Easy Lang Sa Pagpopost, The Air Prince

1

October 13, 2010 by theairprince

Kakagaling ko lang sa pag-iyak. Mayroon kasi akong problema. Pero nahimasmasan na ako kaya ok na, salamat sa hanging malamig at kay Lord kasi kausap ko siya. Alam kong nakikinig siya🙂

Hindi bagay sa akin maging pastor😛

Napansin ko lang. Adik ako sa Facebook. Nakakahiyang aminin pero totoo. Nagsisilbing ‘mundo’ ko iyon. Minsan ‘entablado’. Minsan ‘imbakan’ ng makukulit na ideya. Minsan ‘bulletin board’. Minsan ‘meeting place’. Minsan ‘parausan’… dahil sa tindi ng damdamin. Pag-uwi pa lang galing sa labas or pag walang magawa (or kung may ginagawa), bukas kaagad ng web browser at nakatuon na ang aking sarili sa Facebook.

Sabik ako pag may notification alerts ako (pwera lang pag sa mga posts na hindi ako interisado). Kapag may bigla akong naiisip, status update lang ang katapat. Parang ‘diary’ ko na ang Facebook. Basta kung ano ang trip ko sabihin/i-broadcast, wala akong pakialam. Basta mai-type ko at mai-‘share’. Tapos saglit na maghihintay para sa ‘likes’ or sa ‘comments’. Kahit negative, ayos lang basta pumatok ang aking status.

Hindi kumpleto ang Facebook experience kung walang photo albums. Aminin na natin na mahilig tayo sa litrato, mapaformal o candid ang pagkakakuha. Maraming ala-ala ang nakapaloob sa mga litrato kaya ganoon na lang ang pagkasabik natin sa kanila. Kahit 10 magkakatulad na kuha, uploaded pa rin😀

Hindi rin mawawala ang mga videos at mga links galing sa mga iba’t ibang sites. Bago pa lang natin makita sa YouTube, nakita na natin ang ilan sa Facebook. Minsan, asar tayo kung matagal magload. Pagdating sa mga links, bihira lang tayo magclick sa kanila. Natakot na tayo kasi sa mga naglipana na viruses na naka-disguise as links tulad na lang ng ‘OMG SEE THESE BOOBS’😀

Syempre, hindi Facebook ang turing sa Facebook kung wala ang mga applications at games. Ito ang dahilan kung bakit bumagsak ang Friendster. Dahil sa mga laro sa Facebook, hindi tayo mauubusan ng posibleng gawin. Nandyan ang karera ng kotse at mga alagang hayop, pagtatanim ng walang katapusan, pagpapanggap bilang isang Mafia/DJ, lutu-lutuan, awayan ng bruha laban sa bruha, atbp. Pati pusoy dos meron sa FB. Minsan naiisip ko, kung totoong pera yung sa Farmville, mayaman na ako. Nandyan rin ang mga applications, kung ayaw mo maglaro magsagot ka na lang ng quizzes, o alamin ang walang-kwentang kapalaran, o makipaglokohan kung sino ang kamukha mong artista, or alamin ang mensahe ng Diyos (sosyal, di lang pang-heaven si God, pang cyberspace pa!). Aminin natin na nakakairita yung ibang application invites na halos mapuno ang walls natin (Naalala niyo yung pillow fight? Hampasin ko sila ng dos-por-dos eh!)

Nandyan ang mga ‘pokes’ at ‘likes’. Minsan natatawa ako kasi yung iba nililike halos lahat ng comments ko… pati smiley emoticons na reply ko, may like na. Eh kung i-like niyo na buong pagkatao ko?! Joke😀

Matalino ang nakapag-isip ng Facebook. Kitams, may pelikula pang hinggil sa napakasikat na social networking site! Dahil nakakaaliw ang Facebook, naging patok sa masa. Mapalalake o babae, may ngipin o wala, may panty o walang panty, bata man o matanda, mahirap o mayaman, for sure may accounts sila sa FB. Pati mga subcultures at mga current-affairs related na groups (We love Venus Raj MAJOR MAJOR fanatics, mga galit na HongKongnese, mga Jejemons, mga concerned sa Haiti earthquake at Ondoy, etc.) Facebook has become more than a website. Nagsisilbing komunidad ito para sa ating lahat. Naging isang tool para maihayag ang ating mga nais ihayag. Naging lugar ito ng demokrasya at humanidad para sa ating lahat.

Pero…

Noong isang araw, may nangyaring di ko ninais at ginusto. Nagalit ako sa isang pangyayari. Ayaw ko na i-elaborate. Basta nakakapanggigil. Kung nais mo pumunta sa Spain para makasaksi ng toro sa bullfight, sana pinuntahan niyo ako rito sa bahay. Umuusok ang ilong ko sa galit. Tumaas ang kilay ko ng 1 inch. Galit na galit ako. Kulang na lang magkamukha kami ni Incredible Hulk. At dahil hindi ako makapagpigil, gusto ko ilabas ang galit ko, at nailabas ko sa pamamagitan ng status update. Naging nakagawian ko yung ganoon: pag nadadala ako ng matinding emotion lalo na ng galit, status updated kaagad. Di ko alintana kung ano ang magiging reaksyon ng iba, basta mahalaga naihayag ko ang saloobin ko (minsan naiisip ko na kaya ko nagagawa yun para matauhan yung taong umagrabyado sa akin at para mapahiya ng konti, pero indirectly. I don’t mention names.)

Pero di ko inaasahan na may ‘repercussions’ ang ginawa ko. Wow, what a word. In short, may disadvantage. Malay natin. Iba ang dating ng mensahe sa ibang tao lalo na pag written. Gaano mo idetalye ang mensahe mo para linawin ang nararamdaman mo, hindi pa rin perpekto ang transmission ng mensahe/ iba ang maaaring dating sa iba. Oo, marahil makisimpatiya sila sa iyo, pero yung iba sabihin drama king/queen ka or worse, epal. At masama, nadala ang aking ginawa sa labas ng Facebook. Naging usap-usapin kaya nagdulot sa akin ng matinding pighati kanina bago ko ito naisulat. Hindi natin maiiwasan na ang nagpag-uusapan sa Facebook, maaaring lumabas sa cyberspace. Hindi applicable ang statement na ‘what happens in Facebook stays at Facebook’. Ang tao kasi basta may pag-uusapan, walang pinipiling lugar/medium.

At dahil diyan…

Lesson of the day: Natutunan ko na hindi dapat LAHAT pinopost sa Facebook ang iyong mga saloobin/damdamin. Just keep it to yourself. Kung galit ka, magdrawing ka na lang, huwag na gawing status update. Kung malungkot ka, kumain ka na lang ng ice cream. Kung masaya ka, pasalamatan si Lord.

Walang masama magFacebook. Just control yourself. Maraming pwede pang gawin bukod sa Facebook. Huwag hayaang umikot ang mundo mo sa Facebook. Maraming pwede pang gawin kaysa sa pagcheck ng notifications or paglilike ng mga contents. Tulad nga sa mga paalala sa sigarilyo at alak… surf and post moderately.

Hot Like Mexico, rejoice!

The Air Prince

One thought on “Easy Lang Sa Pagpopost, The Air Prince

  1. rimewire says:

    Sus, wala yan. Ako nga 3 prof saka ITRG nakalaban ko dahil sa stat q eh.

    Hakhak.

    San ka, nagpatawag pa ng meeting ung 3 prof na un para sa kin. Hakhak.

    XXXxx

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: