Kaya Ayoko Bumagyo (Read Before You Joke)

6

October 19, 2010 by theairprince

Kaya sa mga nananalanging bumagyo para walang pasok, matakot kayo sa sinasabi niyo. Imagine kung kayo ang nasa bahay namin.

Panuorin niyo ang mga sumusunod na video. (Ako pala kumuha ng mga video. So copyrighted.)

Yung huni (0:01-0:20) galing sa window namin. Nakakatakot yung tunog. Pero mas nakakatakot yung isa pang huni (starting at 1:10) kasi nanggagaling iyon sa transmission lines ng NAPOCOR na nakatayo sa shores ng lawa na, at that moment, yung paa ay nakasubmerged sa tubig. Kakagising ko niyan dahil sa nakaktakot na tunog.

I think around 6 in the morning ‘to nung kinuhanan ko. Usually pag summer, yung shores puro damo yan. Kulang na nga lang hippies eh. Pero nung nag-Ondoy at nag-Santi, parang extension ng Laguna de Bay yung nangyari. Can you see the waves? Imagine kung lamunin kayo nun O.O

This is a better but scary view of the waves being generated by Typhoon Santi. You can see sa video kung gaano wasakin ng mga malalakas na alon yung mga bahay lalo na pag gawa lang sa kahoy. Parang scene sa 2012 yung nangyayari. Umiiyak na ako niyan kasi nakakatakot talaga.

At eto ang kinatatakutan ko. Nangyari na. Water from the lake started to enter our house. We panicked because it was unexpected. Noong kay Milenyo hindi ‘to nangyari pero kay Santi nangyari. Everyone didn’t know what to do. Hindi namin maisalba yung lahat ng gamit kasi almost lubog at basa. So hinakot namin sa second floor yung pwede namin iakat. Imagine nabuhat ko yung mga table at sofa all by myself because of adrenalin rush! One major culprit kung bakit pumasok ang tubig from the lake was because of the aircon hole at the back of our house (our house, by the way, is just sitting beside the lake!). Yung tubig sumirit sa hole hanggang sa hinimpas at totally na knocked-out ng alon yung aircon. Yung water was slowly rising…

Makikita niyo yung aircon nasira na (0:23) dahil sa lakas ng alon. You can even see the waves already touching the high wall of our compound; nearly destroying one the window glasses (0:40). Tapos tumataas na yung tubig: hanggang bewang na. Nakakadiri kasi feeling ko yung burak sa singit ko pero wala kaming magagawa. Kaya we decided to evacuate our home immediately. Nagsettle kami sa front house ng compound namin.

Eto ang mga aftermath photos:













Nangyari ito noong kasagsagan ng bagyong Santi last October 30, 2009. Weird. Hindi kami sinalanta ng Ondoy (although naipon yung tubig sa Laguna de Bay kaya napakadrastic) pero kay Santi lang nangyari ito. Kahit noong panahon ni Milenyo hindi ganito sinapit namin. Hindi ko akalain na mangyayari ito kasi nung the night before it happened, masaya pa ako sa Halloween Party ng school namin.

Pero awa naman ng Diyos at ligtas kami. Naisip ko na walang sinasanto ang bagyo or any calamity. Basta lagi dapat tayong handa sa lahat ng anumang pwedeng mangyari. Kahit nasa Makati ka pa or somewhere else in the Metro.

Kaya ever since pag may bagyo (recently nung dumaan si Basyang last July 2010), natatakot ako. Natrauma ako. Hindi ako makatulog pag pumapatak ng malakas yung ulan sabubong ng bahay namin. Natatakot na ako pag humahampas ng malakas yung hangin sa mga bintana namin. Kahit paalis na si Typhoon Juan ngayon, di ko maiwasang magpanic.

Kaya think twice bago kayo magbitaw ng lame excuse para bumagyo. Mahirap magbiro.
Hot like Mexico, rejoice!

The Air Prince

6 thoughts on “Kaya Ayoko Bumagyo (Read Before You Joke)

  1. ako na excite masyado sa bagyo kasi rare ko lang to na experience..bad ba?

    • theairprince says:

      Tayong mga Pinoy kasi may mentality na gusto magkabagyo para suspended at magkabreak. What irks me is when they hope for a bad weather just for a lame reason to stay at home, even if it’s just a joke. Ang sa akin lang, mas ok lang na sabihin ‘sana walang pasok’ kesa sa ‘sana bagyuhin tayo para walang pasok’.

      Bad? Of course hell yeah :)) Di ako mapanatag at makatulog pag may bagyo at kahit malakas lang ang ulan. I was traumatized. Leaving here just beside the lake (the waves are hitting the wall of out compound) is a risky fact of mine O_O Thanks for reading my blog, btw ^_^

  2. Totoo iyan. Ang mahirap sa atin, o sa karamihan, ay ibinabalik lamang natin sa ating mga sarili ang halaga o epekto ng mga pangyayari. Na, halimbawa, ang bagyo ay pagkakataon na mawalan ng pasok, na makatukog, atbp., kung saan hindi natin madalas isaalang-alang ang kahirapan na maaaring nararanasan ng iba dahil sa bagyo. Sa kabilang banda naman, mahirap din kasi na maramdaman talaga ang hindi mo nararanasan, at ang nararanasan lamang ng iba.

    • theairprince says:

      Naiinis kasi ako pag nakakakita ako ng mga ganoong status particularly from students. Hindi nila alam na the more na ginugusto nilang madelay yung classes, tatambak yung school load.

      Pero I’m guilty din before, ganoon rin ang mentality ko. Pero hindi to the point na sumasamba na ako sa Bathala ng Bagyo :))

      Kumbaga we have to feel the shit before we can say it’s shit. Di ba? Salamat sa pagcomment🙂

  3. duking says:

    having a break or staying at home is a matter of choice para sa ating sarili.

    an ill wish para magkaroon ng sakuna just to have a reason na magkaroon ng break ay isang ill wish talagang pagsisisihan natin after makita ang ganitong pangyayari.

    • theairprince says:

      Yes. It’s a matter of choice talaga sa atin for us to have a moment to rest/relax. Pag suspension, it turns out to be a time for us to stay at home🙂

      Pero ayun nga, di ba kahit wish+joke yun, it hurts our hope for safety of everyone? Kung sa bagay, huwag na lang natin patulan, maghanda na lang tayo sa worst case scenarios🙂

      Salamat sa pagcomment ^_^

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: