Boring October 17

1

October 17, 2010 by theairprince

Akala ko mananalasa si Typhoon Juan dito sa Metro Manila pero parang hindi… ang init eh. But as I peep through my window, I can see dark cloud formation at a distance. Hindi magandang senyales ito O_O

Salamat sa PAGASA twitter, ako ay laging updated although minsan may inaccuracy sila sa reportage. Kelan ba darating ang mga Doppler radars nila? And are they effective?

Habang sinusulat ko ito, medyo lumalamig. Kumukulimlim pero maliwanag pa rin ang araw habang pababa sa kanluran.

Napaka boring ng araw. Pero ayos lang kasi todo pahinga ako. Relaxation at its finest. Nagbabalak ako kanina na lumabas ng bahay pero (Oopps, may kulog na akong naririnig) wala akong pera at nagpapa-good shot ako for tomorrow. And besides, di niyo ba pansin na super init? Ang tingkad ng sinag ng araw, kulang na lang maglatag ako ng mga isda sa kalye para magdaing😀

At dahil wala akong magawa buong maghapon, share ko na lang mga kinuhanan kong litrato gamit ang aking MyPhone🙂 Pasensya na kung hindi maganda ang kalidad🙂

Nasaan na nga ba si Typhoon Juan kanina? Ganyan kaganda ngunit kainit ang weather buong magdamag until around late 4 PM. Maligaya kanina yung mga labandera sa amin, matutuyo daw ng mabilis yung mga sinampay na labada😀 From a distance, kita yung mga clouds at kita rin yung famous na landmark sa Sucat, Muntinlupa… yung NAPOCOR plant (na according sa iba eh Puto Bumbong factory dahil kamukha ng lutuan ng puto bumbong haha!)

Wala akong ginawa kundi matulog… matulog… at… ma… matulog. Hoy kayo ah! Linggo ngayon, behave😀

Syempre, di mawawala ang internet. Aside from Facebook, nagreresearch ako for upcoming photoshoots for an event. Tapos nag-uupdate din ako ng mga stuff. Magiging busy na ako sa mga susunod na weeks.

Tinatamad ako ayusin yung kama ko. Wala yung cover kasi laundry day nga. Expect niyong mamayang gabi meron na yang cover🙂


Gaya ng sinasabi ko, it was laundry day🙂 Parang ukay-ukay lang. At hindi sa akin ang mga panty’t bra ha! At nagsusuot ba ako ng panty at bra? Malamang hindi!😛

Ayan. Yung mga damit namin naplantsa at naiayos na rin.

Binili ng nanay ko at ni Andrea. I dunno where it came from. Pero super cute nila. Sabi ng nanay ko, Vietnam Rose daw. Bakit may Zimbabwe Rose ba?😀

Ayan para malaman niyo kung gaano ka-cute sila. Hinawakan ko just for you to see🙂 I’ll suggest my nanay to buy little pots for these ’cause feeling ko dapat i-repot sila.

One of my cute ‘pamangkin’, Bea🙂 Ayaw ipakita yung ngipin dahil… may ngipin nga ba? Joke, Bea🙂

Merienda ko kanina: isang malamig na Coca Cola at 2 Cloud 9 (yung isa nakatago sa pocket ko haha. Damot no?)

I’m in Cloud 9 right now!

Hay. Kelangan ko na magkaroon ng matinong camera para next time, maganda na qualities ng photos🙂
Hot like Mexico, rejoice!

The Air Prince

One thought on “Boring October 17

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: