Bagong Family Members: Lovebirds

Leave a comment

October 13, 2010 by theairprince

Newest sensation sa bahay... lovebirds😄

 

Another shot🙂

Late post. As usual.

2 weeks ago, Mom brought a small old cage with 2 lovebirds. Niregalo sa kanya ng suki niya, if I am not mistaken. I was like “Nako, after ilang linggo, wala na yan.” She hung it up on the clothesline para hindi maabot ng mga pusa or possibly kids.

Andrea, my youngest sister, instantly branded them names. Sosyal nga yung names eh: David and Ashley. Pero hanggang ngayon medyo hirap kami tukuyin kung sino ang lalake at babae.

Isang White and Bluish at isang Yellowish with a tinge of green. Mas malaki ng kaunti yung white-bluish kesa kay yellow-green. Mas dominante at palaban si white-bluish, plus masakit mangagat.

Nautusan akong bumili ng bird seeds. Buti na lang may malapit na tindahan ng feeds. I even saw sunflower seeds kaya bibili rin ako next time. Itatanim ko sa paso. Then nalaman ko na bumili nanay ko ng mas malaki at brand new na kulungan para sa lovebirds. Naaawa siya sa kalagayan ng mga ibon. Yung kulungan medyo sira na din kasi last time akala namin nakatakas yung isa, yun pala sumuot sa ilalim ng cage tapos nasa dirt bin. Fortunately, capable naman yung isang bird na makabalik sa taas.

Medyo maingay and makalat sila. And over demanding sa food. Kalalagay ko lang ng seeds, mamaya ubos na. Yun pala, winaagwag nila masyado so akala ko naubos na nila.

Minsan pinagtitripan ko yung lovebirds. Ginugulat ko. How bad I am. Pero lagi kong pinapakain at nililinis yung kainan nila. Baka this weekend dumating na yung new cage nila. May nesting box para kung sakaling mangitlog, safe and secured yung eggs.

Yung isa naaalala ko si Tweety Bird sa kanya (the yellow one) pero alam naman natin na siya ay isang Yellow Canary bird.
Hot like Mexico, rejoice!

The Air Prince

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: