OPM… Old Pinoy Music Playlist

Leave a comment

October 18, 2010 by theairprince

Habang may ginagawa, naisip kong magpatugtog ng mga kanta. Tama na ang mga Lady Gaga or Adam Lambert or David Guetta or Boys Like Girls songs. Tayo ay magpatugtog muna ng OPM. Di lang basta-basta OPM kundi mga lumang OPM na kanta.

Sa totoo lang, medyo nakakasawa minsan makinig ng mga contemporary songs lalo na yung mga revivals. Yung iba sa kanila parang wala lang, tipong makagawa lang para may pandagdag sa album track listing. Yung ibang songs hindi binibigyan ng hustisya yung original versions. Iyan ang masaklap pag nagrerevive ka ng kanta lalo na pag mula sa dekalibreng manganganta. Imbis na bigyang ng bagong buhay o kulay, nasisira ang orihinal na saysay ng kanta. Hindi sapat ang makabagong technology at talento para magrevive ng old OPM songs. Kahit lapatan mo ng modern beats at birit, dapat alalahanin ang tunay na mensahe at emosyon na nakapaloob sa kanta. Ok lang kung mag-experiment pero take the risk. Basta ang importante huwag mababoy ang kanta🙂

Kaya ngayon, naisipan kong makinig sa mga lumang tugtugin. Ito ay mga kantang kahit ilang taon na ang lumipas, di alintana ang kalumaan kapag sinimulan mo ng pakinggan; tipong sa mga unang nota pa lang ng kanta eh pumupukaw na ng damdamin. Alam ko it sounds baduy pero aminin natin, napapa-sing along rin tayo. Marahil yung ibang kanta rito ay patok sa mga amateur singing competition, videoke, or soundtracks ng teleserye/movies.

Okie, simulan na natin! Jukebox, SELECT (Naka-shuffle playlist tayo, hehe)😀

15. Dito Ba – Kuh Ledesma

“Dito ba, dito ba… Dito ba, o, dito ba? Ang dapat kong kalagyan… Na isang sulok kong hiram… Sa ilalim ng araw…”

Eto ang kanta para sa mga nao-OP😀 Hindi alam kung saan sila pupunta. Kaya naka-ilang tanong si Kuh sa kanta: dito ba, o dito ba talaga?😀 Pero kung tutuusin, favorite song ko ‘to kasi ramdam ko yung frustration ng isang taong unsure sa buhay niya. Yung tipong naghahanap ng sense of comfort and security. In short, mga taong insecure haha! Joke😀 Eto ang emo song noon hehe😀

14. Magkasuyo Buong Gabi – Rico J. Puno

Mag…ka…suyo buong gabi… Masaya’t magkatabi… Magkayakap sa buong magdamag… And maybe strangers in the night… Can be lovers for the rest of our lives…”

Sabi daw, si Rico J. Puno daw chickboy. Lapitin ng babae. Dahil sa bigote niya, dahil sa pagkamacho gwapito, or dahil sa mga kantang nagpapatamis sa mga puso’t labi ng Pinoy? Regardless ng kanyang charm tactics, in fairness gusto ko yung boses niya🙂 Parang nanliligaw siya habang nakanta. Umaapaw ng machismo ang mga kanta niya🙂 Regarding sa kanta above, I dunno kung sino yung babae pero while listening to the song, parang naiimagine ko nasa Honeymoon sila. Obvious naman sa lyrics eh, di ba? Kumbaga kahit may sexual undertones yung kanta, we can’t resist singing to the song because dama natin yug intimacy ng nagmamahalan🙂

13. TL Ako Sa Iyo – Cinderella

“Ewan ko ba kung bakit type kita… Di ka naman guwapo… Kahit malabo ang pagpili ko, T.L. ako sa ‘yo.”

Wala sa kaanyuan ang pag-ibig, sabi ng iba. At dito sa kanta pinatunayan ang notion na iyon. (Para po sa mga hindi nakakaalam kung ano ang ibig sabihin ng T.L., it means True Love. Ang pag-ibig ay more than sa pisikal na kaanyuan, bagkus nasa sa loob natin. Kaya huwag kayo magulat na si ganito pumatol sa mukhang (insert degrading descriptions here), ok?

12. Bituing Walang Ningning – Sharon Cuneta

“Balutin mo ako ng hiwaga ng iyong pagmamahal. Hayaang matakpan ang kinang na ‘di magtatagal. Mabuti pa kaya’y maging bituing walang ningning, kung kapalit nito’y walang paglaho mong pagtingin.”

Familiar kayo sa mga usual beauty pageant questions about choosing between fame or love? Ang kantang ito ang magpapaliwanag kung ano ang kasagutan. Ayon sa kanta, kung nakamit mo na ang mga pangarap mo sa buhay at may kulang pa, iyon ay dahil hindi madaling makamtan ang pag-ibig. Hindi katumbas ng kasikatan ang pagmamahal. Minsan di naiiwasan ang mabulag sa kinang ng tagumpay. Sikat ka nga pero walang nagmamahal sa iyo dahil mapagmataas ka. Kaya sa kanta ni Sharon, mas pipiliin ng kumakanta na ipagpalit ang kinang ng tagumpay sa lilim ng pagmamahal. Hence, mabuti pa siya maging isang bituing walang ningning kung kapalit ay walang hanggang pag-ibig🙂 Dahil kung hindi… you’re nothing but a second rate, trying hard, MANGONGOPYANG PUSAKAL! Haha😀

11. Nandito Ako – Ogie Alcasid

“Nandito ako umiibig sa `yo, kahit na nagdurugo ang puso… Kung sakaling iwanan ka niya, huwag kang
mag-alala… may nagmamahal sa `yo… nandito ako.”

Isa pa ‘tong kanta na pasok sa mga emo na tao pero mga umaasa. Kumbaga, if on the event na nagbreak-up yung sinisinta ng kumakanta at ang karelasyong iba, handa pa ring umibig siya. Hence, ‘nandito ako’. Grabe. Kahit nagdurugo ang puso niya, huwag daw siya mag-alala dahil may reservation😀

10. Ang Pag-ibig Kong Ito – Leah Navarro

“Ang pagibig kong ito… Luha ang tanging nakamit buhat sayo… Kaya’t sa maykapal tuwina’y dalangin ko… Sana’y kapalaran ko ay magbago…”

May mga taong nasasaktan pero hindi pinapakita ang kanilang nararamdaman. Akala natin matayog at matatag sila ngunit sa kalooban ay umiiyak na pala. Ang drama noh? Joke😀 Itong kanta ay para sa mga martyr ng pag-ibig. Kulang na lang, i-canonize na sa Vatican😀 Ang pag-ibig ay hindi lagi tamis ang nakakamit. Minsan, pait ang nararamdaman. At nasa sa atin kung mananatili tayong masasaktan o handang magparaya para lumigaya. Gaya nga ng sabi sa kanta, inaasa na ng tinig ang kapalaran niya para makalabas sa pait na dinadanas niya.

9. Ipagpatawad Mo – VST & Company

“Alam kong kailan lang tayo nagkatagpo… Ngunit parang sa’yo ayaw nang lumayo… Ipagpatawad mo, minahal kita agad…

If I am not mistaken, isinulat ito ni Joey de Leon for his friend/fellow VST & Co. bandmate, Vic Sotto (yung kumakanta nito) nung nagkakaproblema si Vic sa karelasyon niya before. I love this song. It kinda reminds me of Bee Gees, kahit sa iba nilang kanta. Ang kantang ‘to ay para sa mga atat umibig, like mga gusto magkarelasyon kaagad. Kwento ito ng isang lalake na humihingi ng kapatawaran sa kanyang dilag dahil hindi niya sinasadyang mapa-ibig sa kanya kaagad. Naniniwala ako na ang pag-ibig ay process din. Dapat hindi maging hasty ang isang lalake sa mga babae, and vice versa. Kung mangliligaw ka, don’t force her to love you instantly. Let them decide. Dahil mahalagang kilalanin mo muna ang isang tao bago mo mahingi ang tunay na “oo”. Para sa bandang huli, walang sisihan🙂

8. Sayang na Sayang – Manilyn Reynes

“Sayang na sayang lang ang pag-ibig mo. Laan pa naman ang puso ko sa ‘yo… Naaalala ka kung nag-iisa… Sa pangarap (ko’y/ay) kasama kita…”

Base sa mga nabasa ko sa net, ito ay inaalay ni Manilyn sa pumalyang relasyon nila ni Janno Gibbs nung sila pa ay mga bata-bata pa (yep, nagkarelasyon silang dalawa :D). Ambata pa ng boses ni Manilyn dito😀 Ang kantang ito ay tungkol sa nagsimulang matamis na pagsasama na nauwi sa bigalaang nag-iba ang ihip ng hangin. Kaya nagsisisi ang babae. Sayang na sayang daw. Pero di niya maiwasan na hanggang sa panaginip ay naaalala pa siya. In short, may remnant pa yung guys sa babae. At kung sakali daw na umibig yung lalake for the second time, mag-ingat daw para wala ng pusong masaktan. At kundi hindi, jombag na ang aabutin.😀 At ‘di ko kinaya ang shoulder pads at hairdo ni Manilyn😀

7. Tamis ng Unang Halik – Tina Paner

“…Tuwing ang mata’y mapipikit, bakit tamis kusang nagbabalik… Kukupas pa ngunit hindi ang alaala mo ng una mong halik…”

Kung may kanta version ang “Katorse” 1980s movie nila Dina Bonnevie at Gabby Concepcion (I forgot kung sino yung isang guy), ito iyon. Actually, ito ang song for the movie-turned-afternoon teleserye sa ABS-CBN. It describes the usual sensation of the ‘first love’. Ano pa nga ba ang isa sa manifestation/way of romance? Kiss, di ba? Halik: ang pagdampi ng mga labi ng isa’t isa. Sa kantan ni Tina Paner, ang unang pag-ibig ay iniuugnay sa unang halik. Ganoon naman pag first time, hindi mo makakalimutan. Lumipas ang mga taon at maraming tao ang makakasama/iibigin, paniguradong maaalala mo pa rin ang taong bumihag sa puso mo. ANCHEESY!😀

6. Iisa Pa Lamang – Joey Albert

“…At kahit iba na ang minamahal mo, kung sino man ang siyang may-ari ng iyong puso… Ang bawat pangalan, kalaro, kaibigan… Iisa pa lamang ang minahal ko ng ganito.”

Bago pa ito kinanta ni Lani (Lani… anak ng pucha?! Joke) Misalucha para sa teleseryeng kaparehas ng title ay ikinanta na nito ni Joey Albert (babae po siya). Nakakatunaw ang mga unang salita sa kantang ‘to. “Sa dinami-dami ng aking minahal. Panandalian lamang at ilan ang nagtagal…” Iyan ang dakilang example ng playgirl! Joke😀 Buti hindi siya nagkasakit ng HIV or STD dahil iba-iba ang nakakasalamuha niya! Joke ulit😀 Kwento ito ng isang babae na marami ng nakasama sa buhay niya (“sa dinami-dami…”), mapa short-lived or long-lived, ay di pa rin niya nakakalimutan ang kaisa-isang taong inibig niyang tunay (“…iisa pa lamang ang minahal ko nang ganito”). Ganoong naman talaga, hindi pare-pareho ang paraan ng pag-ibig natin sa iba’t ibang tao.

5. Ewan – APO Hiking Society

“Mahal kita, mahal kita, hindi ito bola… Ngumiti ka man lang sana ako’y nasa langit na! Mahal kita, mahal kita, hindi ito bola… Sumagot ka naman ‘wag lang … ewan …”

Isa ito sa paborito kong kanta ng APO. Set in 3/4 ala march tempo, parang animatic yung song. Parang scene ng lalakeng pilit niyang inaalam kung ano ba talaga ang nararamdaman ng dalaga sa kanya kahit isinisigaw na niya sa buong mundo kung gaano niya kamahal siya. Hindi maintindihan ng guy yung girl (siguro may ‘bisita’ kaya mailap haha!) kaya nahihirapan siyang itindihin pero mahal niya pa rin siya. ‘Oo’ o ‘hindi’, yan ang dapat na sagot. Pero syempre, gusto natin ng ‘oo’. Ngunit ayon sa kanta, ang ‘ewan’ ay parang affirmation na rin (“…parang oong inaasam”). Sa mga guys, masyadong atat sa sagot. Pero dapat alalahanin na ang mga babae ay dapat bigyan ng sapat na panahon para mag-isip. Kung hindi pa rin sumasagot, kantahan mo nito. Kung sumagot ng ‘hindi’, sorry pero basag ka LOL:D

4. Bakit Labis Kitang Mahal – Lea Salonga

“Bakit… labis kitang mahal? Yakap mo’y di ko malimutan… Bakit… labis kitang mahal? Sumpa man, iniibig kita!”

Sa pagkakaalam ko, hindi si Lea ang unang kumanta nito kundi ang bandang Boyfriend. One word about this song: OBSESSED. Pati ba naman sa pagtulog, hindi mai-alis sa isipan? Baka pati sa pagdumi sa inidoro, iniisip pa siya? Joke😀 Ang cute ng boses ni Lea dito; halatang bata pa siya. Pero dapat din natin isa-alang alang na huwag tayo masyado umibig (actually hindi pag-ibig na iyon). Oo, masarap talaga umibig kaya abot hanggang langit ang galak. Pero hinay-hinay lang. Parang alak iyan, huwag masyado iinom dahil nakasasama sa kalusugan.

3. Narito Ako – Regine Velasquez

“Narito ako umiibig… Laging tulala at ligalig… Heto na naman at halos di mapakali… Sa damdamin na pinakamimithi.”

Baliw siguro si Regine… posible bang pwedeng ipagsabay ang pagiging tulala at ligalig? Muntanga naman ‘yun. Haha!😀 Kidding aside, ito sa tingin ko ang song na about love lang. Walang binanggit about someone special. Tungkol ito sa damdamin ng pag-ibig: kumbaga, ang mundo niya ay pag-ibig. This song is a celebration of love. Pero napapaisip ako kasi yung song parang ang melancholic. Tapos the fact na “narito ako” yung lyric/title. Parang she’s calling attention (stressed on where she is). KSP? Nah. Marami tayong assumptions about this song pero one thing is sure: love can take us to any places🙂 Yung totoo, airplane?😀

2. Sayang – Claire dela Fuente

“Sayang… ngayon lang tayo nagkatagpo, ngayon na rin magkakalayo… Bakit kaya minsa’y sadyang kay damot ng tadhana?…

Eto ang gusto ko sa mga lumang kanta particularly from 70s to early 80s: they infused real sounds of instruments/less synthesized unlike during 80s. Kung woodwind, woodwind talaga maririnig mo. First time ko narinig ‘to when I was a kid from my elder sis’ cassette tape (di pa uso ang CDs nun!). I adore Claire. She is one of the most respected Jukebox singers here in the country. She is even dubbed as the Karen Carpenter (ang babaeng namatay dahil sa gutom ayon kay K Brosas hehe) ng Pinas dahil similar sila ng way of singing, parang inaantok pero mellow. About the song, tungkol ito sa brief and late encounter/relationship ng lovers na sinisi pa mismo sa fate (“…Bakit kaya minsa’y sadyang kay damot ng tadhana?”). Hinahangad ng kumakanta na sana before pa sila nagkatagpo at nag-ibigan para nagtagal yung relasyon hanggang magtagal. Pero wala na magagawa kaya… sayang.

1. Hiram – Zsa Zsa Padilla

“…Di ba ako’y tao lang na nadadarang at natutukso rin? Maiaalis mo ba sa `kin na matutuhan kang mahalin? Sa bawa’t sandaling… hiram natin…”

Sanay tayo sa ideal structure ng isang relationship: two lovers. Pero what if kung may 3rd party na involved. Kerida. Kabit. Ka love triangle. In shirt, iba. Hiram na pagibig. Sinubukan ng kantang ‘to na dalhin tayo sa kabilang dako ng pag-ibig; sa point of view ng kabit or ‘humihiram‘. Oo, hindi dapat tularan ang mga kagaya nila pero gaya nga ng sabi sa kanta, sila ay ‘tao lamang na nadadarang (naaakit/napapalapit) at natutukso rin‘. Iyan ang masakit at mahirap sa isang kabit. Umiibig sila pero hindi legal/bawal/hiram lamang. Ngunit kahit napa-risky ng relasyon iyon, hindi maiaalis sa kanila na nangangailangan sila ng pagkalinga at pagmamahal. Sa kanta ring ito ay ipinapaalam sa atin na nakakatukso ang pag-ibig. Kahit alam natin na bawal, gagawin pa rin. Ipinapaalam rin sa atin na kahit nag-iibigan sila ng mahal niyang inagaw ng saglit, alam niyang hiram lamang iyon (hanggang sa dulo ng song, iniwan tayo ng lasting word na ‘hiram‘). Nasasaktan siya pero wala siyang magagawa.

Pero honestly, everytime na naririnig ko ‘to, kumikiway-kiway din yung lips ko katulad ng kay Zsa Zsa Padilla (her trademark while singing), tipong nanginging yung baba at cheeks. Hahaha😀

So I guess that’s all for the mean time. Marami pa akong gusto i-share na songs na minsan kong pinakikinggan pag nagsasawa ako sa modern music. At syempre, isaisip natin na dapat maging proud tayo sa sarili nating musika. Mabuhay ang OPM!

If you have your own OPM playlist, you can share them🙂 I’ll be glad to hear you comments🙂

“Di baaaa! Ako’y tao lang na nadadarang at natutukso rin!” (tapos nanginginig din yugn lips hahaha)😀
Hot like Mexico, rejoice!

The Air Prince

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: