Ano Ang Beauty Secret Ko?

1

October 27, 2010 by theairprince

Ano nga ba secret ko? Sex. Joke😀

At least hindi ako umaasa masyado sa Photoshop. Tinatanggal ko lang pimples ko using Photoshop pero hindi ko binabago ang ilong kong malaki😀

May angal? Bakit masama ba maging magandang lalake? Ika nga sa kanta ni Janno Gibbs: ♫Ako na yata ang pinakamagandang lalake sa mundo!♫ No doubt, parehas kami ni Janno Gibbs: malaki ilong😀 Joke🙂

Anyway, gusto ko lang mag-share about some of the things I use on daily basis. Let’s start with my soap🙂

This is a 'beauty bar', not a soap🙂

Few years ago, I had a terrible breakout. Alam niyo yung tagyawat na tinubuan ng mukha joke? Yep, I became victim of that. Nakaranas ako ng madaming pimples dahil sa stress sa school projects. Grade 6 student pa lang ako, nagkaroon na ako ng pimples. Hanggang sa High School, di ako tinantanan nila. Syempre, subject of jokes ako lalo na nung High School. Hindi ko na babanggitin yung mga tawag sa akin😀 Iba’t-iba na ginawa ko para hindi ako tubuan ng pimples. Nandyan ang products at derma appointments. Yung iba, successful/good results. Yung iba, lalong nagpalala.

Going back sa breakout. I remember grabe yung dinanas ko. Parang na-infect yung mukha ko. I had to take steroids and antibiotics to subside and ease the infections on regular basis. Syempre, di kaya ng bulsa ng nanay ko kaya napuputol ang medications ko. So bumabalik din yung mga pimples ko nun. Then I had a consultation with my dermatoligist. We discussed kung anu-ano ang mga habit ko na nagpapalala sa sitwasyon and recommendations niya.

I remember her one of her recommendations and I adhere to that: try and try until you find the one. There’s no assurance that the products is 100% effective on everybody. In short, yung iba hiyang, yung iba hindi hiyang. It depends sa taong gagamit. Try first if it works on you. Kung gumana, tuloy mo lang. Pag hindi, hanap ka ng ibang product.

I’ve tested a lot of products in the market. Some of them were effective on the first weeks. Some were not even effective once you used them. Pero there is this particular product na sinubukan ko at sa umpisa pa lang ay satisfied na ako. At iyon ay ang Dove.

Alam ko it’s too unmanly for some of us to admit na nagamit ako ng Dove. Pero nasa age na tayo na ang mga lalaki nagiging conscious na sa kanilang appearance. Kaya nauso ang bansag na metrosexual… isang metro na lang, homosexual na. Joke😀 Kidding aside, meron na ring market for male beauty products. I’ve tried one of those like Master and Nivea for Men pero the results were unconvincing. I have an oily and sensitive skin kasi. So I tried to use facial care products that are mostly used by women. Hindi effective sa akin yung Pond’s (until they released products containing Salycilic acid). Pero when I used Dove soap, ay este beauty bar pala, I loved the results.

Hindi ako tinubuan ng mga galit-na-galit na tagyawat. Plus, moisturized ang mukha ko. My face, although may acne scars, feels somehow soft and hindi dry. Plus, gusto ko yung mild scent/amoy ng Dove. Hindi matapang. May iilan na napansin ang magandang benefits ng Dove aside from myself. Kuminis daw ako🙂 Or nagsisinungaling lang sila😀

Ang downside ko lang for Dove is mabilis matunaw. Matubigan lang, tunaw na. And that because Dove contains 1/4 moisturizing cream🙂

So I don’t fully convincing you guys to use it but I’m recommending this to all of you and see if it works. Just as I have said kanina, kung hindi gumana, try another. It’s just a matter of finding what suit on you. And in my case, I settle for Dove.

For more info, try niyo bisitahin ang Dove website.
Hot like Mexico, rejoice!

The Air Prince

One thought on “Ano Ang Beauty Secret Ko?

  1. kayem says:

    i super agree with you kuya toney bout DOVE!! yan nga gamit ko now.. i’m currently using Dove (color violet sya ang cute) winter Limited edition hahaha

    i can totally relate with this post.. kasi as of now pinuputakte tlga ko ng pimples agh!! i dont know why pero nagsusulputan sila.. and pangatlong palit ko na ng facial wash.. from PONDS (effective sakin yan sa pinas pero hindi na dito sa US T_T) to OLAY (No effect!) to ACNE FREE (kung kelan paubios na dun ka pa lang ata nakikita ang results hahaha)

    anyways. i also tried consulting other pinays na matagal na dito.. sabi nila normal lang daw tlga ang breakout ng pimples kasi ganun din daw un nangyari sa kanila nung bago pa lang sila dito sa US.. i guess im still adjusting sa weather dito.. from a super humid country to a super cold country… crossing my finger that someday babalik din ang kutis ng aking noo hahaha ^_^

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: