Mga Bagay na Hindi Ko Pa Nasusubukan/Nagagawa

6

October 12, 2010 by theairprince

Okie. Virgin pa ako. Virgin pa ako sa iilang mga bagay. Kung itatanong niyo kung sexually virgin pa ako, itanong niyo sa buwan😀

Nainspire ako magsulat tungkol sa mga bagay na hindi ko pa nagawa, nalasahan, natikma (magkaiba yung ‘nalasahan’ at ‘natikman’), napanuod, naranasan, atbp. Tulad ng isang taong birhen pa, halong kaba, sabik, at curiousity ang nasa saloobin ko. Maraming katanungan ang lumilipana sa aking isipan. Ano kaya ang pakiramdam pag nagawa ko na ito? May mapapala ba ako doon? Makakatulong ba ako sa global warming crisis pag ginawa ko na iyon? Iisa lang ang alam ko: marami pang mga bagay sa mundo ang nasa tabi ko lang, hinihintay ako.

Last Saturday (October 9), first time ko pumunta sa Eastwood City dahil sapilitan akong isinama ng aking mga HS friends na sina Jenny, Gen, and Nadz. Kumpara sa Rockwell, mas pipiliin ko ang Eastwood. Doon, hindi ako nagmukhang pulubi or worse, basahan😀 I was like an amazed kid. Buti nga hindi promdi eh😀 First time ko rin kumain sa isang diner-style resto na ang name ay Johnny Rockets (nasa Eastwood din) . Mahal yung food pero sulit naman. Plus, first time ko rin makakita ng jukebox (nasa Johnny Rockets din). Kulang na lang magpatugtog ng Uptown Girl ni Billy Joel eh😀 50s na 50s yung vibe sa resto.

After ng heavy dinner at window shopping namin sa mall, pumunta kami sa Centerstage sa may Tomas Morato, another first time. Pumunta kami para manuod ng gig ng banda ng boyfriend ni Nadz, si Gyte. At dahil hindi nawawala ang audience participation sa mga gigs, nagkaroon na naman ako ng first time experience na kumanta with a live band. Kinanta ko yung fave The Corrs song ko na Runaway. Sana nagviolin na lang ako kesa sa kumanta😀 Pero in fairness, ang sexy nung isa sa girls vocalist, may hinaharap haha! Muntikan na naman ako magkafirst time kung nakainom ako ng Cerveza Negra kaso out of stock sila. MAGSARA NA SILA, JOKE!😀

(Isusunod ko na lang yung separate entry about the ambush date. Maraming nangyari kaso di kasya rito.)

Kinabukasan, hindi ko ineexpect na makakanuod ako ng first-ever concert in my entire life: Glam Nation ni Adam Lambert! May spare tickets si Nadz kaya tinext niya ako kaso gabi na pero hindi ko pinalagpas ang pagkakataon. Adam LAmbert eh, idol ko yun🙂 First time concert experience ko, first time ko rin sa VIP area! Ansaya! (View my concert experience here.)

Oh diba, gaya nga ni Venus Raj, major major ang weekend ko. Kaya laking pasasalamat ko sa kanila at kay God dahil binigyan niya ako ng unexpected weekend treat🙂
Magbalik tayo sa dapat pag-usapan.

Nakasakay na ako sa bagong PNR (Thanks tugs)… Nakapagjudge ako sa pageant (Thanks Jorelle)… Nakapagbiyahe ako out of Manila all by myself… Nakadalo sa international church gathering (EN2010, thanks Elvis)… Nakasali na ako sa cooking competition… Nakapaghost na ako ng debut (Thanks Ysza)… Nakanuod na nga ako ng concert (Thanks Nadz and Gyte)… Hmmm…

Anu-ano pa nga ba ang mga hindi ko nattry? May mga simple, may mga ‘huh-Toney-seryoso-di-mo-pa-nasusubukan?’, may mga saka-na-siguro, may mga sa tingin ko malabo kong magawa (pero malay natin di ba?) Heto’t nilista ko:

  1. Sumakay ng rollercoaster.
    Totoo yan. Malaki akong duwag sa mga extreme na theme park rides. Akala ko horror houses or Anchors Away na ang pinakachallenging para sa akin pero hindi ko pa nasusubukan sumakay sa roller coaster. Mahiluhin ako. Pero gusto ko masubukan yung thrill ng pagsakay sa Space Shuttle ng Enchanted Kingdom or dun sa Flying Bullet ng Knott’s Berry Farm sa U.S. (ANTM Cycle 15 plugging. Haha.)
  2. Mag ice skating.
    Sayang kasi Bowling yung sport namin sa PEDUFOR (PE for 4th term). Madalas ako sa SM MOA pero hindi ko man lang nasusubukan magsuot ng ice skating shoes tapos maggaglide ka sa ice rink at magfefeeling Michelle Kwan or Apollo Ohno dun.
  3. Mag horse-back riding.
    Take note ah, horseback-riding sa mga kabayo, hindi sa mga mukhang kabayo. Haha. Anyway, gusto ko maexperience yung pagsakay sa kabayo kasi parang napakaroyale at powerful ng feeling. Di ba isa sa mga gawain ng mga dugong bughaw ay ang pangangabayo? (NO PUN INTENDED AH) Parang si Master Cedie (Cedie… Cedie…) Kung pwede lang, gawin kong equestrian rink ang parking lot ng SM MOA eh😀
  4. Lumabas ng Luzon/Pilipinas.
    Sa totoo lang, pinakamalayo kong narating sa Pilipinas ay Manaoag, Pangasinan (sa north) at Lucena, Quezon (sa south). Poor me. Never pa ako nakapunta sa mga sikat na destinations outside Luzon island. Naiinggit ako sa mga nakapunta ng Boracay, Puerto Galera, or kahit saang lupalop ng Pilipinas, pwera lang sa balwarte ng Abu Sayaf at nga mga NPA😀 Gusto ko puntahan ang Pagudpud, Vigan, Baguio, Coron, Camiguin, Davao, Cagayan, Calatagan, at Batanes🙂 Syempre, malamang hindi rin ako nakakapag out-of-the-country. Gusto ko pumunta sa Spain, Greece, UK, syempre US, Australia, Japan, Brazil, Maldives, at kung saan saan pa.
  5. Makipag date.
    Never pa ako nakakaranas ng date. Group date, oo pero yung date with special someone, hindi pa. Kahit sa mga ex girlfriends ko, hindi pa ako nakakaranas ng special lakad. Hanggang sa date, napakatorpe ko😀
  6. Mag bungee-jumping/skydiving.
    I adore extreme adventure, at isa sa gusto ko i-try ay ang paghulog ng sarili mula sa napakataas na pook habang nakabit sa’yo ang lubid (Napakalalim ng Tagalog kahit nasa alapaap ka na. Shet.) or lumangoy sa himapapawid (what a term). Though nakakalula pag nasa taas ka ng ground, iba yung adrenalin rush at wind rush pag nasa moment ka na. Dun mo mapapatunayan ang mga Laws ni Newton😀
  7. Manuod ng live basketball match.
    Hindi ako marunong magbasketball. Hindi ako masyado mahilig manuod ng basketball games. Pero gusto ko rin masubukang manuod ng live matches kasi gusto ko maranasan yung energy ng crowd (though claustrophobic ako) habang naglalaro ang kanya-kanyang bets. Gusto ko sumigaw ng DEFENSE.. DEFENSE!😀
  8. Sumakay ng hot air balloon.
    I’ve been to Philippine Hot Air Balloon Festival sa Clark, Pampanga twice… just to watch how lazy hot air balloons fly. Syempre, I can’t afford to ride one. Mahal. Kaya hanggang pangarap ko na lang (unless may magsponsor sa akin).
  9. Magswimming sa white beach.
    Take note: white beach=white sand. Never in my life pa ako nakakapunta sa beach na may white sand. Last time na pumunta ako sa beach ay noong makulit na bata pa ako at itim ang buhangin. Feeling ko kasi parang nasa Boracay na ako pag nakatuntong na ako sa white sanded beach. Ako, I feel hot pag nasa white sand beach ka: maglalaro ka ng beach volleyball, sunbathing, surf (malamang sa dagat, hindi na sa buhangin), chicks spotting (hindi mawawala eh no), at kung anu-ano pang recreational activities sa white sanded beach (talagang emphasiezed no?)
  10. Mag gym.
    Shit. Gusto ko na magpaganda ng katawan. I can feel a baby flab forming on my tummy T_T Aminin na natin na sa panahong ngayon, lahat ng tao gusto maging fit. Gusto ko maging fit or maging hunk. Mga Sumo wrestlers lang ata ang may ayaw.
  11. Sumali sa Fun Run.
    Ilan beses ako pumapalpak rito. Ilang invitations na pero hindi ako nakakapunta. Pero sana in the future kung meron ulit, sasama na ako. Sawang-sawa na akong tumatakbo habang hinahabol ka ng aso😀 Gusto ko tumakbo for a cause. At daig ako ng crush ko: siya nakailang fun run na. (OOPPS A CLUE HAHA)
  12. Sumakay ng eroplano.
    Never ko pa ito nagawa. Malamang eh hindi pa nga ako nakakapunta sa ibang bansa or ibang isla😀
  13. Magdrive ng sasakyan.
    Kalalake kong tao, hindi pa ako marunong magdrive kahit magpastart ng engine. Marunong lang ako sumakay sa sasakyan😀 Gayunpaman, kinakailangan kong matuto dahil may advantage pag marunong ka mamaneho: para makagala ka. Joke! Plus, dagdag pogi points pa. Kaya nga di ba? “Basta driver, sweet lover… Aha… Aha… AHAHAHAHA!” Joke🙂
  14. Magpa ear piercing.
    Nakita lang ako ng ate ko nakasingsing, tinawag na akong adik. Nakita lang ako ng tatay ko na nakataas ang buhok ko, Jejemon na tawag sa akin. Bakit si Christopher de Leon at Aga Muhlach? Bawal sa family namin ang magpatattoo or magpabutas ng anumang bahagi ng katawan (pwera lang kung babae ka, pwedeng-pwede ka maghikaw). Pero kung magpapabutas ako, sa anu na lang… sa kuko😀
  15. Pumunta sa club.
    Alam niyo naman ako, dakilang virgin/homebounded ako. Kaya pati sa nightclubs hindi pa ako nakakatuntong. Ilang yaya na ang tinurn down ko. Medyo takot ako sa club dahil sa Ozone Disco incident dati. Pero depende sa club siguro. Tugs… tugs… tugs… tugs… Hi can I get your number? LOL.
  16. Kumain sa Shabu-shabu.
    Shabu-shabu ah, hindi shabu! Ito ay isang klaseng Japanese resto na kung saan  may hot pot sa gitna ng table mo at ikaw ang magluluto at magseserve ng food sa sarili mo. Ang cute kaya nun, ikaw maggigisa sa mga beef at veggies mo sa maliit ngunit mainit na kawali.
  17. Maglaro ng Airsoft at frisbee.
    Failure ako sa Counter Strike. Paano pa sa Airsoft, di ba? Pero ayos lang yun kasi di naman totoong bala yung ibabaril sa iyo. Nakapagpaputok na ako ng… M-16 pero yung Airsoft guns hindi pa. Aside from Airsoft, gusto ko masubukan yung frisbee game. Hindi naman siguro ako aso para maglaro nun at uso ngayon ang frisbee.
  18. Makicooperate sa Gawad Kalinga/Habitat for Humanity.
    Wala naman masama kung magpapakakarpintero ka for one day, lalo na kung… mukha ka talagang karpintero. Joke😀 Masarap yung feeling pag nakatulong ka sa kapwa sa hindi usual na paraan. And masarap din yung feeling pag one day, makita mo yung itinayo mong bahay na may nakatira. Sabihin mo “Pare, ako gumawa ng bahay na ‘yan!” Tapos biglang gumuho pagkaturo mo😀
  19. Pumunta sa comedy bar.
    Ay gusto ko ‘to! Mahilig kasi ako magjoke at mahilig ako sa joke entertainment. Lalo na pag mga bading ang nag-ookrayan tulad ni Vice Ganda. Galing nila mag-isip. Doon mo makikita kung gaano katalino ang isang tao sa pamamagitan ng pag-iisip ng witty jokes🙂 Di na uso yung slapstick comedy, uso na ang bakla comedy😀
  20. Mag outdoor camping.
    Hindi niyo ba alam na Boy Scout ako noong elementary? Nakapagcamping na ako pero sa loob ng school lang. Corny no? Daig pa ako ng young brother ko, naging part pa siya ng World Jamboree sa Makiling at sa Cebu. Pero gusto ko magcamping kasi iba yung feeling pag nasa woods ka, you’re close to Mother Nature. Tapos luluto-luto ng walang-kamatayang canned goods, magsstar-gazing, kwentuhan, at takutan😀 Tara, magcamping tayo sa bakuran niyo😀

Ayan at naitala ko na sa aking Reporter’s Notebook ang mga bagay na gusto or plano kong subukang gawin/ mga hindi ko pa nagagawa. Marahil ay magbago pa ito or imposible ng gawin. Ang mahalaga ay dapat i-enjoy natin ang bawat sandali ng buhay kahit sa mga simpleng bagay-bagay. At kung may mga kakaibang karanasan ang gusto nating subukan, lagi tayong mag-iingat. Dahil iisa ang ayaw natin subukang gawin, ang magpakamatay🙂

Hot Like Mexico, rejoice!

The Air Prince

6 thoughts on “Mga Bagay na Hindi Ko Pa Nasusubukan/Nagagawa

  1. haha. nice list. 8 na lang diyan ang di ko nagagawa at gustong gawin din.😀

  2. Lady JaJa says:

    Kuya Toney, sabay tayo sa number 19! Panoorin natin si Vice Ganda!

    • theairprince says:

      Hahahahahaahh! Papanuorin natin Petrang Kabayo eh nandyan naman si MahMah! Ay oo nga pala, seahorse pala yun haha joke🙂

  3. Samuel Camus says:

    Marami din akong di pa nagagawa diyan sa listahan mo na gusto ko ring gawin. Good job.

  4. MADZ says:

    ainaku teh, may chipipay sa metrowalk, 50 lang..pero super enjoy. love to laugh na comedy bar.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: