-alay ng dugo ko noong 2006. Kahit nakakatindig-balahibo, nais kong muling magdonate ng dugo para sa nangangailangan maliban lang sa mga bampira at zombies😀 Meron pa nga akong blood donation bank na sa mga oras na ito ay nawawala😦

    1. Magbibigay ng art sessions para sa mga pamangkin ko.

Bihira lang ako mahilig at matuwa sa mga bata (yung totoo, gusto maging pedophile? Haha!) ngunit darating din ang panahon na magkakapamilya ako at magkakaanak, dapat ay matuto na akong makihalubilo sa mga bata. Total, naging bata rin ako. Hilig ko ang mga art stuff noonn at hanggang ngayon kaya nais kong maghandog ng munting art session sa bahay para sa mga pamangkin ko. Hindi lang para mapalapit ako sa kanila kundi para makatulong ako madevelop ang kanilang skills🙂

    1. Magtuturo sa mga gustong matuto ng photography.

Matagal ko na itong plano. Gusto ko magsagawa ng informal tutorial session sa school as a sign of my gratitude sa aking kurso. Hindi sa pagmamayabang ngunit hindi ko mahuhubog ang talento ko sa photography kung hindi dahil sa paaralang kumumkop sa akin. At bilang ganti, gusto kong ibahagi ang ilan sa mga natutunan ko. Hindi masama ang magshare ng mga nalalaman🙂

    1. Magluluto ng masarap na pagkain para sa mga kapatid ko sa Pasko.

Nagmana ako sa tatay ko pagdating sa pagluluto. At dahil ako ang nakatoka sa mga pagkain namin dito sa bahay sa pang-araw-araw, napaghusayan ko na ang panlasa at pagluluto. Siguro kung hindi ako naging multimedia artist, baka naging chef ako at mataba na ako ahaha! Anyway, para maramdaman naman ang presence ko nila dahil busy ako lagi, maghahandog ako ng pagkaing masarap. Baka mag-bake ako🙂

    1. Mag-aalay ng talento sa simbahan.

Tradisyon na ng pamilya namin na magsimba tuwing araw ng Pasko. At may family portrait pa afterwards haha! Nais kong maging parte ng misa bilang violinist sa simbahan para hindi lang ako maipagmalaki ng aking pamilya. It’s for God too🙂

    1. Tutulungan kong maiahon ang negosyo ng aking tatay.

Medyo hindi maganda ang takbo ng negosyo ng tatay ko. Siguro panahon para umaksyon ako. Marahil ay magagamit ko ang aking degree para sumigla ang sales ng business ng tatay ko. Pwede kong i-reformat ang branding ng business. Gandahan ang menu lay-outs para makaakit lalo ng customers🙂

    1. Yayakapin ang aking nanay.

Simply gusto ko yakapin siya🙂 Namimiss ko na nanay ko😦 Lagi kasi kami nagmimisunderstanding eh😦 As a sign of love and peace, yayakapin ko siya🙂

So ayan, nagshare ako sa inyo ng aking mga gagawin this season of sharing🙂 Alalahanin natin na ang Pasko is not just for materialism. And let’s try not to be selfish. Extend ourselves and feel the presence and warmth of God and others’ love🙂 And it might light up the Christmas lights all over the city😀

Ano ang deeds mo for Christmas? Share mo🙂

Hot Like Mexico, rejoice!

The Air Prince

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: